Chapter 1

25 1 0
                                    

Steph 's POV

*riiiiiiiiiing*

ano ba yan. time na kaagad. di ko pa nasisilayan si crush e. pano na ko mamomotivate mag-aral? makakatulog nanaman ako panigurado.

"hoy! makinig ka kay ma'am. Nagd-daydream ka na naman" bulong sakin ng bestfriend kong si hermie.

"e nakakaantok siya magsalita. ang tagal naman magtime. gutom na ko."

*11: 45*

"ang bagal ng oraaaaaas."

"oo nga. Medyo gutom narin ako"

*riiiiiiiiing*

yes! time na. makakakain na.

"hermie, san tayo kakain?"

"hehe."

"gutom na ko, guys." sabi ng isa ko pang bestfriend na si Chloe.

tara labas na tayo. then paglabas namin nakita ko si cruuuuuush!

"Guys, tara na dali! Para maabutan natiiiiin!" sabi ko sa mga kaibigan kong ang babagal kumilos.

"wait lang. Nag-aayos pa ko ng hair oh." nagrereklamong sagot ni chloe habang papadyak padyak ang paa.

"bahala ka nga, chloe!" sigaw ni hermie at hinila ko palabas ng room

"guys! Wait sabi e."

At dahil makulit kami, tinakbuhan namin. Nakita nalang namin ang mga sarili namin sa canteen.

Ganyan kami simula pa nung 1st year. Masaya na kami kahit tatlo lang kaming magkakaibigan. Loyal naman sa isa't isa e.

Ako si Stephanie Ramos. Isang 3rd year student. Di kami mayaman, di rin naman mahirap kaya simple lang ako. Walang arte arte sa katawan. Hyper ako kapag kasama ang bestfriends ko at mahilig akong kumain. Yun lang yata ang luho ko e. May dalawa akong pinakabestfriends(oh diba, pinaka na, best pa!) na sina Chloe Asuncion at Hermie Gomez

Marami akong pangarap sa buhay. As in. Marami talaga. Pero sa ngayon, magpapakasaya muna ko tutal high school pa naman. Tsaka gusto ko rin malaman kung totoo ngang pinakamasaya ang high school. *wink*

(Sa Canteen)

"guys, okay na sakin ensaymada.Pati iced tea." sabi ni Chloe.

"akin din Steph. Loaaded. solve na ko. dagdagan mo na rin ng iced tea." sabi naman ni Hermie.

aba. talaga naman 'tong mga kaibigan ko, ako raw ba pabilhin ng mga pagkain nila?

"oy ano kayo? kayo na bumili ng inyo. di ako bibili. nagtitipid ako. hahaha."

"ikaw na. ayun si "braces" oh." sabi ni hermie sabay turo gamit ang nguso kay crush.

braces. braces ang codename namin sakanya kasi naka braces sya dati. oh diba, halata masyado pero okay lang. maraming nakabraces sa school. cnung nakita ko siyang nakapila, kinabahan ako ng bongga. super truper crush ko e. simula pa nung 1st year. naging crush din siya ni hermie kaso nagsawa ata. 4th year na siya kaya imposible na maging classmate ko. saklap ng life diba? sige, idescribe natin. Matangkad. Maputi. Ganda ng shape ng mukha. Ang tangos ng ilong. Ang ganda ng mga mata. nakakainlove!. Nakakamatay yung smile. As in! Yung hair niya, parang katulad kay Xian Lim. Medyo payat nga lang. feeling ko tuloy di siya pinapakain sa kanila. haha. Matalino rin yan. Ang galing sa lahat ng subjects. Varsity rin siya ng volleyball. buti pa siya. -.-

so eto, nakapila ko para bilhin yung mga pinapabili nung dalawa. feel ko mamamatay na ko kasi nasa unahan ko. Kung iniisip nyo na kakausapin niya ko, pwes nagkakamali kayo. hindi niya ko kilala. huhuhu. nakatingin lang ako sakanya habang nagtatawanan sila ng mga kaibigan niya. Pero masaya na ko na makita siya at pagnakikita ko siya, naiinspire ako mag-aral.

--

hello! trying hard ako gumawa ng story pero pagbigyan nyo na ko. first time e. :))

I'll be waitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon