Parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib si Yuan ng masabi niya ang saloobin niya kay Cara. Bagaman na gi-guilty dahil sa paraan ng pakikipag break niya at sa nakita niyang hitsura kanina ni Cara, naisip niyang mas makabubuti na ang ganun para sa kanilang dalawa. Ayaw niyang magkasala pa rito sapagkat alam niya sa kanyang sarili na may iba ng nilalaman ang puso niya. Hindi niya alam kung kelan nagsimula subalit magiging unfair siya kung ipagpapatuloy niya ang pakikipag relasyon kay Cara maski iba na ang tinitibok ng puso niya. Sa sala ay nakasalubong niya si Seth.
"Pare, kanina pa kita hinahanap. Nagpaalam na si Amy, mukhang hindi naging maganda ang pagtatagpo nila ni Cara." Anito.
"Where's Cara?"Tanong pa ulit ni Seth.
"Iniwan ko sa itaas...Tapos na sa amin ang lahat". Ani Yuan sabay kuha ng alak na tangan ni Seth.
"Ha? Dahil ba sa nangyaring gulo kanina?" Usisa ni Seth.
"Well, nakadagdag yun. Pero sabi ko nga, masyado na akong nasasakal sa kanya." Ani Yuan. Mas mabuti ng maghiwalay kami kesa naman magkasakitan kami sa bandang huli." Wika pa nito. Maya-maya'y may malakas na tili silang narinig mula sa itaas.
"What was that?!" Ani Seth. "Damn! Si Cara, baka kung ano nang nagyari sa kanya!" Dali daling tinakbo ni Yuan ang hagdan patungo sa silid kung saan iniwan niya si Cara. mabilis na binuksan ni Yuan ang pinto at bumungad sa kanya ang nakahandusay na si Cara sa sahig. Duguan ito at may hawak na malaking gunting sa kamay. Sa tabi nito ay naroon ang umiiyak na si Michelle.
"Tulungan ninyo ako! Pakiusap!"Anang nanginginig na si Michelle. "C-Cara? Oh my God!" Nilapitan nito si Cara at hinawakan ang pulso. Mahina na ang pulso nito. Agad namang tumawag ng ambulansya si Seth. Natigil ang kasiyahan at ang lahat ay nakipag usyoso na sa nangyari. Nang dumating ang mga pulis ay pinauwi na ang ibang mga taong naroroon, tanging sina Yuan, Seth, Michelle at mangilan ngilang kakilala na lamang ang naroroon. Mabilis na isinakay sa ambulansya si Cara. Sumama rito si Yuan. Hindi ito makapaniwala sa nangyari.
"Oh God, please.. Cara don't die". Pagkausap niya sa walang malay na biktima. Naiwan si Seth sa bahay, agad itong hiningan ng statement ng mga pulis maging si Michelle na nakakita sa biktima. May mga reporter na rin na sumugod sa bahay nila Seth. Tikom ang bibig at litong lito, hindi pinaunlakan ni Seth isa man sa mga reporter na kunan siya ng pahayag.
Mula sa pinagkukubliang puno di kalayuan sa krimen, siyang siya sa nangyari ang kriminal. "Sayang lang at may dumating!" Aniya sa sarili. "But its ok, mabuhay ka man ngayon, sisiguruhin kong paglalamayan ka rin bukas". Nakangising wika niya sa sarili habang pinagmamasdan mula sa pinagkukublian niya ang mga pangyayari sa labas.
++
HINDI siya makahinga, she struggle so hard para maalis ang tila bakal na kamay ng taong nais magtangka sa kanyang buhay! Nahihirapan na siya hanggang sa unti unti'y iginugupo na siya ng pwersang iyon. "MAMATAY KANA!" Ang galit na wika nito na umaalingaw-ngaw sa buong silid. "MAMATAY ka CARA! Akin lang si Yuan!" Muling wika nito habang tumatawa.
"NOOOOO!" Napabalikwas ng bangon si Lorie. Gumitaw sa kanyang noo ang buo buong pawis. Nanginginig ang kanyang katawan sa takot. Siya namang biglang pagpasok ni tita Claudia sa kwartong inuukupa niya. "Iha, what happened?" Anito habang lumalapit sa takot na takot na dalaga. "T-tita, I saw Cara in my dream! "She's..".napasigok siya. "DEad". "Sino si Cara?" Anang tita Claudia. "Schoolmate ko po tita. I- I don't know pero masama po kutob ko. Para kasing totoo eh" ani Lorieanne habang nakakapit kay tita Claudia na humahagod sa kanyang likod. "Panaginip lang yun Lorieanne." Pag alo naman ni Tita Claudia sa kanya. Matulog ka na ulit, bukas ay luluwas ka pa ng Manila." Wika ni Tita Claudia na agad namang sinunod ni Lorieanne. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, bagamat hindi pa rin mawala ang kaba sa kanyang dibdib ay pinilit niyang muling makatulog.