Chapter 6

10 0 0
                                    

Grabe, napagod ako sa paggawa ng project kanina. Ang pangit talaga e, hindi presentable pero at least nga, may project. Naligo na ko kasi nga diba binudburan ako ng glitters.

humiga ako then bigla ko nalang naalala yung mga nangyari kanina. napangiti ako. sus. masaya naman pala talaga siya kasama. di ko akalaing magiging close kami. hahaha. Maya maya, may nagtext sakin tapos nakita ko,

si braces! omg diba?

kinuha kasi niya lahat ng numbers ng mga varsity para daw may connection sa isa't isa. hahahaha! binasa ko na yung text.

(Na-move daw sa January yung laban. thanks. :)) 

waaaaaa! kinikilig ako! waaaaaa. nagtext siya omg omg omg. nagreply ako hahahha

(okay po. :D) Lord, sana po magreply siya please. Lord, please.

*tooot*    (A/N: tunog yan pag may nagtext. hahaha!)

tinignan ko agad. excited e. hahaha. 

(sige. goodnight. :)) wala na. namatay na ko. hahahah! waaaa! as in, kinikilig ako. grabe lang. maganda na naman tulog ko neto. ^^

Ransley's POV

nasa room ako ngayon, medyo maaga kasi ako pumasok. Medyo marami naring estudyante. Napansin ko yung project namin. Napangiti ako bigla. Naalala ko yung kahapon. Nakita ko na Paparating si Steph. Parang good mood siya. Halos lahat ata nasabihan na ng good morning. Pumasok na siya sa room at umupo sa upuan niya.

Humarap siya sakin.

"good morning!" ngumiti lang ako at tumalikod na siya. good mood nga siya.

After 20 mins ay dumating na yung adviser namin. May mga inannounce siya tapos bigla niya tinuro si Paul, yung nasa unahan ko na katabi ni Steph.

"Paul, palit kayo ng pwesto ni Ransley." nung narinig ko yun, may parang something sa sarili ko na gustong magreklamo kasi makakatabi ko na naman si Steph pero may something rin na gusto ko na katabi siya. pagkasbi ni maam nun, nagpalit na kami ng pwesto.

umupo na ko at tumingin sa katabi ko na nakatingin sakin.

"Bakit ka nakatingin? Naggwapuhan ka na naman sakin?" pang-aasar ko kay Steph

"Kapal mo, oy. Katabi na naman kita? Ano ba yan. Nakakasawa."

"Ayaw mo nun, may magtuturo sayo sa math. Galing mo pa naman dun."

"Magaling talaga ko dun. hahaha!"

Natapos na yung first subject namin. Wala daw yung susunod na teacher kaya vacant kami ngayon.  kinuha ko yung phone ko tapos inabot kay Steph.

"Ano yan?"

"Cellphone?"

"Galing."

"taray. oh, lagay mo number mo."

di na siya nagsalita tapos kunuha niya yung phone at nilagay niya yung number niya tapos binalik na niya sakin.

kakausapin ko pa sana siya kaso biglang dumating mga kaibigan niya.

"Ganda ng araw mo ah. Anyare?" tanong ni Hermie

"Kwento mo na daliiii. tara dun sa labas." sabi naman nung isa na si Chloe. Mukhan silang excited na excited sa kwento ni Steph. haha

"Teka lang ha." may kinukuha kasi siya tapos nung nakuha na niya nakita ko pagkain tapos yun, umalis siya sa upuan niya.

 Steph's POV

hinigit na ko nung dalawa palabas kasi nga daw kwentuhan ko daw sila kung bakit ako masaya. 

"Nagtext kasi sakin si braces."

"mukha mo." sabi ni chloe. aba, ayaw pa maniwala hahaha.

"tignan nyo pa, oh!" pinakita ko sakanila then yun, kinilig narin sila. Mas kinilig pa ata sakin e. hahaha.

nagkwentuhan pa kami then nag bell na so recess na. nakatambay lang kami sa labas ng room tapos nakita ko na nagsilabasan na yung mga 4th year.

syempre, inabangan ko na si braces.

Paglabas niya, napatingin siya sa direksyon kung nasan kami.

Tapos inalis niya yung tingin niya at naglakad na.

"Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito" sabay na kanta ng dalawa. hahaha. binatukan ko sila tapos nagtawanan kami at nagpunta na sa canteen.

Pagbalik namin ng room, dumating na si ma'am. pinakuha niya kami ng 1/4 sheet of paper kasi daw magbibigay siya ng shortquiz.

So nag-umpisa na yung hingian ng papel. ang dami kong naririnig na "penge!" "ako din!" "penge ako, dalawa."  binuksan ko yung bag ko para maghanap ng papel kaso wala akong nahanap. :( tumingin ako sa katabi ko kaso mukhang wala ring papel. naghahanap rin e. haha. tumingin ako sa right side ko.

Si Mae.

Ang dami niyang papel. Humingi ako kaso inirapan niya ko.

grabe. di ko naman siya inaano e.

Tumingin ulit ako kay Ransley at tumawa siya tapos humingi siya ng papel kay Mae. Binigyan agad siya.

ang daya.

kitang kita ko yung pagdaan ng papel sakin.  

sumimangot ako.

San na ko magsasagot?

sa kamay ko?

"Mae, pwedeng pahingi pang isa?"

 narinig kong sabi ni Ransley

tapos yun, binigyan na agad siya ni mae.

binigay sakin niya sakin yung isa pang papel.

tinanggap ko agad yun, sayang e. hahaha.

tapos ngumiti siya sakin.

--

I'll be waitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon