Love Just Ain't Enough...

3.5K 63 2
                                    

Fast Forward…Saturday Morning

MICAH’s POV….

Para akong nabunutan ng tinik ng pinahintulutan akong mag night-out ni Papa at Mama.  Hindi na sila nagtanong pa ng sabihin kong mag didisco kami nina Bam at Jude.  Kilala na nila ang magkasintahan at alam nila na hindi naman talaga ako lumalabas sa gabi kong hindi sila ang kasama ko.  Pero this time kasama na si Jinn at yon ang hindi nila alam.  Medyo nakonsensya lang ako ng sabihing kina Bam ako matutulog dahil alam ko na si Jinn ang makakasama ko. 

“Mic. huwag lang uminom ng sobra ha.  Alam mo naman ang limit mo pagdating sa inuman,” ani ni Papa na patuloy sa pagbasa ng diyaryo habang nagkakape.

“OO nga anak, baka masobrahan ka at magkuwentas ka ng balde sa hindi mo bahay…nakakahiya,” dagdag naman ni Mama na naghuhugas ng pinggan.

Napangiwi ako…hindi pa nga ako nakaalis pero andami ng paalala ng aking mga magulang.  Pero tama naman kasi sila eh.  Masama akong malasing.  Nagsusuka ako ng sobra-sobra.  Kaya nga kadalasan hindi na ako umaabot sa CR kaya sa balde na lang ako nagsusuka.  Kaya kantiyaw ni Mama sa akin nagkukuwentas ng balde pag lasing.

“Don’t worry Pa, Ma, i-limit ko po ang aking inom.  Isa pa hindi naman masyadong umiinom sina Bam at Jude eh.  May pupuntahan lang kaming bar.  Doon daw kasi nagpeperform ang isa nilang friend na singer kaya panoorin namin.” Para namang kinurot ang dibdib ko…nag sinungaling naman ako.  OO nga at nag agree na sumama sina Bam at Jude sa lakad naming ni Jinn pero hindi nila kilala si Phem…kaibigan ni Jinn si Phem.  

‘Hay naku Micah, nasasanay ka ng magsinungaling ngayon.  Hindi maganda yan,’ pagalit ko sa aking sarili. Half lie lang naman yon ah…pero kahit na half lie is still a lie.

“Mic, malapit na pala ang birthday mo, anong plano mo?” tanong ni Mama na bumasag sa aking pangongonsensya sa sarili.

“Hindi ko pa po naisip Ma.  Isa pa po matanda na ako para magpaparty.  Baka simpleng dinner na lang po.  Impraktikal naman kasing gumastos ng malaki sa isang araw lang.”

“Sabagay, tama ka.  Pero baka makalimutan mo ang mga kapatid mo ha…magtatampo ang mga yon.”

“Hayaan niyo po pag-iisipan ko yan Ma.”

“Magbibirthday ka na naman…tumatanda ka na anak…baka nakalimutan mong maghanap ng bago diyan. Kalimutan mo na ang tarantadong Paul na yon.  Maghananp ka na ng bago at bigyan mo na kami ng apo ng Mama mo,” ang hindi nakatingin na saad ni Papa pero nahahalata kong nanunukso na naman ito.  Kong alam lang niya na matagal ko nang nakalimutan si Paul at may bago na akong mahal.  Kaya lang hindi ko naman maipakilala sa kanila si Jinn ng ganon-ganon na lang.  Kailangang maging handa sila…maging handa rin kami.  Baka atakihin sa puso si Mama ng wala sa oras.

“Ay si Papa talaga…halatang ayaw na sa akin…gusto mo na ba talaga ako ipamigay sa iba Pa?”  sagot kong nag dadramang nagtatampo.

“Sinong may sabi? Hindi kita ipamimigay kahit kailan anak…ang sa amin lang naman ng Mama mo ay makita kang stable na…maligaya na kami non.”

“Kakasal nga lang ni Ate Lena last year…ngayon ako naman ang minamadali mo.  Buti pa siguro papuntahin natin dito ang mga apo mo para makalimutan mo ang issue ng paghingi ng apo sa akin,” biro ko rin sa aking ama.  Alam ko kasing baliw na baliw sina Mama at Papa sa kanilang mga apo.  May tig-iisa ng anak ang tatlo kong kapatid pero lahat sila nakabukod sa amin kaya papasyal-pasyal lang sila sa dalawang matanda kong week-end.

“Huwag mo ngang madaliin ang anak mo Roberto…hayaan mo siyang ienjoy ang kanyang pagkaadalaga.  Pag nagsawa yan…siya na mismo ang maghahanap ng paraan para makapaag-asawa.”

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon