Moments...

6.1K 79 11
                                    

JINN’S POV

“Maaga ka yata ngayon tol.  At milagrong nagluto ka ng agahan.  Wala ka bang lagnat niyan?” biro ni Phem habang papasok pa lang sa kusina.

Hindi ako sumagot patuloy lang ako sa pagslice ng sibuyas na ipanggigisa ko sa sardinas at itlog.  Na miss ko na rin ang lutong bahay.  Dahil sa trabaho wala na akong time na magluto.  Isa pa naman ito sa mga hobbies ko.

Patingin-tingin sa akin si Phem habang nag totoothbrush sa lababo. Alam ko nag-iisip na naman ng kung ano-ano na maaring sasabihin sa akin para pansinin ko siya.  Bistado ko na ang pag-iisip ng taong ito.

“May date ka ano?” biglang tanong niya na walang kaabog-abog.

Tiningnan ko lang siya at tinaasan ng kilay.  Hindi pa rin ako nagsalita.

“Hoy! Ano bang nangyayari sa yo at hindi mo ako kinikibo? Hindi naman ako ang bumasted sa yo ah. Kung talagang masakit sa dibdib huwag mong kimkimin…sabihin mo sa akin…nandito lang ako ready na makinig friend.”

“Ang drama mo tol! Hangover lang yan.  Ikain mo na lang yan,” sagot kong napapangiti sa kadramahan ng bestfriend ko.

“Oh di nagsalita ka rin.  Spill it out tol.  Sino ba namang bulag na babae ang bumasted sa yo at maagang-maaga ay parang wala ka sa sarili mo?”

“Bumasted? Ako basted? Kailan ba ako nabasted sa chicks? Baka kako ikaw,” birong-sagot ko sa kanya. 

Napatawa si Phem yong tawang nakakainis.

“Kailan ka nabasted? Baka nagka amnesia ka na tol.  Nakalimutan mo na bang nabasted ka noon ni Micah? Remember umiiyak-iyak ka pa nga noon eh hehehe.”

“Noon yon..hindi na ngayon,” sagot ko sabay ngiting pa misteryoso sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin? Nagkita na ba kayo ulit?”

“Secret…” sagot ko sabay talikod at ipinagpatuloy ang pag gisa ng sardinas sa kawali.  Alam kung hindi mapakali si Phem kung hindi niya malalaman ang totoo.  May pagka imbestigador ata ang taong ito.  Kulang na lang mag apply na assistant ni Mike Enriquez eh.

Pagkaluto, inilagay ko ang ginisang sardinas sa mesa at nagluto ng itlog.  Kumuha na rin ako ng sinangag at nagtimpla ng kape.  Pagkalagay ng dalawang plato ay naupo na ako para kumain.  Umupo na rin sa harap ko si Phem.

“Tol, may hindi ba ako nalalaman?”

Ito na…nagsimula na siya.  Hindi niya ako tatantanan nito hanggat hindi niya malalaman ang totoo.  Tsismoso talaga.  Hindi ako sumagot.  Kumuha muna ako ng kanin at ulam tsaka sumubo.  Gusto kong bitinin ang aking kaibigan.

“Ay ano ba…nalulon mo na ba ang dila mo? Huwag naman…yan ang asset mo tol.  Susi ng iyong kaligayahan.”

“Sira! Gusto mong maligo ng mainit na  kape sa umaga?” sagot kong napatawa.

“Hahaha pwedeng malamig na kape lang? Hindi ko gustong malapnos ang malasutla kong kutis eh.”

“Sira ka talaga Phem. Tantanan mo na nga ako.  Ayan nagluto na ako kumain ka na para matahimik yang bunganga mo.”

“Titigil lang ako pag nagsabi ka na ng totoo,” sagot niya na  nangalumbaba pa sa harapan ko. Seryoso talaga na hindi ako titigilan sa pangungulit.

“Oh siya para matigil ka lang…kami na ni Micah.”

“Sinong Micah?” ang parang naguguluhan pang tanong ulit ni Phem.  Ewan ko lang kong talagang nag mamaang-maangan lang  ang taong ito o talagang di niya lang na gets kung sino ang pinag-uusapan namin.

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon