CHAPTER 2: POSSESSION

228 3 0
                                    

Lakad takbong umalis ng library si Lorieanne tangan ang mga sinamsam na librong halos maglaglagan na sa kanyang pagmamadali. Bihira ang mga estudyanteng naglalakad sa pasilyo patungo sa Mass communication building. Paliko na siya ng mabungo siya sa isang matipunong katawan.

"Whoa! Watch your step Lorie, para kang hinahabol ng multo". Ani Seth habang nakahawak sa balikat ni Lorie. Naglaglagan ang mga hawak nito. Sabay pa silang umupo upang pulutin ang mga libro.

"P-pasensya ka na Seth, late na kasi ako sa klase ko" Aniya habang hinahabol ang isang piraso ng papel na lumipad palayo sa kanila. Nilingon niya ang kanyang pinanggalingan at bahagyang nakiramdam.

"Namumutla ka. Okay ka lang ba talaga?" paniniyak ni Seth habang inaalalayan si Lorie sa pagtayo.

"Ok lang ako Seth, Sige aalis na ako." Ani Lorie at itinago ang takot sa pamamagitan ng pag ngiti. Naiwan si Seth na nakatingin sa papalayong si Lorieanne at kibit balikat na naglakad na paalis sa hallway patungo sa gym.

****

TUMUNOG ang cellphone ni Lorieanne mula sa kanyang bulsa. Nasa classroom na siya at tahimik na iniisip kung totoo ba ang kanyang nakita. Agad na sinagot niya ang answer botton nang makitang si Amy ang tumatawag.

"Bru, asan ka? Nag-aalala na ang tinig ni Lorie.

" Parating na ako dyan, sorry Bru, may nangyaring aberya lang." ani Amy.

" Andito na ako sa classroom, dito ka na lang tumuloy." wika ni Lorie

"Ok wait mo na lang ako dyan." sagot ni Amy saka pinatay ang cellphone.

***

Nakarating na rin sa wakas si Amy sa classroom.

"Bestfriend, sorry na late ako". Hinging paumanhin ni Amy sa dalaga.

"Katagal moh naman Amelia, namuti na ang mga mata ko sa kakahintay sayo, yan tuloy wala din lang akong natapos." Naka ngusong wika ni Lorieanne sa kaibigan.

"Sorry na, kasi naman inabot ako ng malas sa daan! Nakakainis yong nasakyan kung jeep." Paliwanag nito sabay upo sa tabing upuan nito.

"Ano bang nangyari?" Curios na tanong ni Lorie sa kaibigan.

Bumuntong hininga muna si Amy bago simulan ang kanyang kwento.

"Ayun muntik ng mahulog dun sa creek yung sinasakyan kung jeep. Ewan ko ba, kamalas ko ngayong araw na to, kanina muntik na rin akong mahold up, weird nga lang nung guy na nanghoholdap sa akin kasi nung ibibigay ko na yong pera ko, bigla na lang siyang kumaripas ng takbo. Nagsisisigaw pa na parang nakakita ng multo!pahayag ni Amy.

"Ganoon ba? Wierd nga.. Pero mabuti naman at ayos ka lang. Ang aksidente talaga hindi natin maiiwasan" Ani Lorieanne. Napatingin siya sa librong hawak ni Amy.

"Ano yan?"Tanong niya.

"Ah ito ba, libro ni Tito Alfred, binigay sa akin ni Tita. Nadala ko sa kamamadali ko, mamaya basahin natin."Walang anumang wika ni Amy. Umupo na ito sa katabing silya ni Lorieanne.

Matamang tinitigan ni Lorieanne ang librong kulay kape na may nakaukit na hugis mata sa gitnang bahagi ng pabalat. May nararandaman siyang kakaibang aura sa librong tangan ng kaibigan. Bigla ang pagnanais niyang hawakan iyon at buklatin. Nasabi na noon ni Amy na mahilig magsulat ang kanyang tito ng mga fiction, horror at suspense books. Naiintriga na rin siya sa nilalaman ng librong iyon. May bumubulog sa kanyang hawakan at basahin niya iyon! Nang hahawakan na niya iyon, saka naman may tumawag sa kanya mula sa kanyang likuran.

"Lorieanne! Ano ka ba, kanina pa kita tinatawag ah". Naudlot ang tangkang paghawak niya sa libro at nilingon si Amy na tumapik sa kanyang balikat.

"Huh?! Nagtatakang nilingon niya ang kaibigan.

"Kanina ka pa tulala riyan, namumutla ka pa. May sakit ka ba?" Nag-aalalang sinalat ni Amy ang noo ng kaibigan.

"Ano ka ba, napagod lang ako" pagdadahilan niya. Sa kanyang isip ay nagtatanong kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi niya maalala kung ano ang sinasabi ni Amy kanina.

"Ano na nga bang sinasabi moh?" Tanong ni Lorieanne.

"Sabi ko, tutal wala naman si Mr. Reyes, gawin na lang natin yung thesis moh." Tinitigan siya ni Amy. "Sigurado ka bang okey ka lang? Muling tanong niya.

"Yeah." Tipid na wika na lang niya. Muling sinulyapan ang libro sa katabing desk at pagkatapos ay itinuon na ang pansin sa pagbuklat ng librong kanyang babasahin para sa kanyang thesis.

****

Maalinsangan nang gabing iyon, hindi makatulog si Amy kaya nagpasya siyang basahin na lamang ang aklat na bigay sa kanya ng tiyahin. Mula sa kama ay lumipat siya at nagtungo sa kanyang study table. Nasa gawi ito ng bintana kung saan tanaw ang hardin. Tumingala siya at napangiti ng makita ang crescent moon na napapaligiran ng mga bituin. Huminga siya ng malalim at sumilay ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. "Napakaganda naman ng kalangitan! Ang daming stars!" Pagkausap niya sa sarili. Pinagmamasdan niya ang langit tangan ang librong di niya namalayang yakap na niya. Nang may makitang bulalakaw, excited siyang nagwish. "Hay, sana maging kami ni Yuan, mas bagay naman kami kesa sa maldita at mukhang bisugo niyang girlfriend!" Kinikilig pang wika niya. Actually maganda ang girlfriend ni Yuan na si Cara, naiinis lang siya sa kaartehan at kamalditahan nito kung kaya't kung anu-ano ang itinatawag niya rito. Nang magsawa ang mata sa pagtitig sa kalangitan, binuklat na niya ang libro. Napakunot-noo siya nang mabasa ang nakapaloob na sulat sa unang pahina ng aklat.

+TATLONG PATAK ng luha,

Tatlong patak ng dugo,

Mithiin mo'y makukuha,

Sa bigkas ng mga salita.

Ano man ang iyong naisin,

Asahan iyong ma-aangkin,

Kahilinga'y makakamit,

Ngunit buhay ang kapalit...

"Ano kaya ang ibig sabihin nito?"Pagkausap ni Amy sa kanyang sarili. "Ang tito talaga, kahilig sa mga talinhaga." Kibit-balikat na inilipat niya ang pahina, subalit nagtaka ng walang makitang sulat doon, binuklat buklat ang libro. "Wala namang laman!" Aniya sa sarili nang bigla siyang magulat ng makarinig siya ng kalabog mula sa silid ng kanyang tita, sumigit ang pag-alala sa kanyang mukha. Mabilis niyang nilisan ang kanyang silid at naglakad patungo sa silid ni tita Claudia. Naalalang hindi pa nga pala niya nakikita ang tiyahin mula kaninang pagdating niya galing sa school.

"Tita Claudia." Tawag ni Amy sabay sa mahinang katok sa pinto. Inilapat ang tenga sa dingding. "Tita, papasok po ako". Aniya sabay pihit sa seradura ng pintong nakapinid. Sa pagbukas niya sa pintuan, gimbal siya sa kanyang nakita..

+++

T-tita? Kinakapos ang hiningang wika ni Amy habang tutop ang kanyang dibdib, sa ibaba ng kama ay ang nakahandusay na katawan ni Claudia na walang malay. Patakbong dinaluhan niya ang walang malay na tiyahin.

"T-tita claudia, Diyos ko po!" Biglang nagka bikig ang kanyang lalamunan, nanginginig ang kamay na idinaiti niya iyon sa leeg ng tiyahin, pinakiramdaman ang pulso. "Aling Berta! Aling Berta! Tulungan nyo ako!" Malakas na sigaw ni Amy. Humahangos na pumanhik si Aling Berta.

"Diyos ko, anong nangyari kay Ma'am Claudia?!" Gimbal na wika ni Aling Berta.

"Tulungan nio ako, tumawag kayo ng ambulansya." Umiiyak ng wika ni Amy habang hawak ang kamay ng walang malay na ginang. Patakbo namang tinungo ni Aling Berta ang side table kng saan naroon ang telepono at di-nial ang numero ng pinaka malapit na hospital.

Samantala, sa iniwang silid ni Amy, kapansin pansin ang liwanang na nagmumula sa naiwang libro, humangin ng malakas kung kaya't biglang lumipat ang isang pahina niyon. Mula roon ay unti unting nagkaroon ng letra ang pahinang kanina'y walang sulat...

THE DEVIL'S DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon