Enjoy Reading!!! :)
*****
Xion POV
Nakalabas na halos lahat ng tao sa nasusunog na building, pati na sina Pierre at Elisa nandito na rin. Si Yllya na lang ang wala. Nagkakagulo ang lahat sa loob, madilim na rin sa paligid.
''Hindi mo ba napansin si Agent Y?" tanong ko kay Pierre.
''Hindi eh. I tried to contact her at ang naririnig ko lang ay sigawan ng mga tao."
Ilang segundo na lang sasabog na ang bomba.
''I will go inside!"
''Xion! Nasisiraan ka na ba?! Paano kung sumabog ang bomba mamamatay ka!" pigil ni Pierre sa akin.
''Nasa loob ang kasamahan natin! She needs help!" nagtalo pa kami ni Pierre dahil nagpupumilit ako na pumasok.
Hanggang sa marinig namin ang malakas na pagsabog at agad naman nasunog ang buong building. Naiyak si Elisa ng sumabog ang bomba.
''S-si Yllya nasa loob pa..." saka siya pinapatahan ni Pierre.
Wala man akong nagawa. I promise them na makakabalik kaming apat na buhay. Napakuyom ako ng kamao. Nagbabalak pa ako pumasok sa loob ng nasusunog na building pero pinipigilan ako ng mga pulis.
''Sir uminahon kayo. Hindi kayo pwede pumasok sa loob! Masusunog kayo!"
''Yung kasama namin nasa loob pa! Kailangan ko siya iligtas!" sigaw ko sa mga pulis.
''Hayaan niyo na ang mga bumbero. Pagkatapos ma-apula ng sunog papasok kami sa loob at hahanapin ang mga na trap."
Napasuntok na lang ako sa hangin at napapa-mura ng wala sa oras. Pinagsasabunutan ko na nga rin ang sarili ko.
Pagkatapos ng 1 oras na-apula na lahat ng sunog. Pumasok ang mga police sa loob ng building. Naghintay din kami ng mahigit 2 oras naman. Chineck ko ang orasan ko it's already 11 p.m.
Lumabas ang mga pulis at inilagay sa ambulansya ang mga sugatan at ang iba ay naman ay patay.
''Ako na ang magche-check''. Sabi ko kina Pierre at Elisa. Isa isa ko tiningnan ang mga nakahiga sa ambulansya, pero wala si Yllya.
''Ano po sir nandiyan ba ang kaibigan mo?" pumiling lang ako at binalikan sina Pierre at Elisa. Sinabi ko sa kanila na hindi ko nakita si Yllya. Sobra ang iyak ni Elisa pati si Pierre gusto na rin niya maiyak. Ako naman nagpipigil din ng iyak, kailangan maging matatag ako sa harapan ng mga team mate ko.
''H-he...y... T-tulungan... Ni--yo ako...'' sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita.
Si Yllya! Halatang nahihirapan siya maglakad. Ang dami niyang galos at sugat sa katawan, medyo nasunog din ang ibang parte ng damit niya at basang basa siya.
''Yllya!" agad siyang linapitan ni Elisa. Natumba naman siya sa lupa at hinang hina. Lumapit ako sa kanya para alalayan siya. Pinakapit ko siya sa balikat ko at inalalayan siya papunta sa ambulansya para mabigyan siya ng first aid. Hirap na hirap siya magsalita at ubo siya ng ubo, madami ata siya nahigop na usok.
Binigyan siya ng first aid at oxygen. Nakapikit ang mga mata niya at halatang hirap na hirap siya sa nangyari.
*****
Sinabi namin sa nurse na iuuwi na namin si Yllya. Pinagbihis na din siya ng ibang damit. Binigay sa amin ng nurse ang oxygen para kapag nahirapan pa siya huminga. Sumakay na kami ng sasakyan at ako ang umalalay sa kanya papunta sa loob. Mag 5:00 a.m. na ng madaling araw, pinagpahinga pa kasi siya doon.
BINABASA MO ANG
Crocus Guild
AcciónYllya Sviel an otaku girl, free-hearted, optimist, fearless, N.B.S.B (oh ngayon?!), hopeless romantic, stupid, cold-hearted, tsundere, nature lover at higit sa lahat may ESP. She was recruited as an secret agent in a top secret organization unbeknow...