Yes or No nga ba?

3.5K 60 10
                                    

JINN’s POV….

          “Hi Jinn! Mukhang ginabi ka ata ah.”

          Napalingon ako at nakitang nakasunod pala sa akin si Mila.  Katatapos lang ng aming monthly regular meeting with the General Manager.  Napakaraming pagbabago na gustong i-implement ang management kaya imbes na tatlong oras lang ay ginabi kami sa discussions. Hindi ko tuloy nahatid kahit sa terminal man lang si Micah.

          “Oo may meeting eh,” ang tanging nasagot ko na lang kay Mila.  Nahihiya naman akong hindi pansinin si Mila dahil wala naman siyang ginagawang masama.  Kaya lang talagang asiwa ako sa kanya. 

          “Kumusta naman ang meeting?” tanong niya ulit na halatang binilisan ang hakbang para makasabay sa aking lakad.

          “Ok lang…as usual maraming trabaho na naman.”

          “Ang sipag mo talaga…parang hindi ka na nagpapahinga.  Belib na belib nga sa yo ang mga kasamahan mo.”

          “Hindi naman ginagawa ko lang ang trabaho ko, ayaw ko lang sayangin ang trust and confidence na ibinibigay ng kumpanya sa akin.  Isa pa ok naman ang sahod ko kaya wala akong rason na magtamad-tamaran.”

          “Yon nga ang nagustuhan ko sa yo eh…hindi ka kapareho ng iba na binibilang ang trabaho at puro na lang reklamo.”

          “Salamat…” tanging nasagot ko. Ayaw ko ng humaba ang aming kwentuhan kaya tumahimik na ako.  Pero parang hindi pa nakuha ni Mila ang aking ibig sabihin o talagang ayaw niya lang akong tantanan…patuloy pa rin siya sa pagsasalita hanggang makasakay kami sa elevator.  Dahil gabi na ay dadalawa na lang kaming sumakay.

          “Kumusta na pala kayo ni Micah?”

          “Ha?!” ang nabigla kong sagot.

          “Kayo ni Micah…halata namang kayo ng dalawa eh.”

          “Hindi ah…magkaibigan lang kami,” agaran kong sagot.  Parang gusto kong dagukan ang aking sarili sa pagkakaila sa aming relasyon at sa aking pinakamamahal na babae pero ayaw ko namang masira siya sa mga tao sa kumpanya.  Alam ko na hindi lahat ay makakaintindi sa aming relasyon.

          “Hmmm maniwala ako sa yo.  Magkaibigan lang kayo sa lagay na yan? Halos hindi na nga kayo naghihiwalay kapag break time eh.”

          “Wala naman sigurong masama doon di ba? Matagal na kaming magkaibigan ni Micah.”

          “Pero type mo siya?”

          “Bakit mo ba ako tinatanong?”

          “Hmmm sabihin na lang natin na I’m interested.”

          “Bakit nga?”

          “Type kita!” ang walang kaabog-abog na sagot ni Mila.  Kahit matagal ko nang nahalata na nagpapansin siya sa akin ay nabigla pa rin ako sa ka prangkahan ni Mila.  Hindi tuloy ako nakasagot.

          Lalo pa akong nabigla ng makitang lumapit sa akin si Mila. Nacorner tuloy ako sa gilid ng elevator.

          “Mila…”

          “Matagal na kitang gusto Jinn…hindi lang ako makalapit dahil palaging kasama mo si Micah.  Pero dahil sinabi mong wala kayong relasyon, wala naman sigurong masama kong maging tayo di ba?”

          Pakiramdam ko ay na susufocate ako…hindi dahil nasa loob kami ng maliit na elevator kundi dahil sa sobrang lapit ni Mila sa akin. 

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon