Chapter 3

16 0 0
                                        

Naging close kami ni Ransley. Masaya naman pala kasama yon. Akala ko kasi boring niya e. haha.

"Tara, laro tayo." biglang sabi ni Ransley.

"oh, anong laro?"

"dugtungan ng kanta!"

"corny. yoko niyan."

"dali, masaya 'to."

"boring yan, pero sige. pampawala ng antok. ^^"

"oh game. mauna ka."

"ayoko nga. una kaaa."

"sige. ahem ahem. Pana-panahon ang pagkakataon maibabalik ba ang kahapon"

"yun na yun?"

Tumango lang siya.

"e wala naman akong maisip na maidudugtong jan e."

"bahala ka. basta ang talo, pipingutin."

"ang dayaaaaa! hooooy. lugi naman ako sayo e."

"wala kang maisip? sige pipingutin na kita."

"uy, wa-- aaaaaaaah!"

"HAHAHAHA"

GRABE. ang sama niya. -.- pinagtatawanan pa ko. Tumalikod ako sakanya. napikon ako e. ang sakit kaya. tapos hinimas ko yung tenga na piningot niya.

Ransley's POV

Piningot ko siya kasi talo siya sa game. oo, ang corny nung game ko pero kasi gusto ko ng kausap. I mean. gusto ko siya kausap. Ewan ko ba, basta natutuwa akong kausap siya. Nakakatuwa lang kulitin kasi kapag napikon, di ka gagantihan tapos kakain nalang siya. Lagi nga siyang may pagkain sa bag e tapos di lumilipas ang isang subject na hindi siya kumakain.

pagkapingot ko sakanya, tumalikod siya. napikon na siguro. for sure, kakain na naman 'to.

"uy." kinulbit ko siya.

"Steph. uy." kinukulbit ko parin siya pero di ako pinapansin. galit ata?

"Sorry." pagkasabing pagkasabi ko nun ay bigla siayng humarap sakin at ngumiti. bigla nalang ako natuwa nung ngumiti siya.

Steph's POV

"uy." sabi ni Ransley. di ko siya pinapansin.

"Steph. uy." bahala siya. ang kulit e.

"Sorry." Pagkasabi niya nan, natuwa ako. gusto ko kasi yung mga taong marunong magsorry. sus. marunong naman pala to magsorry. kaya nung sinabi niya yun, humarap ako sakanya at ngumiti. basta, bigla nalang akong napangiti.

"himala, di ka ata kumakain." sabi niya.

"di kasi ako nakapagdala ng food."

"eto oh, piattos. favorite ko 'to."

"bawal ako niyan e."

"ay oo nga pala, swimmer ka. osiya eto, magtinapay ka nalang."

ang bait ni Ransley ngayon, nakakagulat. lagi kasi niya ko pinagttripan. ang kulit talaga. ah, kaya siguro mabait sakin kasi magkakaroon na ulit kami ngayon ng bagong seating arrangement. This time, nasa may medyo likod ako. Siguro kasi tumangkad ako? hahaha. Yung dalawa kong kaibigan, nasa unahan parin pero magkatabi sila. :( di ko katabi si Ransley. ang katabi ko ay si Paul. Nasa likod ko si Alyssa at ang katabi niya ay si Ransley. bale parang nasa likod ko na rin siya. Maya maya ay may kumatok sa pinto. di ko na pinansin kasi nagsosolve kami sa math. bakit ba kasi ang hirap ng math?

"pssssst!" "psssst!" tumingin ako sa direksyon kung san yung nanggagaling at sina Herms at Chlo lang pala yun. binigyan ko sila ng ano-bang-problema-nyo-bakit-na-naman-look. ngumunguso lang sila sa pinto kaya naman ako, tumingin then gosh! Nakita ko si braces! kausap niya si ma'am. omg omg. nakita ko siyaaaaa! okay. Steph. focus. magsolve ka na. inspired ka na oh. game. magsasagot na ulit sana ko nang bigla akong tinawag ni ma'am.

"Ms. Ramos, sige na. You are excused. Pinapatawag na daw kayo."

haaaaa? ano daw? pumunta naman ako sa may pinto kasi tinuro ni maan yung pinto. pagbukas ko ng pinto,

nakita ko si braces! feel ko nanigas ako e.

"Ikaw ba si Stephanie Ramos?" tanong niya habang nakangiti.

gawd. waaaaa! kinausap niya ko!

Lord, Thank youuuuu! napatango nalang ako sa sobrang tuwa. feel ko nangingilid na yung luha ko. hahaha

"Pinapatawag kasi lahat ng ilalaban. Nasa gym sila. dun ka nalang pumunta. tatawagin ko pa yung iba e. sige. "

"sige. ^^"

waaaaaah!

grabe, ang saya! kinausap niya ko. omg! diba sinabi ko na varsity siya? hehe. varsity din pala ko. sa swimming nga lang. siya sa volleyball kaya nga kahit hate na hate ko yung vb, tinatry ko paring matutunan.

--

I'll be waitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon