Maganda ang sikat ng araw, humuhuni ang mga ibong nakadapo sa isang malaking puno di kalayuan sa kanilang kinatatayuan. Taliwas sa ganda ng panahon ang pakiramdam ni Amy. Mababakas sa mga mata nito ang labis na kalungkutan. Sa kanyang tabi ay ang humahagulgol na si Claudia Sotelo- ang kanyang tiyahin. Kumilos ito upang ilagay sa puntod ang puting rosas na tangan nito. Mabuway na ang paglakad ng ginang, inalalayan niya ito. Matapos ang pag usal ng maiksing panalangin, isinara na ang kabaong at ibinaba na sa hukay. Ilang sandali pa’y nagsipag alisan na ang mga nakipag libing. Si Amy at Mrs. Sotelo na lamang ang natira sa harap ng puntod. Nakaramdam si Amy ng animo may nagmamatyag mula sa kanang bahagi ng sementeryo. Nilingon niya ito at nakita ang isang lalaking nakasuot ng itim na damit at itim na salamin. Napakunot noo siya, parang nakita na niya ang taong iyon! Hindi lamang niya matukoy kung saan niya unang nakita ito. Maya-maya pa’y nag-aya na ang kanyang tiya na umuwi na sila. Bago umalis, sumulyap ulit siya sa lugar kung saan nakita niya ang lalaki subalit wala na ito roon.
- - - - - - - - - - - - - - - - -@ - - - - - -$ - - - - - - - - - - - - # - - - - - - - - - - -@ - - - -
Sa bahay ng mga Sotelo, nagpasyang manatili na rin si Amy upang maalagaan ang tiyahing na biyuda. Bagaman may mga kawaksi, hindi pa rin maiwasan ni Amy na mag-alala sa kalagayan ng tiyahin. Paborito siyang pamangkin nito. Spoiled siya rito palibhasa’y wala itong anak. Siya naman ay ulila na sa ina kung kaya’t ito ang itinuturing niyang ikalawang ina.
“Tita, magpahinga po muna kayo, ako na ang bahala rito” ani Amy sa tiyahin habang iginigiya ito patungo sa silid nito. Tumango lamang ang ginang na halatang hapong-hapo dahil na rin sa ilang araw na pagpupuyat. Nangayayat ito ng husto. Naaawa siya sa kanyang tiyahin. Magpasa hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin matukoy ng mga doctor kung ano ang naging sanhi ng kamatayan ng Tiyuhin niya. Nang makarating sa silid, ipinahiga niya ito, kinumutan, at kinintalan ng halik sa pingi. Paalis na siya ng pigilan siya nito sa kamay. “Salamat Amy”. Nakangiting wika ni Claudia. Nginitian din niya ang tiyahin bago umalis.
****
Kinabukasan, Maagang nagising si Amy. Naabutan niyang naghahanda ng almusal si Manang Berta.
“Iha gising kana pala! Halika at mag almusal kana.” Nakangiting wika ni Manang Berta.
“Si Tita Claudia po?” tanong niya nang makaupo na siya sa silya.
“Abay nasa kanyang kwarto pa. Malamang tulog pa. Hindi ko na ginising para makapagpahinga pa siya”. May bahid ng lungkot ang mga matang wika ni Manang Berta. Tumango na lamang siya at itinuloy na ang pagkain. Sa isip ay gumagawa ng mga idea kung pano niya mapapasaya ang kanyang tiya. Maya-maya pa'y nakita niya ang wall clock. Nanlaki ang mga mata niya. "Gosh! Male-late na ako" natatarantang wika ni Amy. Matapos uminom ng juice ay dali dali siyang umakyat ng kanyang silid upang maghanda na sa kanyang pagpasok sa school. Nasa 4th year na siya sa kursong Mass Communication. Isa rin siyang columnist sa School Newspaper nilang "The Oracle".
"Naku! Lagot ako kay Lorie nito!" pagkausap niya sa sarili habang nagmamadaling isuot ang kanyang stocking. Magulo sa kanyang silid. Sari-saring damit ang makikitang nakakalat at nakatambak sa kama ni Amy. Hindi naman sa burara siya, kakaiba lamang ang umagang iyon sapagkat siya ang inatasan ni Lorieanne- Ang kanyang bestfriend and editor in chief na interviewhin ang kanyang super crush at super handsome campus crush na si Yuan. Syempre chance na rin niya iyon para makapagpa cute sa binata. Kaya katakot takot na pag aayos ng sarili ang kanyang ginawa. Bagaman excited, kinakabahan rin siya dahil ito pinaka unang beses na magpapainterview si Yuan sa kanila.
