My first broken heart...

6.7K 69 8
                                    

MICAH’S POV…

                Naranasan mo na bang masugatan at ang sugat ay napatakan pa ng kalamansi? Ang sakit di ba? Pero malamang sampung beses pa diyan ang sakit na nararanasan ko ngayon.  Akala ko noon over acting na ang napapanood ko sa mga pelikula at telebisyon na halos mamatay-matay na sa iyak pagdi nag work-out ang relationship, yon pala…totoo.

                I cried the whole night.  Jinn tried to call me but I put off my cellphone.  Hindi ko pa kayang kausapin siya.  Im scared…baka bumigay ako. 

I didn’t go to school the next day.  Nag text na lang ako kay Frances, isa sa mga close friends ko.  I told her I have a bad headache and flu.  Buti na lang wala kaming exam ng araw na yon.  I don’t want to compromise my studies dahil sa nararamdaman ko. 

When I turned-on my cellphone later, halos lahat ng messages na pumasok ay galing kay Jinn.  I never bother to open kahit isa man lang.  I made up my mind. Hindi ko hahayaang masira ang future ko dahil sa maling nararamdaman ko.  Time heals all the wounds.  Alam ko lilipas din ang sakit na ito.  Haharapin ko na bukas si Jinn.  I will explain to her everything.  Hindi ko rin gusting masira ang pagkakaibigan namin.  I will apologize for my behavior.  At kahit pa mag separate ways kami, which I don’t like to happen… at least we’re still friends.

                The next day, I went to school very early.  Iilan pa lang ang tao sa campus ng dumating ako.  Umupo ako sa tambayan namin ng mga barkada ko sa ilalim ng malagong kahoy ng acacia.  Maya-maya lang nagsidatingan na ang mga estudyante. Medyo nabigla ako ng may tumapik sa aking balikat, ng lingunin ko andoon siya… dressed in her usual faded jeans and oversized t-shirt and tretorn shoes.  

“Hi!” bati niya sa akin.  Lahat ng pinagplanuhan kong sasabihin sa kanya ng nakaraang gabi ay parang nabura lahat. 

 “Hi” mahina kong sagot.  Umupo siya sa harapan ko.  Malamang wala rin siyang tulog.  Nanlalalim ang kanyang mata.  Ibang-iba ang kanyang aura ngayon. 

 “Kumusta ka na?” tanong niya. 

 “Heto…”sagot ko sabay kibit-balikat. 

“Bakit pinatay mo ang cellphone mo?  Hindi mo rin sinasagot ang mga text message ko?”

“Ah yon ba?...na lowbat kasi ako…wala akong charger kaya di ako naka charge.”

 “Mic…you don’t need to lie, alam ko naman eh.  Pumunta lang ako dito para humingi ng sorry sayo.  I don’t have any intention to scare you or hurt you in anyway…God knows how much I love you…how much you mean to me.  At alam kung nararamdaman mo rin yon.” 

 I can feel her sincerity, she is looking me straight into the eye…straight into my soul.  Gustong-gusto ko na siyang yakapin.  Tell her I love her too but I cant! I just cant do it!  I’m scared! I’m too weak…

“Jinn…I’m sorry…” halos hindi ko natapos ang aking sasabihin.  Bigla niyang ginagap ang aking kamay ng mahigpit na mahigpit.   Hindi ko na makita ang kanyang mukha dahil yukong-yuko na siya.  But I can feel her trembling.  God…she is crying.

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, buti na lang wala pang mga estudyante na nakaupo malapit sa amin. 

 “Jinn, please stop it.  Huwag ka namang umiyak dito oh…baka akalain ng iba dyan inaaway kita” ang bulong ko sa kanya. 

Hindi siya tuminag, patuloy niyang pinipisil ang kamay ko. Why can I feel her pain?  Gustong-gusto ko na siyang damayan…yakapin.  I want to comfort her…but how?  Matagal kami sa ganong posisyon.  Silence cuts like a knife between us.  I don’t know what to say…I feel my whole body getting numb. 

Maya-maya pa unti-unti kong naramdaman na  pabalik na sa normal ang kanyang paghinga. Patuloy pa rin siyang nakatungo, unti-unti kong kinuha ang kanang kamay ko na patuloy pa rin niyang pinipisil.  Kumuha ako ng panyo sa bag at binigay ko sa kanya.

  “Panyo…alam ko namang wala kang dala eh”,napatingin siya sa akin, nakangiti pero di umabot sa kanyang mata. 

“Thanks!”  Patago niyang pinahid ang kanyang luha.  Maya-maya lang tumingin na siya sa akin.  Seryoso, malungkot.

“Mic…I love you very much.  Don’t worry I will not bother you anymore.  Lilipat na ako ng school.  Hindi na kita gagambalain pa.  But one thing im sure…I will not ever forget you.  Take care of yourself always ha.”  Yon lang at bigla niyang hinalikan ang kamay ko sabay tayo.  Mabilis siyang umalis….umalis sa harapan ko …umalis sa buhay ko.

“Akala ko ubos na ang luha ko.  Akala ko tapos na ang sakit.  Pero hindi pa pala.  God help me…my heart is breaking…ang sakit-sakit pala.  I wonder how people survives with this kind of pain in their hearts.  The pain is worst because I know I love her….

---------------------------------------------------

Nag transfer si Jinn ng school at nag shift sa course na gusto niya noon pa.  Nag change sim na rin siya, siguro para wala na talagang communication sa akin.  True to her words, hindi na niya ako ginambala pa. 

Through the misery and the heartaches, I tried to focus myself on my studies.  Unti-unti kong na overcome ang sakit at lalong pinursigi ang aking pag-aaral.  Nagbunga naman ang aking pagsasakrispisyo…after a year I graduated at naging isa pa sa mga topnotchers sa aming batch.  Masayang-masaya ang aking pamilya lalo na si Papa.  I am happy too but somehow, I feel something is missing.  How I wish she is here with me on this special day of my life.

Naging madali ang pagpasok ko sa trabaho dahil sa matataas kung grades.  I was hired by one of the prestigious advertising company in the country.  Dito ko nakilala si Paul. 

Mataas, maputi, guapo at matalino si Paul.  Everybody agrees that he is a good catch.  Nanligaw siya sa akin, even courted my parents as well.  After two months sinagot ko siya.  At dito nagsimula ang isa pang kakaibang yugto ng buhay ko.

--------------------------------------------

Hey guys! Thank you for reading my story. To be honest i hate doing this chapter coz i hate the breaking up part.  But no choice, i have to do it!  Keep reading and keep voting....

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon