Chapter 3

170 2 0
                                    

TULALA-hindi makausap at hapis na ang mukha ni Claudia Sotelo. Bumungad sa pinto Si Amy. Hawak ng kanyang kanang kamay ang isang ponpon ng rosas na kulay dilaw at sa kaliwa naman ay ang basket ng prutas na kanyang binili sa palengke matapos ang kanyang klase. Mag iisang linggo na doon ang kanyang tiyahin matapos isugod ito roon dahil sa tangka nitong pagpapatiwakal. Nilapitan niya ang tiyahin at humalik sa pisngi nito. Mababanaag ang awa sa mukha ni Amy para sa tiyahing tila tinakasan na ng katinuan.

"T-tita, dinalhan po kita ng mga prutas". Ani AMy sabay patong ng mga iyon sa lamesa. Walang kibo pa rin at nakatingin sa kawalan si Claudia. Inayos ni Amy ang mga bulaklak sa plorera at nagkwento sa tiyahin tungkol sa mga nangyari sa kanya sa school. Maya-maya'y naupo siya sa silyang malapit sa kama, napabugtong hininga siya. "Bakit nangyari sa amin ito?" sa isip na wika ni Amy. Mangiyak ngiyak siya habang pinagmamasdan ang kanyang tiyahin, haplos haplos ang kamay nito. Maya-maya'y gumawi sa kanya ang tingin ng ginang. "S-sino ka?" anito. Gulat na napatayo si Amy mula sa pagkakaupo, "Tita, si Amy po ako." Bantulot na sagot niya, di yata't hindi siya natatandaan ng kanyang tiyahin?

"H-halimaw ka!" Sigaw nito. "Ibalik mo sa akin ang asawa ko!' Ibalik mo sya!" Ani Claudia habang nagpipilit kumawala sa pagkakahawak ng gulat na gulat na si Amy.

"Tita, calm down. Ako po ito- si Amy". Pagpapakilala ni Amy sa tiyahin. Pilit hinahawakan ang tiyahin. Bakas sa mukha ang pagkataranta sa nagaganap.

"Hindi! Hindi kita kilala! Halimaw ka! Kinuha mo sa akin ang asawa ko! Bitiwan mo ako!" Patuloy na pagwawala ni Tita Claudia. Malakas na itinulak nito si Amy at akmang tatayo. Nabanaag ni Amy ang takot na nasa mga mata nito habang pilit itong lumalayo sa kanya. "Nurse!"Sigaw ni Amy at pinindot ang emergency botton sa tabi ng kama ng pasyente."Tita, huminahon po kayo." mangiyak ngiyak na si Amy lumayo siya ng bahagya sa nagwawalang pasyente sapagkat bawat akmang paglapit niya ay nagsusumiksik ito sa gilid ng kama at hinahagis ang anumang mahawakan ng kamay. Bumukas ang pinto at dali daling nagsipagdatingan ang mga nurse at doktor. Mabilis ang mga kilos na hinawakan ng mga ito ang kanyang nagwawalang tiyahin habang siya ay naroon sa gilid.

"Bitiwan ninyo ako! Kailangan ko ng umalis. P-papatayin ako ng halimaw na yan!" Ani Claudia.

"Ssshhh walang halimaw" mahinang wika ng doctor habang tinutusukan ng pampakalma ang pasyente. "Magpahinga ka na Claudia." sabi pa ng Doctor.

"Pakiusap, wag ninyo akong ibibigay sa kanya". Naulinigan pa niyang turan nito bago tuluyang makatulog.

Nang makatulog na ito, lumapit si Amy sa Doctor at tinanong ito kung ano ba ang nangyari.

"the patient has a major depressive disorder. Sanhi kung bakit hindi ka niya makilala and she's she's hallucinating. Maaaring dahil iyon sa pagkawala ng kanyang asawa. Hindi nito matanggap na wala na ito.

"G-gagaling pa naman sya di po ba?" Tanong niya

"Well, sa ngayon, kailangan natin siyang ipasok sa psychiatric ward. Kailangan siyang obserbahan iha. Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang gumaling siya, wag kang mag alala iha." Anang doctor. Marahang tapik sa balikat ang iginawad nito sa kanya bago umalis. Matapos ang ilang sandaling pagkakatayo sa pasilyo ng ospital, nagtungo siya sa cafeteria. Nag-order siya ng kape at matamang nag isip. Tumunog ang kanyang cellphone na agad naman niyang sinagot ng makitang si Lorie ang naka register sa screen. "H-hello sis, I'm still here in the hospital." Matamlay na pagkausap niya sa kabilang linya.

"Are you ok?"Ani Lorie. "I-im practically not ok." Sagot ni Amy. "Pwede moh ba akong samahan ngayon?" Aniya na tinugunan naman ni Lorie. "Wait for me, I'll be there in 15 minutes sis." Ani lorie bago magpaalam.

****

SA UNIVERSITY

Kalat na ang dilim at mangilan-ngilan na lamang ang mga estudyanteng nasa campus. Tinungo ni Lorie ang parking area kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Habang naglalakad,

Nakaramdam siya na animo may mga pares ng matang nakamatyag sa kanya kung kaya't nagpalingon lingon siya. Nang makitang wala namang tao roon ay ipinagpatuloy na ang paghahalungkat sa bag ng kanyang susi. Maya maya'y nakarinig siya ng parang nasipang lata. "H-hello! May tao ba dyan?" Ani Lorie habang dahan dahang lumalapit sa lugar kung saan niya narinig ang ingay. Walang sumasagot. Nagkibit balikat na bumalik siya sa kanyang kotse ngunit laking gulat niya nang makita ang isang pulang kahon na nakapatong sa hood ng kanyang kotse. Nag aalinlangan siya kung bubuksan ba iyon o itatapon na lamang. Subalit dala ng kuryosidad, kinuha niya ang kahon at unti unting iniangat ang takip nito. Napakunot noo siya ng makitang mga clippings ang laman niyon. May nakalagay ring note para sa kanya. Kagyat na binasa niya iyon, "matutulungan ka ng mga ito". Iyon ang nakasulat sa kapirasong papel. Nagpalingon lingon siya upang malaman kung naroon pa ang nagbigay ng kahon. Nang walang makita ay kinuha niya iyon at ipinasok sa kotse. Hindi niya alam kung para saan yun, subalit nakakaramdam siya ng peligro. "Something bad is gonna happen, I'll deal with it!" aniya huminga siya ng malalim bago pinaandar ang kotse paalis sa lugar na iyon.

***

Samantala, isang lalaking nakakubli di kalayuan ang nagmamatyag kay Lorie. Nang makitang nakaalis na ang kotse nito'y tuluyan na itong umalis sa pinagkukublian at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. "Ikaw na lang ang pag-asa ko, sana makaya mo." Anito bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

Nakarating si Lorie sa hospital at tinungo ang kinaroroonang silid ni Tiya Claudia base na rin sa sinabi ni Amy sa kanya kanina nang magkausap sila sa telepono. Hindi siya pinayagan ng nurse na nakatalaga roon na pumasok sapagkat lagpas na sa visiting hour nung makarating siya. Patalilis lamang siyang pumasok sa room ni Tita Claudia sa pag-aakalang naroroon si Amy. Subalit, wala roon ang kaibigan. Nakita niya ang nahihimbing na si Tita Claudia. Kanya itong nilapitan at pinagmasdan ang hapis na mukha nito. Maya-maya pa'y nagpasya siyang iwan na ito upang hanapin ang kaibigan. Patalikod na siya nang hawakan ng ginang ang kanyang kamay. Napahinto siya sa akmang pag alis at nilingon ang ginang. "Tita? Kamusta na po kayo?" Ani Lorie. "Lorie, iha... Tulungan moh ako..P-papatayin nila ako dito. Ialis moh ako rito" Ani Tiya Claudia.

"Tita calm down.. Wala pong gagawa ng masama sa inyo rito. Magpahinga na po kayo" malumanay na wika ni Lorie. "Hindi.. Anumang oras, darating sila upang patayin ako." Anito

"B-bakit naman po nila gagawin un? Sino sino po sila?"

"Wala na akong oras Lorieanne" ani Tita Claudia habang nagpipilit na bumangon sa kama. Inalis nito ang swerong nakakabit sa kanyang kamay at maliksing kumilos paalis sa kama. Pilit na pinipigilan ito ni Lorieanne subalit determinado itong makaalis sa lugar na iyon. "Pakiusap Iha... Tulungan mo ako. Hindi ako nababaliw gaya ng gusto nilang palabasin. Sa kalaunan, kapag nakuha na nila ang pakay nila sa akin, papatayin nila ako gaya ng pagpaslang nila sa asawa ko". Matamang nakatitig si Tita Claudia kay Lorieanne habang nagpapaliwanag. Naramdaman ni Lorieanne ang sinsiredad at katotohanan sa mga sinabi ng ginang kung kaya nagpasya siyang tulungan ito.

Inabala ni Lorieanne ang nag-iisang nurse na nakita niyang nakabantay sa information desk habang patalilis na naglakad palayo sa lugar na iyon si Tita Claudia. Kaunti lamang ang mga taong naroroon sapagkat tapos na ang oras ng pagbisita at karamihan ay namamahinga na. Nang makalabas ng ospital, dagling nagkubli si Tita Claudia sa gilid ng isang pulang kotse. Kasunod niyon ay lumabas si Lorieanne at hinanap ng paningin ang ginang. "Tita, asan na po kayo?" Mahinang pagtawag niya, nangangambang baka may makahuli sa kanila. Walang sumasagot. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kanyang sasakyan upang malaman kung naroon at naghihintay si Tita Claudia subalit wala ito roon.

"Tita Claudia!" Tawag ulit niya. Biglang may tumakip sa kanyang bibig mula sa kanyang likuran, sa kanyang pagkagulat! Pumalag siya at sinubukan ang sumigaw subalit nahinto siya nang makilala kung sino ang may ari ng mga kamay. "Ssshhh...wag kang maingay baka marinig nila tayo". Pinakawalan siya nito. Humarap siya rito "tita wag naman kayong nanggugulat!". Ani Lorieanne. "Tara na bago pa nila matuklasang tumakas ako. Nagmamadaling nagtungo ito sa passengers side ng kanyang kotse. "Don't worry iha, I'll explain everything to you later.. Let's just get out of here first."Wika ni Tita Claudia. "Ok Tita." Pinaandar na ni Lorieanne ang sasakyan.

THE DEVIL'S DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon