Chapter 6

147 3 0
                                    

AT SETH's house. Nagkakasayahan na ang lahat. Naroong naglulunoy ang ibang bisita sa pool, may mga nagsasayawan sa poolside at nag iinuman. Karamihan sa mga naroroon ay mga kaklase at kaibigan nila Yuan. Ang iba naman ay mga taga-hanga ng varasity team. Sa loob ng bahay, sa mini bar nakapwesto si Yuan. Tahimik itong umiinom roon ng alak ng lapitan ito ni Seth. Marahang tinapik ni Seth sa balikat si Yuan bago umupo sa katabing stool. "Is there something wrong pare? Bat nag iisa ka rito at nagmumukmok? Nag away ba kayo ni Cara?"Sunod-sunod na tanong ni Seth sa binata. Inisang lagok muna ni Yuan ang alak mula sa kanyang baso bago sinagot ang kaibigan. "Nak nang..Talo mo pa reporter kung makatanong ah!" Natatawang wika nito. "I just want to be alone for a while. Nasasakal ako kay Cara, kanina pa nya ako pinakikilala sa mga kaibigan niyang puro sosyalera!" Marahas na napabuntong hininga siya. "Oh, ayaw mo nun pre? Proud sayo ang gf mo!" Ani Seth. "Pre hindi ako isang trophy para ibandera niya sa lahat ng kakilala niya,let's change the topic, naba-badtrip lang ako". Naiinis na wika ni Yuan. Nagsalin ng alak si Yuan, "so, what's the score between you and Amy?"Si Yuan trying to act so calm. Muntik ng maibuga ni Seth ang iniinom niyang alak pagkarinig sa tanong na iyon ni Yuan. Masamid samid pa itong nagsalita. "Walang something sa amin ni Amy. What makes you think na nagkakamabutihan kami?"Natatawang wika ni Seth. " I mean, Amy is pretty and smart and sexy...but.. You know.. She's not my type. Really!" Mahabang paliwanag ni Seth. "Iba ang gusto ko, kaya lang ang tagal ko na syang hindi nakikita." Dugtong pa Seth habang pinapaikot ang silya. Nakatalikod na ito sa bar counter at pinagmamasdan ang kasiyahang nangyayari sa labas. Parang nabunutan naman ng tinik si Yuan sa nalaman. "Hay it really seems like I'm falling for her" aniya sa sarili. "Speaking of Amy. Here she is". Nakangiting wika ni Seth na siyang nagpalingon kay Yuan. Muli'y naramdaman ni Yuan ang kaba sa tuwing nakikita niya ang dalaga. Pinuno niya ng hangin ang dibdib upang maibsan ang kabang lumulukob sa kanya. Napakaganda ni Amy sa suot na black halter dress, humahakab iyon sa katawan nito. Hindi maiwasan ni Yuan ang humanga rito. "Ah napakagandang dalaga, bakit nga ba di ko siya napansin noon?"Aniya sa kanyang sarili. Nagpalingon lingon ito sa paligid na wari'y may hinahanap. Then she smiled when she saw them. Naglakad na ito papalapit sa kanila.

"Hi, kanina ko pa kayo hinahanap, andito lang pala kayo." Nakangiting wika ni Amy. "Glad you made it!"Ani Seth sabay tayo. Inilahat nito ang kamay kay Amy at iminuestra ang upuang binakante nito. Tahimik lamang si Yuan na nakatunghay sa dalaga. Animo nabatubalani ito. "Pare, ikaw muna bahala dito kay Amy, I'll just checked kung dumating na yong pinaorder kung pizza and drinks kina Manang Ising."Pamamaalam ni Seth."Ok pre".maikling sagot ni Yuan. "Would you like some drinks?" Tanong ni Yuan kay Amy. "Yeah, sure!". Ani Amy. Kumuha si Yuan ng baso then sinalinan niya ito ng alak. "Thanks." She took a sip. " Hindi mo yata kasama ang girlfriend mo. Anang nakangiting si Amy. "Oh, she's just busy showing around". Ani Yuan sabay lagok ng kanyang inumin.

"Hmn it seems like you two were having a fight." Panunubok ni Amy. "Ah hindi naman. I'm not just in the mood para sakyan ang mga trippings niya". Sagot ni Yuan. Katahimikan ang naghari. Magsasalita pa sana si Yuan ng putulin ito ng papalapit na si Cara. "Babe! Kanina pa kita hinahanap, andito ka lang pala!" Nakasimangot na saad ni Cara, tinapunan nito ng masamang tingin si Amy. "Will you please stop flirting with my boyfriend!" Galit na wika ni Cara kay Amy. Nagkibit lamang ng balikat ang nakangiting si Amy then took a sip on her drink. Sa ginawa nitong iyon, nagpupuyos sa galit na kinuha ni Cara ang baso ni Yuan na may laman pang alak at isinaboy sa nabiglang si Amy.

"Whoa, Cara! Will you stop being so childish!" Asik ni Yuan kay Cara. "At kinakampihan mo ang malanding yan!" Nagpupuyos sa galit na wika nito. Tumayo si Amy at ipinagpag ang damit na nabasa ng alak. "How dare you, wala akong ginagawang masama." Mangiyak ngiyak na wika ni Amy. "Sorry Amy."Ani Yuan habang tumutulong sa pag aalis ng likidong sinaboy ni Cara kay Amy. "Wag kang magkunwaring santa! Maldita ka!"Hahablutin sana ni Cara ang buhok ni Amy subalit mabilis na naharang ito ni Yuan. Nakakakuha na sila ng attention kung kaya't sinikap ni Yuan na ilayo ang nagwawalang girlfriend sa harap ni Amy. Yakap yakap ang nag wawalang dalaga, muling humingi ng paumanhin si Yuan kay Amy. Tumango lamang ito at tumuloy na sa banyo.

Nataon naman na walang tao sa banyo ng pumasok si Amy. Pinagmasdan niya sa salamin ang kanyang hitsura. Maya-maya'y napangiti ito, ngiting nauwi sa halakhak. "Good job! Hindi matatapos ang linggong ito na hindi ka mapapasa akin! At ang Cara na yun, humanda sya sa akin!" Pagkausap ni Amy sa sarili. Naghilamos siya at inayos ang sarili. Nang makontento sa ayos ay lumabas na sa banyo at naki umpok na sa mga taong tuloy pa ring nagkakasayahan sa labas.

Meanwhile, pakaladkad na hinila ni Yuan papasok sa kwarto si Cara. Hindi na pinagkaabalahan pa ng dalawang sindihan ang ilaw niyon. Tanging liwanang mula sa buwan at mga poste sa labas kung saan naroon ang party ang nagsisilbing ilaw sa kwartong iyon. "What was that all about?" Nagpipigil ng galit na wika ni Yuan kay Cara. "I hate that bitch! Hindi mo ba nakikita? Gumagawa siya ng paraan para mag away tayo!" Ani Cara. "Stop it! Wag mong isisi kay Amy ang nangyayari sa atin. Yang wala sa lugar na pag seselos mo ang dahilan kung bakit nag aaway tayo." Ani Yuan. "Hindi ako magkakaganito kung hindi ko nakikitang nilalandi ka nya! She's a fake! Kinukuha lang niya ang simpatya mo." Galit na wika ni Cara. "Malala ka na! I'm so sick and tired of this relationship! Mas mabuti pa mag break na tayo."Ani Yuan na ikinabigla naman ni Cara. "Just because of that girl? Break agad agad?!" Halos magwala si Cara dahil sa sinabi ni Yuan. "Come on Babe, I'm sorry... I don't want this." Mangiyak ngiyak ng wika nito. Subalit buo na ang desisyon ni Yuan. "Let's go, i-uuwi na kita."Ani Yuan sabay talikod rito. Hinabol ni Cara si Yuan. "Babe! Don't do this to me, I love you and kaya ko lang naman nagawa yun kasi ayaw kong mawala ka sa akin". Umiiyak ng wika nito. Napailing si Yuan. "Mas maganda na tong maghiwalay tayo. Ayaw ko na.. Sawang sawa na ako." Anito sabay alis ng kwarto. Naiwan si Cara na nag-iisa roon at umiiyak. Nahahapong umupo ito sa sahig malapit sa kama at isinubsob doon ang mukha. Matagal na parang walang maisip gawin si Cara kundi ang umiyak ng umiyak. Sino ba ang dapat niyang sisihin? Masyado ba siyang naging possessive kay Yuan? Minahal din ba talaga siya ni Yuan? Bakit ganoon kadali lamang na itinapon nito ang kanilang pinagsamahan? Napakaraming tanong niya sa sarili na lalo lamang nagpasama sa kanyang pakiramdam. Nais niyang kumawala.. Napopoot siya kay Amy! Hindi niya alam subalit iba talaga ang nararamdaman niya rito, wari'y may pinupukaw itong galit sa kanyang puso na hindi niya maintindihan sa tuwing nakikita niya ito. She hated her to the core! Unang kita pa lang niya kasama si Yuan ay naramdaman na niya ang disgusto sa babae. Nasa kalagitnaan siya ng pag iisip na iyon ng marinig niya ang pag igit ng pintuan. Tila may taong pumasok sa loob ng kwarto. Sa pag aakalang binalikan siya ni Yuan ay pinilit niyang iminulat ang namumugtong mga mata. "Y-yuan! Sabi na nga ba at--" hindi na niya natapos ang sasabihin sapagkat bago pa siya napalingon ay naingudngod na siya ng estrangherong iyon sa kama. Buong pwersa na halos hindi na siya makahinga. Pilit siyang kumakawala sa kung sinuman iyong nais tumapos sa kanyang buhay. "Hindi! Ayaw ko pang mamatay!" Aniya sa kanyang sarili. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ng taong iyon at ibinaon ang kanyang kuko. Subalit napakalakas ng taong iyon! Unti unti'y nawawalan na siya ng lakas. Hanggang sa nawalan na siya ng ulirat..

THE DEVIL'S DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon