XIII

21 2 0
                                    

Mich's POV

Bago pa tumunog ang alarm sa phone ko, gising na 'ko. Hindi ako makatulog ng maayos kaya maaga ako nagising.

Dumiretso ako sa kitchen para magluto ng breakfast namin ni Michael. Parati na lang kasi siya yung nagluluto. Ngayon, ako naman. Kahit bacon, egg and toasted bread ayos na siguro.

After ko magluto, nagtimpla na din ako ng hot coco. Tumingin ako sa orasan bago ako pumunta sa tapat ng kwarto ng Kuya ko.

Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumagot. Siguro tulog pa din 'to. Pinihit ko yung handle at binuksan ng dahan-dahan yung pinto.

"Michael?"

Lumapit ako sa higaan niya at nakita kong ang himbing pa din ng tulog niya.

"Wake up, sleepyhead!" Inalis ko yung kumot na nakapatong sa katawan niya.

"Mmm." Agad naman niya ipinatong yung unan sa ulo niya at dumapa.

"Don't mmm me. Bumangon ka na dyan."

Kinapa-kapa niya yung higaan niya para mahanap yung phone niya. Tiningnan niya kung anong oras na bago siya tumingin sa'kin na naka-kunot ang noo.

"Seriously? 7:30am pa lang." Binalik niya uli yung unan sa ulo niya at tumalikod sa'kin.

May naisip ako na idea para bumangon siya. "Okay, matulog ka dyan. Ayaw pa naman ni Angel na pinagiintay siya ng matagal."

"She's here!?" bumangon agad siya at kumuha agad ng t-shirt bago lumabas ng kwarto.

Hindi ko napigilang tumawa habang papalabas ng kwarto niya. "Epic."

Tumingin siya sa'kin na nakasimangot. "I hate you."

"Aww, I love you too." Hindi ko pa din mapigilang tumawa dahil sa naging reaksyon niya kanina. "Kumain ka na nga lang."

Dumiretso ako sa kwarto ko para makapag-ayos na. Naligo't nagbihis na din ako at kinuha na yung bag ko sa may gilid ng study table.

"Michael, tapos ka na ba?"

"Kanina pa."

"Tara na."

Lumabas na kami ng unit at naglakad na papunta sa may elevator. May sumabay din sa'min na babae. Tiningnan ko siya simula ulo hanggang paa.

"What are you looking at?" Nakita ko yung pagkakainis sa tono ng kanyang pagkakasalita.

"Nothing."

Inirapan niya lang ako at tumingin sa cellphone niya. Tiningnan ko uli siya. Maganda yung bagsak ng buhok niya na hanggang beywang, yung ilong niya matangos, makinis yung kulay ng kanyang balat, yung hubog ng katawan niya parang yung mga nagmo-model sa vogue. Okay, para akong manyak kung makatingin sa'kanya. I'm not a lesbi. Yung totoo, ngayon lang ako nakakita ng babae na kasing ganda nitong nasa harapan ko.

Bumalik lang ako sa ulirat nung siniko ako ni Michael.

"What?"

"Tomboy."

"Oh come on! I'm not a tomboy." Mahina kong pagkakasabi sa last word.

Tumawa lang si Michael at nakita kong tumingin din siya sa babae at umiling.

Buti na lang bumukas na yung elevator para makalabas na kami ni Michael. Lumingon kami at nakita kong ngumiti lang sa'kin yung babae.

"Hi, Mich." Sabi nung babae bago magsara yung pinto ng elev.

"Huh?"

"Magkakilala pala kayo, Mich?"

Umiling ako at naglakad papunta sa labas. That's weird. I mean, hindi ko siya kilala tapos siya kilala niya 'ko?

A Little AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon