Sweeter than Honey...Bitter than Bile

6.9K 56 18
                                    

JINN’S POV…

            Sabi ng matatanda, pwede mong pigilan ang pagdaloy ng tubig sa ilog, pero ang naghuhuramintadong pusong nagmamahal kahit ilang libong sibat di pwedeng pigilan.  At yan ang nararamdaman ko kay Micah.  Ang hirap pigilan ng nararamdaman ko sa kanya, lalo pa’t naging mas malapit kami sa isa’t-isa.  She’s so close yet…di ko naman maabot-abot.  Pinilit kong makuntento sa mga pasaring-saring lang at pa cute-cute na style. 

            Naging busy ako sa sports activities sa school pero hindi naging handling yon para mapanatili ko ang closeness naming dalawa.  Micah is my inspiration.  Napakalaki rin ng tulong niya sa akin.  May mga araw na hindi ko na kayang gumawa ng assignments at projects dahil sa pagod sa practice at games.  Pero nandiyan siya, kusang loob na tinutulungan ako.

“O ayan na ang assignment mo.  Ginawan na rin kita kagabi.  Alam ko naman kasing plakda ka naman sa pagod eh”.  “Naku! Thank you ha…you’re really an angel sent by my Lolo to me hehehe” “Sent by your Lolo? At bakit Lolo mo? Di ba dapat si Lord?” “Hindi, kasi si Lolo patay na eh..at sigurado ako right hand siya ngayon ni Lord kaya siya ang nagpadala sayo”. Dinadaan ko na lang sa pangungulit ang pasasalamat ko kay Micah but deep inside my heart…she is really my angel.

Masaya kami ni Micah but I didn’t really know that things will change to/day….Alais siyete na ako nagising.  Medyo masakit ang lalamunan ko.  Tonsillitis na naman….this is my weakness.  Madaling ma irritate ang aking lalamunan dahil sa malamig.  Maybe this is the result ng pagkamatakaw ko kahapon sa chocolate ice cream na dala ni Tita.  Favorite ko kasi ang very rocky road na ice cream kaya napasubo talaga ako ng kain.  Kaya ito ang resulta…  Dali-dali akong nagbihis at nag ayos ng aking mga gamit.  May exam ako sa trigonometry ng 9am at may laro ako sa badminton mamayang hapon.  Hindi na ako nag abala pang kumain ng breakfast.  Wala akong ganang kumain…masakit nga ang lalamunan ko eh.

LUmala ang pakiramdam ko…later that day may lagnat na ako.  Pero hindi ako nagpahalata kay Micah.  Nerbyosa kasi ang babaeng yon eh…at siguradong walang humpay na sermon na naman ang aabutin ko sa kanya. 

KAhit hindi maganda ang pakiramdam, naglaro pa rin ako.  But what would you expect? How can I play better when I’m having a fever.  Resulta???? Talo!  Lalo akong na depress.  I should have taken some medicine this morning para hindi lumala ang sakit ko.  Sana hindi pa ako natalo.

 “Are you ok?” “OO naman, im ok”. “Are you sure?” kulit niya.  “OO sabi eh.  Ok lang ako.  Stop worrying will you? I’m just a little bit tired, maybe exhausted”, matamlay kong tugon.  Sa totoo lang I feel I’m burning and my head, parang binabarinahan na sa sakit. Hindi pa rin ako nagpahalata sa kanya.  I just want to lay down on my bed.  Bigla akong hinawakan ni Micah sa kamay..  “Hey! You’re burning! May lagnat ka.  Ang init mo ah.” Pilit akong umiwas pero hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay.  Maybe if I’m not feeling sick, malamang 10 points na naman.  Pero wala nga ako sa kondisyon kaya hinayaan ko na lang siya.  “Jinn, naglaro ka ng may lagnat? Are you crazy? Or are you trying to kill yourself?”  Ito na ang sinasabi ko…bullseye, tumpak! Hindi naman linggo pero may misa na naman si Micah…Last mass na ba?  “Ang OA mo talaga.  Lagnat lang to, di pa ako mamamatay nito.  I just need some rest.” 

She hold my hand tightly at tinanong ako ulit,  “Are you sure?” She squeezed my hand and she looked me straight into the eyes.  Nakita ko ang kanyang pag-alala.  I can read it through her eyes.  Biglang lumundag ang aking aking puso, kahit maysakit , masaya pa rin ako dahil nakikita kung he really cares for me.  “Bakit, kung mamatay ba ako, will you cry?” “OO naman ano ka ba.  Ang kulit mo ah”.   “Sinong kasama mo sa bahay? May mag-aalaga ba sa yo doon?” tanong niya sa akin.  Dadalawa lang kami ni Tita Mids sa bahay.  Bunsong kapatid ni Mama si Tita Mids.  May asawa na rin siya si Tito Roger pero weekend pa ang uwi niya.  Sa barko kasi siya nagtatrabaho.

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon