Chapter 5

134 2 0
                                    

Mula sa kanyang bulsa ay dinukot niya ang kanyang cellphone at dinial ang numero ng taong sa tingin niya ay tumulong sa pagtakas ni Claudia. "You lied to me! I know kasama mo si Tita!" Pambungad na wika ni Amy nang sagutin ni Lorieanne ang tawag.

"B-bru what are you talking about?" Pagmamaang maangan ni Lorieanne. "Nagpunta ka rito sa ospital at itinakas mo si Tita!" Mariing wika ni Amy. Kinakabahan na si Lorieanne subalit nangako siya kay Tita Claudia na anuman ang mangyari, hindi siya aamin rito. "Hindi ba't nasabi ko naman sayo na nagkaproblema ako sa thesis ko kaya hindi ako nakarating dyan?" Lorieanne explained, thankful that she didn't stammer. "Wag ko lang malaman laman na ikaw ang kumuha kay Tita, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Pagbabanta ni Amy. "A-amy, ikaw ba talaga yan? Bakit ganyan ka kung makapagsali-" toot..tooot. Naputol na ang kabilang linya. She bit her tongue. Tinitigan niya ang kanyang cellphone.

Samantala'y matamang naka titig sa kanya si Tita Claudia nakaupo ito sa sofa. "Tita, what happened to Amy? Bakit parang ibang tao yung kausap ko kanina? H-hindi ako pinagbabantaan ni Amy maski anu pa ang nagawa kong mali sa kanya noon." Pagsasabi ni Lorieanne dito ng kanyang damdamin. Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili. "Dahil hindi siya si Amy iha." Ani Tita Claudia.

"W-what?!" Gulat na wika ni Lorieanne. "Lorie, kasalanan ko ito" naiiyak ng wika ni Tita Claudia. "Kung hindi ko ibinigay sa kanya ang libro... H-hindi sana mangyayari ito". Nahihirapang wika ni Tita Claudia. "Ano pong libro yun?" Curious na tanong ni Lorieanne. Umupo na ito sa tabi ni Tita Claudia. "Ang libro na isinulat ni Alfredo.

Nakaramdam ng kaba si Lorieanne. "T-tita yun po ba yong creepy book na may mata sa gitna?" Tanong nito sa ginang. Tumango ito at gulat sa nalaman. "Pano mo nalaman?" Anito. "Dala-dala po ni Amy iyon last week. Binigay daw po ninyo iyon sa kanya."

"Mapanganib ang librong iyon! Masyado iyong makapangyarihan.. Pinipili nito kung sino ang gagamitin nito!" Humagulgol si Tita Claudia. Nayakap niya ang ginang. "Ssshh tita tama na po, hindi ninyo kasalanan..."Pag alo niya.

"Kasalanan ko! Sapagkat hindi ko siya napigilan! Ginamit niya ang kahinaan ko upang maibigay kay Amy ang libro. At..at ngayon, huli na ang lahat..."Wika ni Tita Claudia.

"Tita huminahon po kayo.. Wag kayong mawalan ng pag-asa, lahat ng problema may solusyon!" Pagpapalakas niya ng loob dito. Hindi niya alam kung paano ito patatahanin. Tumayo siya at nagtungo sa kusina upang kumuha ng isang baso ng malamig na tubig. "Tita uminom po kayo. Tahan na po. Tutulungan ko po kayong mabawi si Amy" wika niya.

"Salamat Lorie. Kailangan ko talaga ang tulong mo." Ginagap ni Tita Claudia ang kanyang kamay. Tinignan niya ito sa mata at tumango. Hindi niya hahayaang gamitin sa kasamaan ang kanyang kaibigan. Hahanap siya ng paraan mailigtas lamang ito.

"Tita malalim na po ang gabi, magpahinga na po tayo..bukas, ikwento ninyo sa akin ang lahat". Ani Lorieanne

Tumango si Tita Claudia at tumayo na. "Magpahinga ka na rin iha. Salamat" gagap ang kamay na wika Tita Claudia. Tumango lamang siya. "You can use the other room on the left" sabi pa nito bago pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay. Siya naman ay naiwan sa ibaba. Ngayon niya naramdaman ang pagkahapo. Iniunat niya ang kanyang mga paa at inihilig ang ulo sa sofa, iniisip ang bilis ng mga pangyayari. Ngayon ay nasangkot siya sa isang hindi pambihirang gulo. Nakatitig siya sa bintanang salamin. Napakunot noo siya ng may isang mabilis na animo taong dumaan doon. Namamalikmata na naman ba siya?! Mula sa pagkakahilig ay tumayo siya at tinungo ang bintana. Maingat na sumilip siya sa bintana upang I check kung may taong umaaligid roon. Nang walang makita ay nakampante siya. Ibinaba niya ang kurtina. "Napaparanoid na ako". Napapailing na wika niya sa sarili. Pinatay niya ang ilaw bago nagtungo sa silid na inilaan sa kanya ni Tita Claudia.

THE DEVIL'S DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon