++FLASHBACK (out of Lorieanne's mind) ++
"Ay naku muntik pang nasunog ang buong bahay". Ani Tita Claudia habang tinutulungan si Lorieanne sa paglilinis ng kusina.
"Oo nga po, sorry Tita nakalimutan ko may niluluto pala ako". Hinging paumanhin ni Lorieanne sa ginang.
"Ok lang yun, di mo naman sinadya. Ayan nga at napaso ka pa pala! Halika't gamutin natin" Anang ginang pagkakita sa namumulang kamay ng dalaga.
"Tita ako na lang po may gamot po ako sa kotse. Kunin ko na lang po saglit". Paalam ni Lorieanne sa ginang. Dali- dali siyang lumabas ng bahay at tinungo ang kotse. Hinalungkat niya ang bag na nasa gawing likurang upuan.
"Asan na kasi iyon?" pagkausap niya sa sarili habang inaangat ang bag. Nahagip ng kanyang mga mata ang box na naiwan kamakailan lang sa kanyang kotse. Nahinto siya sa pag hahanap at may kuryosidad na kinuha ang box. Tinungo niya ang pasengers seat at naghalungkat din doon, nang makita ang ointment ay dali dali ng nagtungo sa bahay tangan ang box.
"O ano yang dala mo?" wika ni Tita Claudia. "Ahm may nag iwan po nito sa harap ng kotse ko nung gabing papunta akong hospital". Ani Lorieanne.
"Ano namang laman niyan? Naku siguro galing sa admirer mo no?" nanunudyong wika ni Tita Claudia. Umupo ito sa tabi ni Lorieanne at ginamot ang napasong kamay ng dalaga. Pailing iling si lorieanne habang tatawa tawang binuksan ang box.
"Tita hindi po. More on clippings po ang laman nito." Ani Lorieanne at binuksan na ang box. Inilabas isa- isa ang mga nagupit na clippings at ang isang malabong picture.
"Hmn.. I wonder if para talaga sa akin ang mga ito. Hindi naman-" naputol ang pagsasalita niya ng mapansin ang isang litratong kupas na. Kanyang inaninag mabuti ang larawan
"Is this Tito Alfredo?" Ani Lorieanne sabay pakita kay Tita Claudia ng litrato.
"Oo nga siya nga iyan." kumpirma ni Tita Claudia. Then they read the article. In the article, A businessman named Clemente Aragon died after he made a deal of publishing the book written by Alfredo Sotelo, a fictional writer who was interviewed and who signed a contract prior to the release of the book way back 1976. Just after the deal, when Alfredo Sotelo gave the manuscript, Mr. Clemente Aragon collapsed and died on the spot.
"So, thus this mean na may kinalaman ang libro sa kamatayan nung si Mr. Clemente?" Tanong ni Lorieanne kay Tita Claudia. Pinagpatuloy ni Tita Claudia ang pagbabasa.
"Ang sabi rito. Sabi rin ng mga medical teams due to heart attack daw kaya nangyari yun."Ani Tita Claudia pero ang nakapagtataka, ay itong huling sentence rito-- The day after that incident, Mr. Clemente's 18 year old daughter named Marie who was possessed by evil killed twenty people in his father's wake including her mom. But just after she killed them she put it on her Diary. She wrote, "FOR MY FATHER'S WISH OF IMMORTALITY, EVERYONE MUST DIE.." Then she killed herself, in beside her, police found a manuscript full of her blood- the same manuscript which was written by Alfredo Sotelo..." pagtutuloy ni Lorieanne sa pagbasa.
"Nakakatakot naman ito Tita." Ani Lorieanne. "Kung ganoon confirm na talagang may evil spirit sa manuscript na ginawa ni Tito." patuloy ni Lorieanne.
"Tama ka iha. Ang Tito Alfred mo ay kinasangkapan ng demonyo upang maisulat iyon.. Noong una, hindi ako naniniwala sapagkat kilala mo naman ang Tito mo- mabait, malambing, mapagmahal...p-pero... pero.."napabuntong hininga si Tita Claudia. Tutok ang atensiyon ni Lorieanne sa pagki-kwento ni Tita Claudia. Inalis ni Tita Claudia ang bara sa kanyang lalamunan.