Tumunog ang kanyang cellphone. Napamulagat siya ng makita ang caller. "Shocks! kung bakit naman kasi..." himutok ni Amy habang isinusuot ang kanyang sapatos. Inabot na niya ang kanyang cellphone at pinindot ang answer botton.
"WHERE THE HELL ARE YOU?!" Tungayaw ni Lorieanne pagkasagot na pagkasagot ni Amy ng tawag. Halata ang inis sa boses nito.
"Wait lang, malapit na ako sa school". Pagsisinungaling ni Amy. Kung sasabihin kasi niyang nasa bahay pa siya, malamang na manggagalaiti na ito sa inis. Kilalang kilala na niya ang kaibigan. Pinakaayaw nito ang nale-late sa usapan though sa totoo lamang, maaga pa sila ng isang oras sa interview time niya kay Yuan. Kaso may usapan kasi sila ng kaibigan na sasamahan muna niya si Lorie sa pag aayos ng thesis nito.Nakarinig siya ng buntong hininga mula sa kabilang linya.
"Amelia! Pakibilisan naman, kanina pa ako naghihintay rito." Ani Lorieanne sa naiiritang boses.
"Ok! Ok. Love you friend!" Ani Amy saka pinutol ang tawag. Lumabas siya ng silid at iniisip kung mag tataxi na lamang ba siya or sasakay sa jeep nang mahagip ng kanyang mata ang nakapinid pa ring pinto ng silid ng kanyang Tita.
Kinatok niya ito at tinawag subalit walang sumasagot kung kaya, binuksan niya ang pinto. Sinilip niya ang silid. Nakita niya ang kanyang Tita Claudia na yakap yakap ang damit ng kanyang Tito.
"Tita." Marahang sambit ni Amy. Nakita niya ang pagpupunas ng mga mata ng kanyang Tita.
"Oh Amy, andiyan ka pala.. P-papasok ka na ba?" Pilit ang ngiting wika ni Tita Claudia.
"Opo Tita". Ani Amy saka lumapit sa Tiyahin.
"Inaayos ko lang ang mga gamit ng Tito mo." Malungkot at halos maiyak na namang wika ni Tita Claudia. Alam niya kung gano kasakit sa Tiyahin ang pagkamatay ng asawa nito.
Pinagmasdan niya ang mga gamit na nasa kama ng tiyahin. Napakunot noo siya ng makita ang isang itim na librong medyo natatabingan ng puting tela. Parang may isang pwersa na humihigop sa kanya upang kunin ang librong iyon.
"Tita, ano pong libro yan?" Tanong ni Amy.
"Ito ang huling librong isinulat ng Tito mo, hindi nga lang nai-publish kasi...". napabuntong hininga si Tita Claudia saka malungkot na tinitigan ang libro. "Sa iyo na lamang, alam ko namang mahilig ka ring magbasa gaya ng Tito mo". Nakangiting wika nito.
"Pero Tita, mahalagang ala-ala iyan ni Tito sa iyo". Ani Amy
"Lagi siya sa ala-ala ko maski na ibigay ko sa iyo ang librong ito, saka baka makatulong ito sa iyo sa pag susulat mo." Wika ni Tita Claudia saka kinuha ang kanyang kamay at ipinatong roon ang libro. Tinangap na rin niya ang libro at saka nagpasalamat.
"Thank you po". wika ni Amy saka biglang naalala ang usapan nila ni Lorieanne. Dali dali siyang nagpaalam kay Tita Claudia at tangan ang librong tumakbo paalis ng bahay.
Samantala, Kanina pa nanggagalaiti sa inis si Lorieanne sa kakahintay kay Amy. Nasa may bandang likuran siya ng library kung saan paborito nilang mag hang out ni Amy. Kaunti lamang ang mga studyanteng naglalagi roon kung kaya doon sila madalas magtagpo since nagagawa nila ang gusto nilang gawin ng hindi napapansin at nakikita ng Librarian. Kanina pa ito hindi ito sumasagot sa text at maging sa tawag niya.
"Malamang! Hindi pa nakakaalis ng bahay ang bruhang yun kaninang tinawagan ko!" pagkausap niya sa sarili. Naiinis pa ring nilimas niya ang kanyang mga gamit at tatayo na sana sa upuan nang biglang makaramdam siya ng dalawang pares ng mga matang matamang nagmamatyag sa kanya. Nilingon niya ang shelf sa gawing likod niya. Si Amy ang nakita niya. Kakawayan na sana niya ito ng biglang maglaho ito sa kanyang paningin!
"OMG". bulalas ni Lorieanne at dali daling sinamsam ang kanyang mga gamit at malalaki ang mga hakbang na nilisan ang Library.
------ itutuloy---