Chapter 8

16 0 0
                                    

Steph’s POV

Saturday ngayon. Rest day. Kanina pa ko nandito sa kwarto ko. Bumaba lang ata ako nung nagbreakfast at lunch e. Nagbasa nalang ako ng libro. Maya maya, may pumasok sa kwarto

“Aalis siya.” Malungkot na sabi ng kapatid ko na si Tiffany. Tiff for short. Haha

Napatigil ako sa pagbabasa at tumingin sakanya. “sino?”

“Si Matt.”

“sinong Matt?”

“ugh. Ate naman e, yung crush ko.”

“ah. Yung soccer player. Oh e saan daw pupunta?”

“Sa Australia. Dun na sila titira.”

“Layo. Haha! Edi magbbye ka sakanya.”

“May problema.”

“Ano?”

“Yung problema mo din dati.”

“dati? Dude, madami akong problema dati at patuloy paring dumarami. Haha! So ano yung problema?”

“di nya ko kilala. :(“ ah okay, gets ko na. di rin nga pala ko kilala ni braces dati. Hahaha

“Isip ka ng paraan para makilala ka nya. Haha! Kung gusto mo, pakilala ka nalang sakanya. Sabihin mo fan ka niya kasi diba ang galing niya magsoccer.”

“Nakakahiya naman yun e.”

“Edi bahala ka na. Haha”

“Kahit kalian talaga wala kang naitulong sakin.”

“oy ano ka, ako gumagawa ng homeworks mo sa kumon kahit hirap na hirap na ko no.”

“e ginagawa mo kasing pampaantok.” oo. Nakakaantok naman kasi talaga

“Alam mo, wag ka malungkot sa pagalis niya. ‘to talaga. Tsaka, 1st year ka palang. Madami pang dadating. Babalik yan dito.”

“Hindi na nga, dun na nga sila titira. Ang kulit mo naman e.”

“Edi bahala ka na talaga. Hahaha!”

“ay nako. Magbasa ka na nga lang ulit jan.” at lumabas na siya ng kwarto namin.

Siya si Tiffany Ramos, my dearest sister. Tiff ang tawag sakanya. First year palang yan. Halos pareho kami ng ugali kaya hindi kami masyado nag-aaway. Nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay lalo na sa pagkain. Hindi in siya katangkaran. Mas matangkad parin ako. Hahaha

“STEEEEEEEPPPPPHHHH!”

okay, tinatawag ako ni mommy.

“POOOOO?”

“BUMABA KA MUNA DITO”

So bumaba nga ako kasi baka pagalitan pa ko pag di ako bumaba.

“Bakit po?”

“Bihis kayo, shopping tayo. Mamimili narin tayo ng gifts for Christmas.”

“okay!” basta pag aalis, ang bilis ko kumilos. Syempre shopping yan tapos mag g-grocery kami! Tapos kakain kami sa labas. Woooh! Food overload. Hahaha!

I'll be waitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon