I

85 3 0
                                    

Mich's POV

Toot! Toot! Toot!

"Anak, bumangon ka na dyan!" sigaw ni Mama. "Wag mo'ng intayin na pumanik pa 'ko dyan!"

"Eto na po!" sigaw ko. Ang aga-aga beastmode si Mama. Ayaw ko na maulit yung ginawa niya sa'kin na hinila niya ko sa kama para lang bumangon ako sa higaan ko.

"Kumain ka muna bago ka maligo." sabi ni Mama habang nire-ready niya yung plato ko sa lamesa.

"Yes naman, Ma. Mukhang masarap na naman 'tong niluto mo." sabi ko. Totoong masarap ang mga luto ni Mama. THE Best.

After ko'ng kumain, hinugasan ko na ang plato ko para makaligo na ako. Umabot ng 30mins ang pagligo at pagbihis ko. Oo, matagal ako maligo.

"Ma, mauna na po ako." hinalikan ko si Mama sa pisngi at tsaka ako umalis. Medyo matagal tagal ang byahe ko papunta'ng school. Nang lumipas ng 1hour na byahe, nakarating na 'ko sa school.

Bigla ako'ng napatingin sa relos ko na'ng makita ko na 7mins na lang bago mag-time, tinakbo ko na papuntang room. Oh yes, nag-marathon ako. Hindi ko namamalayan sa pagtakbo at pagtingin ko sa orasan, may nabangga ako.

"Oh shit! Sorry, Kuya."

"Okay lang." ang cold naman neto magsalita. "Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo." tiningnan niya ko nang masama tapos umalis agad siya sa harapan ko.

"Okay." sabi ko sa'kanya na agad naman niya ako'ng tiningnan ng masama. Pero bago siya magsalita, nagmadali na 'kong maglakad papalayo sa'kanya para makapunta na 'ko sa room. Panira ng araw!

"Ms. Rodriguez, you're late. Again." sabi sa'kin ni Mr. Dela Cruz

"Sorry po, Sir."

Umupo na 'ko sa upuan ko at dumiretso na sa pagdi-discuss si Mr. Dela Cruz. After niya magdiscuss, pina-dismiss na niya kami.

Beep.. Beep..

2 messages from Bri

"San kaya mga 'to?" sabi ko habang inoopen ko yung message ni Bri sa'kin.

Bri: Bebs, where are you? Dito kami sa foodcourt.

Bri: Punta ka dito.

Me: Okay, I'll be there.

Dumiretso na ko sa foodcourt. Dun na kasi tambayan namin simula 1st year college. Matagal-tagal na din pala pinagsamahan nami'ng magto-tropa. Isang taon na lang, ga-graduate na kami.

Naaninag ko na sa malayo ang mga tropa ko na'ng biglang sumigaw si Shai ng makita ako'ng papalapit sakanila.

"Hey, bitch!" sigaw ni Shai. Nagtataka kayo kung bakit 'bitch'? Wala lang. Ganyan lang talaga tawagan namin magkakaibigan.

"Hello, bitch!"

"Oh ba't para'ng badtrip ka ata?" sabi ni El.

"May nabunggo kasi ako'ng lalake kanina." sabi ko. Yung supladong lalake na yun, panira talaga ng araw ko.

"Papi ba?" tanong ni Shai. Tumungo lang ako at ngumisi sakanya.

"Ayy ang landi." sabi nina Loisa at Angel.

"Sayang nga eh. Pogi na sana pero attitude lang." sabi ko. Pero bigla nila ako'ng tiningnan na what-do-you-mean look. Kaya kinwento ko sakanila yung nangyari kaninang umaga.

"Sino ba naman kasi'ng hindi magagalit diba?" sabi ni El na para'ng sinasabi niya na duh.

Inirapan ko siya pero pabiro na way. Habang nagkukwentuhan sila, nagpasama ako kay Shai para bumili ng pagkain.

A Little AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon