Enjoy Reading!!! :)
*****
Yllya POV
5 a.m pa lang nagising na ako, at maaga na yun para sa akin dahil sa bahay tinatanghali ako ng gising. Hindi ako makatulog ng maayos nakakapanibago, iba pa rin kapag nasa bahay ka. Pumunta ako sa dining section ng guild para mag almusal. Maaga pa lang nagluluto na ang mga cook dito. As I remember sabi nila libre ang pagkain dito so kahit anong orderin ko ay libre. Hehe!
''Pa order po ng 3 pancake, 2 fried egg, 2 tasa ng hot chocolate and padagdag ng 1 pang extra rice."
''Ang dami naman po ata?" tanong nung nag se-serve.
''Ah kasi..." hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya tapos nagsalita siya ulit. ''Ms. Agent, hindi po pwedeng marami ang order especially kung mag isa lang kayo kakain kasi marami pa po ang o-order mamaya."
''Ganito kasi yan...'' ganito kasi yan matakaw ako kaya gusto ko madami. Yun ba ang dapat kong isagot sa kanya?
''Pasensya na Miss. Nakalimutan niyang sabihin na share kami sa pagkain." may nagsalita sa side ko at ng tingnan ko si Xion, naka smirk pa naman ang mokong na to'.
''Okay sir I understand." pagpapa cute nung babae. Bakit kaninang ako ang kausap niya hindi ganyan ang bose niya? Saka niya binigay yung inorder ko. ''Enjoy your meal!" sabi ng babae at nag smile. Kinuha ko yung tray at pumunta sa table. Umupo si Xion sa harapan ko.
''Di ka pa aalis?"
''Diba share tayo ng pagkain." sabi niya na parang nang aasar ang boses.
''Ayaw ko nga bakit di ka umorder ng sarili mo pagkain." nang mag start na ako kumain nakasalukbaba siya sa table at pinapanood ako. ''Ano ba! Umalis ka nga dito. Na di-distract ako sayo!" tapos tumawa siya.
''Bakit? Ganun na ba ako ka attractive para sayo?"
''Wag kang feeling! Ayaw ko may nanonood sa akin habang kumakain. Kaya umalis ka na diyan." sumimangot lang siya tapos hinawakan yung tiyan niya na parang nagugutom. ''Agh...gutom na ata ako." pagpaparinig niya. Bahala ka diyan umorder ka ng pagkain mo dun mag isa. Bigla siyang yumuko sa table, ilang minuto din siyang tahimik. Naawa ako sa kanya baka nga nagugutom na siya.
''Heto oh." inabot ko sa kanya yung 1 pancake, 1 egg, 1 hot chocolate at binigyan ko din siya ng rice. Napatingin naman siya tapos ang lapad ng ngiti niya. ''Wow! Mabait ka naman pala eh!" sabi niya saka na siya kumain, parang patay gutom. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko tapos napansin kong habang sumusubo siya ng pagkain nakatingin siya sa akin.
''Ano ba?! Bakit ka ba nakatingin?!" naiinis kong tanong.
''Gusto ko lang malaman kung paano kumain ang babaeng masungit at mataray." sabi niya sabay tawa.
''Ha-ha-ha nakakatawa." sarcastic kong sagot. Binilisan ko ang pagkain saka ko siya iniwan mag isa sa table. ''Alis ka na agad? bilis naman hindi pa nga tayo nakakapag kwentuhan." sabi niya.
''Wag ka nga feeling close. Hindi tayo close kayo wala akong dapat ikwento sayo."
''Edi makikipag close ako sayo."
''Wag na. Nakakatamad."
''Sungit talaga."
''Thank you!" saka na ako umalis. Bahala ka diyan.
*****
Pagkatapos ko sa dining section nakita ko si Miguel sa balcony. Ang dark ng aura niya tapos nakasimangot. Dadaanan ko na lang sana siya kaso bigla niya akong tinawag na napaka cold niyang boses.
BINABASA MO ANG
Crocus Guild
ActionYllya Sviel an otaku girl, free-hearted, optimist, fearless, N.B.S.B (oh ngayon?!), hopeless romantic, stupid, cold-hearted, tsundere, nature lover at higit sa lahat may ESP. She was recruited as an secret agent in a top secret organization unbeknow...