Steph's POV
Habang kumokopya kami ng notes, may mga narining akong mga kwentuhan sa right side ko na pinagkkwentuhan si Ransley at si Andrew.
Grabe, crush na crush nila yung dalawa e wala naman akong makita na kaakit-akit. haha. Sila ata yung mga magkakaibigan na pare-pareho ng mga crush. At dahil nage-eavesdrop ako, di na ko nakapagsulat. Sobrang busy ako sa page-eavesdrop nang may bumatok sakin. oo! may bumatok. Ang kapal ng mukha nung bumatok sakin.
Pagtingin ko,
si Ransley lang pala. Kapal nga ng mukha.
"Tamad mo talaga magsulat." sabi niya.
"Maganda naman sulat ko tsaka bakit ka nandito?" kasi naman katabi ko siya e diba nga dun siya sa likod.
"E hindi ko makita and hindi rin kami close ni Alyssa. Ano bang ginagawa mo bakit di ka nagsusulat?"
"Nakikinig sa usapan nila. hahaha." patagong turo ko sa right side ko.
"Sus. Masama nakikinig sa usapan ng iba." nagsulat ulit siya.
"Ang dami palang nagkakagusto sayo dito sa room." bigla ko nalang nasabi at napatigil siya sa pagsusulat.
"Pano mo nalaman?"
"Narinig ko sa usapan ng iba. hahaha!"
"Pogi ko kasi. hahaha."
"Pinuri mo na naman sarili mo." pagkasabi ko niyan ay ngumiti lang siya tapos nagsulat na ulit.
Malapit na nga pala mag Christmas kaya naman kung anuanong mga projects ang pinapagawa samin. Isa na dito ay yung project sa Arts na parol.
By group yon kaya medyo madali. Kagroup ko si Paul, Alyssa at Ranlsey.
Dumaan ang isang week pero wala parin kaming nauumpisahan at dumating na yung araw ng submission. Mamayang hapon pa naman yung klase namin sa Arts kaya pwedeng mamaya na ipasa.
"Baka gusto niyong tumulong." sabi ko kila Paul at Ransley na nakatingin lang habang naggugupit kami ni Alyssa.
dumating na yung time ng submission. halos lahat nagpapasa na maliban samin.
"Hanggang ngayong araw lang ang submission ng project nyo ha." sabi ni maam kaya lalo akong kinabahan.
"Gawin natin after class." sabi ni Ransley.
"Kailangan ko umuwi ng maaga kasi babantayan ko kapatid ko." sabi ni Alyssa
"ako din. May pupuntahan pa ko. okay lang ba? May naitulong na naman ako kahit papano e." sabi naman ni Paul.
hindi sana ako papayag kaso sumagot si Ransley.
"Okay. Kami nalang ni Steph ang magtatapos nung project."
Uwian na. Kami nalang ni Ransley ang naiwan sa room. Hati kami ng ginagawa para di sayang sa time. Ako naglalagay ng glitters, siya nagp-paint.
"Ano ba yang ginagawa mo?" tanong ko sakanya kasi hindi na niya pinepaint-an yung parol.
"Nagp-paint? hahaha!"
"Bahala ka nga. gahol na nga sa oras kung ano ano pa ginagawa mo." nakita ko kasi arms niya yung pinepaintan niya.
"Ang taray mo naman. Tulungan na kita sa glitters." nagsmile siya tapos kumuha siya ng mga glitters at tinulungan akong matapos yung parol.
"Oh, okay na. Bakit ka nakasimangot? diba dapat masaya ka kasi tapos na?" sabi niya
"E Ransley"
"oh?"
"Ang pangit."
"hahahahaha! okay lang yan. At least may project tayo. Tara, i-submit na natin."
napatawa ako sa sinabi niya. Tinap pa niya yung likod ko tapos pumunta kami sa MAPEH room kaso umuwi na si ma'am kaya binalik nalang namin sa room yung parol.
"hugas lang ako ng kamay ah." sabi ko sakanya habang inaayos niya yung kalat.
habang naghuhugas ako ay may naramdaman ako parang bumabagsak mula sa ulo ko tapos pagtingin ko sa taas ay nakita ko si Ransley na tuwang tuwang binubudbod sakin yung glitters. Dahil nga tumingin ako sa taas, nalagyan ng glitters yung mukha ko. buti nalang at hindi yung mata ko.
"tsk. Ransley naman e." tumatawa siya tapos bumalik ako sa loob ng room at kumuha ng glitters at binudbod sakanya. makaganti lang rin naman ako kahit papano. hahaha!
So yun nga, ang saya namin na nagbubudburan ng glitters. kumuha pa ko ng paint brush para lagyan yung mukha niya.
"Tama na, Steph. Ang dumi na natin."
"E ikaw nga nauna e. haha."
"teka lang." tapos kumuha siya sa bag niya ng face towel tapos lumabas siya.
pagpasok niya, dumiretso siya sakin tapos pinunasan niya yung mukha ko.
"Wag ka malikot. Baka kasi mapunta sa mata mo. Pikit. Oh, okay na. Tara, uwi na tayo. Hatid na kita." tapos pinunasan niya yung mukha niya.
"hindi na. Gagabihin ka pa."
"Sus. Malaki na ko, ikaw hindi pa kaya ihahatid na kita. Dali na, kahit sa sakayan lang ng jeep." nagsmile siya pagkasabi niya nan. So hinatid nga niya ko sa sakayan then nagwave na siya ng goodbye.
--