Steph’s POV
Pagkatapos ko magsimba, nagpunta na ko sa mall na usapan namin nila Chloe at Hermie. Sabay-sabay kasi kami kakain. Nakita ko na sila na naghihintay.
“ay nako Steph, reyna ka talaga ng mga late.” Sabi ni Chlo
“ano ka, si Hermie kaya yon. HAHAHA”
“Oo nga pala! Haha. Osya, prinsesa.”
“yah, prinsesa niya. Haha”
“Ambisyosa. Haha!” biglang sabat ni Herms. “San tayo kakain? Hahaha! Kamot sa ulo. KFC nalang kaya?”
“Ayoko nga dun. Nakakasawa na.” reklamo ni Chlo
“ay guys, may naisip ako. May paper at ballpen kayo?” sabi ko
“wala e.” sabi ni Chlo
“Ako, meron.” Sabi ni Herms habang kinukuha sa bag.
“Yes, secretaryng secretary. HAHAHA!” sabi ni Chlo na ang hilig hilig asarin si Herms.
“Lagi naming late. Haha!” sabi ko at sabay kaming tumawa ni Chlo
“Tumigil nga kayo. Oh eto na yung papel at ballpen.”
Kinuha ko nay un at umupo muna.
“Bigay kayo ng mga kainan.”
“uhmm, KFC.”
“Mcdo.”
“Jollibee.”
“Pizza Hut.”
“Greenwich.”
“Chowking.”
“Shakey’s”
“Max’s.”
“Okay na?” sabi ko tapos tumango lang yung dalawa. “Oh, sinong bubunot?”
“Ha?” sabi ni Chlo
“Bunot kayo. Kung anong mabunot, dun tayo kakain.”
“Ako na bubunot.” Sabi ni Herms
“Ako nalang.”
So bumunot na si Chlo tapos pagkabunot niya, nakasimangot yung mukha niya.
“Oh, saan?” tanong ko.
“KFC.” Tapos nagpoker face siya.
Tumawa nalang kami ni Herms tapos pumunta na kaming KFC.
Tahimik kaming kumakain. Gutom e. haha
But Chloe broke the silence.
“Steph, hinahanap ka ni Ransley kanina.”
“Bakit daw?”
“Ewan.”
“Bakit kaya? Wala naman akong utang don diba? Sainyo lang naman ako umuutang diba?”
“oo. Di ka pa nga nagbabayad e. haha!” singit ni Herms
At yun, tinapos na naming kumain para makauwi na.
Baka magadvance study ako.
BAKA lang naman.
Depende pa sa mood ko.
Bakit kaya ako hinahanap ni Ransley?
Teka, text ko nga.
(Ransley.)
(Yo.)
(Hinahanap mo raw ako?)
(oo.)
(bakit?)
(miss na kita. Hahaha!)
(okay? Haha. Bakit nga?)
(wala. Napansin ko lang kasing kulang sila. :D)
(ah, okay.)
(haha so anong ginagawa mo? Kumakain?)
(kakakain ko lang. Mag-aaral sana ako e.)
(bakit naman sana?)
Ransley’s POV
Di na nagreply si Steph pero hinihintay ko parin reply niya.
Maya’t maya ko nga tinitignan yung phone ko.
Baka busy yun or kumakain na naman.
These past few weeks,
palagi kong iniisip si Steph.
Nung una di ko pa alam kung bakit.
I mean, alam ko kung bakit pero ini-ignore ko lang.
Naalala ko na naman yung sinabi ni Andrew na tinamaan na ko dun.
Tinamaan?
Parang hindi.
siguro mas okay kung nahulog.
Oo.
Nahulog.
Nahulog na ang loob ko sa makulit kong seatmate.
Yan ang hindi ko maamin sa sarili ko noon dahil gulung gulo ako noon sa nararamdaman ko pero ngayon?
Sigurado na ko.
Mahal ko na nga siya.
Di kung alam kung kailan at bakit basta ang alam ko,
mahal ko na siya.
--
