A Room for Two...:)

7.2K 75 3
                                    

JINN’S POV…

Matamlay akong lumabas ng conference room ng hapon na yon. Katatapos lang ng weekly regular meeting namin at minalas na sa tatlong security officers, ako pa ang nakaschedule na mag duty sa Friday at Saturday.  Hindi pala ako makasama sa outing ng company.  Ok lang sana kung hindi kasama si Micah…marami pa naman kaming napagplanuhan gawin.  Chance na sana naming makapagbonding ng matagal-tagal.

Dere-deretso ako sa kanyang office…kailangan na malaman nila agad na hindi ako makasama para hindi na siya magtampo pa.  As usual subsob siya sa trabaho, hindi man lang namalayan na nasa harap na niya ako.  Walang sabi-sabing umupo ako sa silya sa harap ng kanyang mesa.  Noon pa lang siya nagtaas ng tingin at ngumiti.

“Uy…ang aga mo ah.  Wala pang 5:00 o’clock,” sabi niya sabay tingin sa wall clock. Hindi ako sumagot.  Talagang matamlay ang pakiramdam ko.  Ikaw ba naman…marami ka nang naplanong gawin tapos hindi naman pala matutuloy.

“Jinn…are you ok?  Bakit parang matamlay ka? May sakit ka ba?” tanong niya sabay salat sa aking noo.

“Nope…wala akong sakit…upset lang.”

“At bakit ka naman upset? May problema ba sa trabaho?”

“Mic…hindi ako makakasama sa Friday.  Naka schedule akong mag render ng duty hanggang Saturday.”

“Hah?! Bakit naman nagkaganon?  Di ba wala kang weekend na duty? At isa pa tatlo kayong sali-salitan sa duty ah.”

“Yon nga…tatlo kami…pero lahat gustong sumama…sino ba namang hindi gustong makapagrelax di ba?  Kaso nga ako ang minalas na ma schedule na maiwan…so no choice.”

Narinig kong napabungtunghininga si Micah sabay sandal sa kanyang swivel chair. Malungkot na napatingin sa akin.

“Paano ka na lang niyan? Maiiwan ka dito habang kami’y nagkakasayahan doon. Wala na bang ibang paraan para makakasama ka?”

“Meron pa,” sagot kong nakangiti.

“Ano?”

“I transfer yong date ng outing.  Baka makakasama ako.”

“Ang seryoso ng usapan eh..puro ka kalokohan.”

“Ok lang naman kahit hindi ako makakasama, nandiyan naman sina Ma’am Bam at Mommy Else.  Siguradong mag-eenjoy kayo doon.”

“Kahit na, iba pag kasama ka.”

“At bakit iba? Pareho lang din yon.  Bakit mamimiss mo ba ako pag hindi ako nakasama?” tanong kung nagbibiro.  Pero natahimik si Micah sa tanong ko.  Napatungo at nilaro-laro ang kanyang lapis sa ibabaw ng mesa.

“Syempre naman…mamimiss kita.  Excited pa naman sana akong makita kang naka two-piece na bikini,”pabiro niyang sagot.  Napangiwi ako.  

“Ako??? Mag totwo-piece? Ok ka lang Mic? Baka mamaya mataas na ang lagnat mo diyan at naghahalucinate ka na.”

“Bakit naman hindi? Hindi naman yon imposible di ba?”

“Waaaah over my dead body! Not in my wildest dream na mag two-piece bikini ako.  Gusto mo bang lalayas ang lahat ng isda sa dagat?”

Napatawa si Micah…napatawa na rin ako.    But deep in my heart I know…I would be missing her kahit ilang araw lang.

FRIDAY MORNING…

After ng routine briefing ko sa aking mga tauhan dumeretso ako sa aking table at nagbusy-busihan.  Ano ba naman ang dapat kong gawin? Lahat ng tao sa kumpanya ay excited, ako lang ang hindi.  Ikaw ba naman maiwan dito sa opisina habang sila ay nag-eenjoy sa beach.  Buti sana kong maiiwan ang mahal ko, ok lang.  Ibinuhos ko na lang ang atensyon ko sa aking monthly report para hindi ako malungkot ng biglang pumasok si Mark, kasama ko ring security supervisor.

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon