SA CANTEEN, nakatitig si Amy sa cellphone niyang kanina pa niya hinihintay na mag ring.
"Asan na kaya ang babaeng yun?"Naiinip ng wika niya. Sinipat niya ang kanyang relong pambisig. Mag a-alas dose na. Kanina pa siya sinabihan ni Lorieanne na papunta na ito ng hospital, anupat magpasa hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ito? Ni isang text message ay wala rin siyang natanggap galing dito. "Hindi kaya may kung anong masamang nangyari na rito?" Sumigit ang pag aalala sa kanyang mukha. Agad niyang idi-nial ang numero nito sa cellphone. Ring lang naman ng ring iyon at walang sumasagot. Makailang ulit pa niyang sinubukang tawagan ito bago may tumugon mula sa kabilang linya.
"Hello bru!" Bungad ni Amy. "Nasaan ka na? Akala ko ba malapit ka na rito?" Wika pa nito.
"Ah Bru sorry, hindi na ako makakarating. Something came up". Bukas na lang ako dadalaw diyan, may aasikasuhin lang muna ako, saka masyado na ring late." Paliwanag ni Lorie. Napakagat labi siya sa kanyang pagsisinungaling.
" Are you alright? You sounds so-
"I'm ok." Lorie snap. "Don't worry bout me bru, I can handle this. Bout sa thesis lang naman ito.. You know.. Si T-tita na lang ang intindihin mo". Wika pa nito.
"Ok Bru, ingats!" paalam ni Amy.Naglakad na siya patungo sa room ng kanyang Tita. Malamang ay tulog na ang kanyang tita. Nais man niyang alagaan ito, ilag naman ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit kapag nakikita siya ng kanyang tiyahin ay nagwawala ito. Pagbukas niya ng room, bumungad sa kanya ang kadiliman. Napakunot-noo siya. "Bakit nakapatay ang ilaw?" kinapa niya ang switch sa tabi ng pintuan. Nang magliwanag sa buong silid, hinanap ng kanyang mga mata ang kanyang Tiyahin. Wala ito sa kama. "Tita?" Tawag niya rito. Tinungo niya ang banyo, nagbabakasakaling nanubig lamang ito. Subalit walang sumasagot. Binuksan niya ang pinto. Walang tao. Nagmadali siyang tinungo ang information desk ng matuklasang ang kanyang Tita Claudia ay nawawala.
****
HABANG Daan, "Malamang natuklasan na nila ang pagtakas ko". Basag ni Tita Claudia sa katahimikan. Nakalayo na sila sa Ospital at ngayon ay patungo na sa isang resthouse sa Laiya Batangas. Ang resthouse ni Tita Claudia na nabili niya nito lamang. Wala pang nakakaalam ng resthouse na iyon maliban dito.
"Tita, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magsinungaling kay Amy. Bestfriend ko siya at alam kong magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang ako ang tumulong sa inyong makatakas sa ospital."Napabuntung hininga siya. Hindi niya lubos maisip na nasangkot siya sa gulong iyon.
"Iha, hindi pwedeng malaman ni Amy na magkasama tayo." Wika ni Tita Claudia, nakatuon ang pansin nito sa daan. Sumulyap si Lorieanne rito. "Bakit naman po? Mas matutulungan kayo ni Amy sa mga problema ninyo ngayon sapagkat kadugo ninyo siya." Ani Lorieanne, nilingon niya si Tita Claudia. "I just want to protect her". Anito matapos ay mahabang katahimikan muli ang naghari. Bumuntong hininga siya, hindi man siya nakakuha ng matinong sagot rito'y alam niyang magsasabi rin ito sa kanya. Hindi lang siguro magandang pag usapan iyon ngayon.
+++
SAMANTALA, nagkakagulo na sa ospital na nilisan ni Tita Claudia. Hindi nakuntento si Amy sa pagtawag sa mga nakaduty na nurse sa ospital, tinungo niya rin ang kinaroroonan ng surveillance camera upang malaman kung panu nangyaring nakaalis ito ng wala man lang ni isang nakapansin rito. Maging ang security guard doo'y wala ring alam sa nangyari.
"Wala kayong mga kwenta! Isang pasyente lang nasalisihan pa kayo? Panu kung may mangyaring masama sa tita ko?" Humihingal sa galit na wika ni Amy.
"S-sorry po ma'am". Anang nurse na si Elizabeth. "Sorry? May magagawa ba yang sorry mo?" Nangagalaiting wika pa niya. Yong kapalitan mo di mo ba natanong?" Baling ni Amy sa nurse na naka duty roon. "N-nakausap ko na po yung nurse na pinalitan ko po kanina, ang sabi niya ay may babaeng nagtanong kung saan ang room ni Mrs. Sotelo-" "babae? Sino yun?" Putol ni Amy sa sinasabi ni Elizabeth. "H-hindi raw po namukhaan ni Grace yong babae kanina maam, pero matapos magtanong umalis na rin po siya sapagkat di siya pinayagang makita ang pasyente" paliwanag ni Elizabeth.
Matamang nag isip ang dalaga. "S-sorry po ma'am, wag po kayong mag- alala, hahanapin po namin siya." Wika naman ng security guard na naroon. Tinignan lamang niya ito ng masama at dali daling tinungo ang banyo. Sa kanyang inis ay ibinalibag niya ang pinto niyon at hinawi ang pasong naroon sa tabi ng sink. Nabasag iyon at tumilapon ang mga piraso niyon sa sahig. "Mga walang kwenta!" Humihingal sa galit na wika niya. "Kung sa akala mo matatakasan mo ako Claudia, nagkakamali ka!" Tumingin siya sa salamin. Mula roon ay makikita ang pagbabago sa anyo ni Amy. Mula sa maamo ay naging mabalasik ang mukha nito. Tila ibang tao na ito na sumapi lamang sa katawan ng walang kamalay-malay na si Amy...
Mula sa kanyang bulsa ay dinukot niya ang kanyang cellphone at dinial ang numero ng taong sa tingin niya ay tumulong sa pagtakas ni Claudia. "You lied to me! I know kasama mo si Tita!" Pambungad na wika ni Amy nang sagutin ni Lorieanne ang tawag.
"B-bru what are you talking about?" Pagmamaang maangan ni Lorieane. "Nagpunta ka rito sa ospital at itinakas mo si Tita!" Mariing wika ni Amy. Kinakabahan na si Lorieanne subalit nangako siya kay Tita Claudia na anuman ang mangyari, hindi siya aamin rito. "Hindi ba't nasabi ko naman sayo na nagkaproblema ako sa thesis ko kaya hindi ako nakarating dyan?" Paliwanag ni Lorieanne. "Wag ko lang malaman laman na ikaw ang kumuha kay Tita, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Pagbabanta ni Amy. "A-amy, ikaw ba talaga yan? Bakit ganyan ka kung makapagsali-" toot..tooot. Naputol na ang kabilang linya.
Sa sala ay matamang naka titig sa kanya si Tita Claudia nakaupo ito sa sofa. "Tita, what happened to Amy? Bakit parang ibang tao yung kausap ko kanina? H-hindi ako pinagbabantaan ni Amy maski anu pa ang nagawa kong mali sa kanya noon." Pagsasabi ni Lorieanne dito ng kanyang damdamin. Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili. "Dahil hindi siya si Amy iha." Ani Tita Claudia.
"W-what?" Gulat na wika ni Lorieanne. "Lorie, kasalanan ko ito" naiiyak ng wika ni Tita Claudia. "Kung hindi ko ibinigay sa kanya ang libro... H-hindi sana mangyayari ito". Nahihirapang wika ni Tita Claudia. "Ano pong libro yun?" Curious na tanong ni Lorieanne. Umupo na ito sa tabi ni Tita Claudia. "Ang libro na isinulat ni Alfredo.
Nakaramdam ng kaba si Lorieanne. "T-tita yun po ba yong creepy book na may mata sa gitna?" Tanong nito sa ginang. Tumango ito at gulat sa nalaman. "Pano mo nalaman?" Anito. "Dala dala po ni Amy iyon last week. Binigay daw po ninyo iyon sa kanya."
"Mapanganib ang librong iyon! Masyado iyong makapangyarihan.. Pinipili nito kung sino ang gagamitin nito!" Humagulgol si Tita Claudia. Nayakap niya ang ginang. "Ssshh tita tama na po, hindi ninyo kasalanan..."Pag alo niya.
"Kasalanan ko! Sapagkat hindi ko siya napigilan! Ginamit niya ang kahinaan ko upang maibigay kay Amy ang libro. At..at ngayon, huli na ang lahat..."Wika ni Tita Claudia.
"Tita huminahon po kayo.. Wag kayong mawalan ng pag-asa, lahat ng problema may solusyon!" Pagpapalakas niya ng loob dito. Hindi niya alam kung paano ito patatahanin. Tumayo siya at nagtungo sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig. "Tita uminom po kayo. Tahan na po. Tutulungan ko po kayong mabawi si Amy" wika niya.
"Salamat Lorie. Kailangan ko talaga ang tulong mo." Ginagap ni Tita Claudia ang kanyang kamay. Tinignan niya ito sa mata at tumango. Hindi niya hahayaang gamitin sa kasamaan ang kanyang kaibigan. Hahanap siya ng paraan mailigtas lamang ito.
"Tita malalim na po ang gabi, magpahinga na po tayo..bukas, ikwento ninyo sa akin ang lahat". Ani Lorieanne
Tumango si Tita Claudia at tumayo na. "Magpahinga ka na rin iha. Salamat" gagap ang kamay na wika Tita Claudia. Tumango lamang siya. "You can use the other room to the left" sabi pa nito bago pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay. Siya naman ay naiwan sa ibaba. Ngayon niya naramdaman ang pagkahapo. Iniunat niya ang kanyang mga paa at inihilig ang ulo sa sofa, iniisip ang bilis ng mga pangyayari. Ngayon ay nasangkot siya sa isang hindi pambihirang gulo. Nakatitig siya sa bintanang salamin. Napakunot noo siya ng may isang mabilis na animo taong dumaan doon. Namamalikmata na naman ba siya?! Mula sa pagkakahilig ay tumayo siya at tinungo ang bintana. Maingat na sumilip siya sa bintana upang I check kung may taong umaaligid roon. Nang walang makita ay nakampante siya. Ibinaba niya ang kurtina. "Napaparanoid na ako". Napapailing na wika niya sa sarili. Pinatay niya ang ilaw bago nagtungo sa silid na inilaan sa kanya ni Tita Claudia.