I will be your Hero baby....

6.8K 85 9
                                    

MICAH’S POV…

Hindi ko namalayan na napangiti napala ako.  Binasa ko ulit ang card at saka itinago sa bulsa ng aking uniform.  Nakita ko kung paano tumaas ang kilay ni Bam…halatang na intriga.

“Teka-teka..I smell something fishy in here.  Ang ngiti na yan…misteryoso…Kanino ba galing ang mga bulaklak na ito ha?”

“Bam…as long as I can remember hindi pa ibinawal dito sa office ang mag receive ng bouquet of flowers lalo na at maganda. Kaya huwag ka ng magreklamo pa ha, sabi ko habang inaayos ang mga bulaklak sa aking side table.

“Hoy bruhilda…hindi ako nagrereklamo…curious ako.  Huwag ka ngang magtaray diyan at sasabunutan na kita.  Sige na sabihin mo na sa akin kung saan galing ang flowers.  Gusto mo bang mamatay ako sa kakaisip?”

“Secret…” 

“Oh sige…ililibre kita sa lunch basta sabihin mo lang sa akin.”

Lalo akong napatawa kay Bam.  She always have her way with things lalo na at talagang curious siya.  Lalo akong ginanahan na asarin siya lalo.

“I’m sorry dear…di ako pwede sa lunch.  May pupuntahan kasi ako mamaya eh,” sabi ko sabay kindat sa kanya.

“Huh! Huwag mong sabihin na may date ka? Sa nagpadala ba ng bulaklak? May lunch date kayo?”

“At sinong maysabi niyan? Wala ah…sabi ko may pupuntahan lang ako.  Wala akong sinabi na may lunch date ako,” pagsisinungaling ko pa.

“Liar! Tingnan mo nga yang mukha mo sa salamin…nag blush ka kaya ng sabihin ko na may lunch date ka.  Sabihin na kasi kong sino ang guy na yan…kilala ko ba?  Ipakilala mo ako para makaliskisan ko kung pupuwede ba.”

Medyo natigilan ako sa sinabi ni Bam.  How can I explain to her na it’s not a GUY but a GAL ang nagpadala ng flowers.  Medyo nainis tuloy ako kay Jinn…bakit pa kasi nagpadala pa ng flowers dito sa office.  Pero in fairness…kinilig din naman ako sa ginawa niya.  Si Paul, never na nagpadala ng flowers…sayang daw ang pera dahil malalanta lang naman.

“Uyyy ano na…sino ba talaga yan?” untag ni Bam na hindi mapakali.  

“Don’t worry girl…hindi ko suitor ang nagpadala…bestfriend ko noong college.  Ayan sinabi ko na ha..sana matahimik na ang kaluluwa mo na sobrang curiousity.”

“Bestfriend??? At kailan ka pa nag ka bestfriend na hindi mo ipinakilala sa akin? Iilan lang naman ang friends mo at halos kilala ko na lahat.”

“Oo pero hindi ko siya naipakilala sa yo dahil matagal din kaming hindi nagkita..  Nagtransfer kasi siya ng school noong third year college pa lang kami at since then wala na kaming communication pa.”

“At paano niya nalaman na dito ka nag tatrabaho?”

“Nagkita kami days ago…ayan alam mo na kaya tigilan mo na ang pang iintriga,” sabi kong nakatawa.

Natahimik si Bam pero mukhang nag iisip.  At kinakabahan ako pag ganyan ang hitsura niya..parang may pinagplanuhan na hindi maganda…

“Bestfriend mo…naghiwalay kayo noong college pa …ngayon nagkita kayo ulit…and he’s sending flowers pa…What does it mean? Hmmmm?”

I know Bam is implying something romantic kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Friend…ito para matigil ka na ha…the best friend im telling you…and the one who sends these flowers is not a He but a She…BABAE…GIRL…WOMAN..LADY…ano pa? Oh Intiendes?”

Nakita kung nanlaki ang mata ni Bam at medyo namula.  Medyo napahiya siguro pero hindi pa rin tumigil.

“Huh?” Babae? Eh bakit hindi mo sinabi agad? Pinatuliro mo pa ang utak ko sa kakaisip.”

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon