Chapter 7

11 0 0
                                    

Hindi ko kasabay umuwi ngayon sina Chloe at Herms dahil may training ako. Malapit na kasi yung competition namin so kailangan ko magpursige.

Pumunta na muna ko sa locker para kunin yung mga gamit ko tsaka ko pumunta sa training pool ng school.

Dahil 5pm ang uwian namin, Mga 5:30 na ko makakapagtraining at 7:30pm na ang tapos ko nito. Gagabihin na naman ako. Nagbihis na ko then nagstart na ko magtraining. Di ako masyado na-pressure kasi wala si coach. Tinext lang niya sakin yung mga sets na kailangan kong gawin.

Nung natapos na ko magtraining, umahon na ko sa pool at umupo muna sa tabi. Dehydrated na ata ako. Nakalimutan ko kasi magdala ng tubig.

Yumuko ako

tapos may naaninag ako na shadow na papalapit sakin.

Nagulat nalang ako nang magsalita siya…

“Water oh.”

Pagkasabi niya nan ay napatingin ako sakanya.

“uh, thanks.” Yan nalang nasabi ko.

Nagulat ako e. hahaha.

Pano ba naman, akala ko kung sino si braces pala.

Feel ko tuloy namumula na yung mukha ko sa sobrang kilig.

“Sige, una na ko. Bilisan mo na jan para di ka gabihin. Delikado pa naman sa daan.” Tapos ngumiti siya.

Tumango lang ako.

Waaaaaa!

Sa sobrang kilig, tumalon ulit ako sa pool. Haha. Di ko ma-take e.

Ransley’s POV

Nakita ko kanina si Steph na nagmamadali umalis ng room nung nagbell na. Magttraining siguro. Halos Araw-araw naman kasi ata nagttraining yun.

Nakita ko na nakapatong sa kama yung phone ko.

Naalala ko si Steph.

Pinalagay ko nga pala sakanya yung number niya.

Automatic na tinext ko siya.

(tapos ka na magtraining?) nag-aalala kasi ako kasi gabi nab aka kung mapano yun.

(who’s this?)

(pinakagwapo mong seatmate. :D)

(sorry di kasi gwapo seatmate ko kaya di kita kilala.)

(grabe ka naman magsalita.)

(haha! Joke lang. ano ba kasing kailangan mo? Si Ransley ka, right?) aaminin ko, napangiti ako sa text niya na ‘to

(Yup. Wala lang, nangangamusta lang. haha. Nakauwi ka na?)

(yeah. Actually nagpprepare na ko matulog.)

(an gaga ah.)

(pagod e. may kailangan ka pa ba?)

(wala na naman.)

(okay. Sige, tutulog na ko. Goodnight sa seatmate kong umaapaw ang self-confidence. Hahahaha!)

(hahaha! Goodnight rin sa seatmate ko na umaapaw ang pagkain sa bag.)

Di na siya nagreply.

Ewan ko, bigla nalang naging sobrang ganda ng mood ko nung nakatext ko siya.

May nararamdaman akong kakaiba kay Steph.

Alam ko na kung ano ‘to e, di ko lang maamin sa sarili ko.

--

I'll be waitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon