D Interview---First Part...

6.4K 90 24
                                    

Para ito sa lahat ng nangungulit ng updates...Papakilig lang muna lol...

JINN’S POV…

Mabilis na lumipas ang mga araw, nakaisang linggo na ako sa bago kung trabaho.  Sobra akong nag enjoy dahil sa mababait ang mga kasama ko at napalapit ulit ako ng husto kay Micah.

We eat lunch together everyday at pati sa mga barkada niya sa trabaho ay napalapit na rin ako.  Masaya silang kasama lalo na si Bam na talagang sobrang daldal at palatawa. Gaya na lang ng isang araw na nalate ako sa pagpunta ng canteen sa tanghalian, pagpasok pa lang kandahaba na ang kamay ni Bam sa pagkaway sa akin…mukhang sobrang excited.

“Hoy Jinn dalian mo…late ka na sa pagkain, late ka pa sa tsismis,” tawag sa akin ni Bam.  Magkatabi sila ni Mommy Else at kaharap naman nila si Micah…as usual nakareserve na sa akin ang upuan sa tabi niya.  Isa ito sa mga favorite time of the day ko..ang lunch break…kasi nga makakatabi ko naman ang mahal ko.

“Pakainin mo muna ako Ma’am Bam…baka mamaya hindi na ako makakain sa mga balita mong dala,” biro ko sabay hatak ng upuan sa tabi ni Micah.  Talagang idinikit ko ng todo ang upuan ko sa kanya para…alam niyo na...para nga makapag-usap ng maayos.  Patuloy siya sa pagkain, tahimik lang.

“Anong nangyayari sa iba diyan at mukhang may sumpong na naman?” tanong ko kay Mommy Else at Bam pero sa kanya nakatingin.

“Nabagot sa kahihintay sa yo…sabi mo daw dadaanan mo siya sa office pero ginutom na siya ng sobra hindi ka pa dumating.  Ayan hindi sinumpong ng ulcer pero sinumpong naman ng topak,” ang nakangiting biro ni Mommy Else.

“Ay sorry po…kasi may isa akong tauhan na masama ang pakiramdam kaya pinakain ko muna…ako muna ang nag relieve sa kanya sa kanyang pwesto kaya pasensya na.  Gutom na nga ako eh.”

“Eh bakit hindi ka man lang nag text…alam mo namang naghihintay ako sa yo di ba?” sagot niyang mahaba na naman ang nguso. Ang cute niya talaga.  Bigla kong pinindot ang kanyang ilong sabay kuha ng mais sa kanyang kinakain na bulalo.

“Wala nang maraming angal, naubusan ako ng load eh…akin na lang to ha.  Ang tagal pa kasi ng order ko. Nagwawala na ang mga bulate sa tyan ko eh.” Sabi ko sabay kagat ng mais.  Napatingin na lang sa akin si Micah na walang magawa kundi umirap.

“Alam niyo kayong dalawa para kayong aso’t pusa…palagi na lang nag-aaway…tapos kung wala ang isa panay naman ang hanap ng isa,” sermon ni Mommy Else.

“Mommy Else…alam mo kasi pag wala ako na mimiss din ako ng iba diyan. Ayaw lang niya aminin kaya dinadaan na lang niya sa pagsusungit.”

Napatawa na lang si Mommy Else ng bigla akong kurutin ni Micah sa tagiliran. Hindi ako umangal  kahit na masakit kasi nahawakan ko naman ang kamay niya sa ilalim ng mesa.  Haay…sarap talaga hawakan ng kamay niya ang lambot…siguro Perla ang gamit niya sa paglalaba. Hindi naman siya umangal ng hindi ko kaagad bitawan ang kanyang kamay…instead naramdaman kong pumisil din siya sa kamay ko.  Pumitlag na naman ang nagwawala kong puso.  Feeling ko lang ha…kung may opening lang ang dibdib ko baka lumabas na si dear heart sa sobrang tuwa.  

 Dumating ang order ko kaya pasimple ko na ring binitawan ang kanyang kamay para kumain.  Walang kamuwang-muwang sina Mommy Else at Bam sa nangyayari sa ilalim ng mesa kaya napangiti tuloy ako.

“Uy Ma’am Bam ano yong sabi mong balita mo?” tanong ko matapos kung kumain.

“May outing ang company…overnight tayo sa beach. Kailangan sama ka kasi isasama ko rin si Jude.  Para naman mas masaya. Pwede namang magdala ng partner eh.”

“Talaga? Kailan yon?”

“Next Friday na tayo aalis.  After ng office hours deretso na tayo.  May inarkila kasing bus ang company para kasya lahat.”

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon