Hermie's POV
Wala si Steph buong araw. Ino-orient ata sila para sa gaganaping laban next week. Ata? So yun nga, wala siya kaya kulang kami. Malungkot talaga pag kulang ang barkada. Kaibigan ko na talaga sina Chlo at Steph simula pa nung 1st year. Silang dalawa lang yung talagang kaibigan ko. Pare-pareho kasi kami ng mga interest. Anyway, kami lang ni Chlo ang magkasama ngayon sa Mcdo. Mag-aaral kasi kami para sa MGA exams bukas.
Oo.
MGA.
Grabe kasi magbigay ng exams sa school namin. Sabay-sabay.
“Herms, nasan na ba si Steph? Ang tagal naman e.” reklamo ni Chlo.
“Ewan. Basta sabi niya susunod siya. Magstart na kaya tayo mag-aral?”
“Ayoko nga. Tinatamad pa ko e. Itetext ko muna si Arnold.”
“Arnold na naman. Sasaktan ka lang ulit niyan. Wala namang kwenta yan e pati nakikita ko na iba ang ugali niyan sayo.” Nagulat nalang ako nang biglang may nagsalita.
Si Steph pala.
“hahaha! Ang laging nakakontra sa lovelife ni Chloe.” Sabi ko.
“Hindi naman sa laging nakakontra. Iba lang talaga ang nakikita kong ugali kay Arnold. Palagi kayang nagmumura yan. Kada umpisa at tapos ng sentence laging may mura.”
“Ay nako guys, mag-aral nalang nga tayo.” Sabi ni Chlo
So yun, nagstart na kami magbuklat ng books and notebooks ni Steph.
Si Chlo at nagtetext parin tapos mukhang problemado.
“Chlo, mag-aral ka na. tigilan mo muna yang pagtetext.” Sabi ko.
“oo nga. Sabihin mo jan kay Arnold, mag-aral hindi yung ginugulo ka.” Singit ni Steph.
“E guys, yun na nga e. Galit siya. Tignan nyo oh. Wala ring kabuhay-buhay magtext.”
“Bakit?” sabay naming sabi ni Steph.
“Kasi daw gusto niya turuan ko siya. Sabay daw kaming mag-aral tapo—”
“aba, eh—” Sisingit pa sana ako kaso nagsalita ulit si Chlo.
“Wait naman kasi. Patapusin nyo muna ko.”
“oh, tuloy.” Sabi ko habang si Steph ay nakikinig lang.
“Sabi niya, parang di ko daw siya mahal kasi lagi ko kayong inuuna. Gusto daw niya, maramdaman niya na mahal ko siya.”
“ANG ARTE NAMAN NIYA! HINDI NAMAN KAYO AH. BAKIT GANUN SIYA? TSAKA SIGURADO NAMAN AKO NA DI KAYO MAKAKAPAG-ARAL PAG MAGKASAMA KAYO.” Sigaw ni Steph. Hahaha.
Nainis na talaga siguro.
“tanungin mo kung bakit siya ganun. Ako kakausap, gusto mo?” medyo naiinis narin kasi ako kay Arnold.
“Wag na guys. Ako na. Baka kung ano na naman ang masabi nun.”
Nag-umpisa na kami mag-aral ni Steph. Medyo walang gana si Chlo kaya hinayaan nalang namin.
“Alam ko na ‘to e.” sabi ni Steph.
tapos nilipat niya yung page ng notebook niya.
ganun din ako.
“ako din, alam ko na ‘to. Madali lang ‘to. Hahaha!”
Tapos sabay naming sinara yung books and notebooks namin.
“edi wag na mag-aral. Hahahaha! Kain na tayo para makauwi na rin. Gabi na e.”
Nung natapos na kami, naghiwa-hiwalay na at umuwi na. hay. Wala talagang nangyayari sa group study namin. Hahaha. Pero kahit ganun, ang saya saya ko pag kasama ko silang dalawa.
--