II

60 5 0
                                    

Mich's POV

Ring! Ring!

What the hell? Sino naman ba tumatawag sa'kin ng gantong oras? Argh!

"Hello!?"

"Gagalit? Dalian mo na. Kanina pa kami nag-iintay!" sabi ni Bri. What the hell? Ano'ng dalian ko na?

"Istorbo ka ng tulog!" ano'ng oras na nga ba? Tiningnan ko muna yung orasan sa phone ko. What the.. 6:37am pa lang!?

"Oy dalian mo!! Nakakainip dito sa labas ng bahay niyo!" narinig ko na sinabi ni El.

"6:35am or 6:40am shit pa lang!! Ba't ang aga niyo!?" irita ko'ng sinabi kung sino man ang kausap ko ngayon.

"Eh ano ngayon?" sabi ni El.

"Dalian mo na, Mich! Hahatakin kita diyan sa higaan mo!" singit naman ni Loisa.

"Eto na, eto na! Babangon na 'ko mga bitch." binaba ko na yung tawag para ma-itext sila na pumasok muna sila ng bahay para mag-breakfast.

Halos kalahating oras ako'ng nag-shower at nagbihis. Inayos ko na mga dadalin ko sa pupuntahan namin na pinlano nina Bri at Rj. After ko ayusin ang dapat ayusin, bumaba na 'ko para puntahan sila.

"Goodmorning!" sigaw ko. Grabe, bitch face mode mga tingin nila sa'kin.

"Ang tagal mo!" iritang sinabi sa'kin ni Loisa. Oo, alam ko naman na mabagal talaga ako'ng kumilos.

Ngitian ko lang si Loisa na I'm-sorry-smile look. Kumuha ako ng isang garlic bread at tsaka ko silang inaya nang lumabas.

"Ate Joy, paki-sabi na lang kay Mama na umalis na kami."

"Mag-ingat kayo ha? Mag-text kayo kung nakarating na kayo sa pupuntahn niyo, okay?" paalala samin ng Ate ko. Tumungo lang ako at nakipagbeso na sakanya tsaka kami umalis.

"Saan ba talaga tayo pupunta, Bri?" tanong ni Shai.

"Basta. Siguradong magugustuhan niyo yung pupuntahan natin." sagot niya at nginitian niya kami.

"Hmm. Nasa bucket list ba natin 'to?" tanong ni Meng na tumongo naman si Bri at tumingin kay Rj at ngumiti silang pareho.

"Baka naman ipapatay mo kami ah? Mahal pa namin buhay namin." sabi ni Shai na inirapan lang ni Bri at tsaka tumawa.

"Baliw! Mahal ko kayo kaya hindi ko magagawa yun." kontra ni Bri.

"Eh ako, mahal mo ba 'ko?" biglang tanong ni Rj na hindi mawala ang tingin niya kay Bri at sa pagmamaneho.

"Tinatanong pa ba yan?" sabay halik ni Bri sa pisngi ni Rj. Kinantyawan namin silang dalawa na ikinatuwa ni Rj pero ikinainis naman ni Bri.

"Kire oh!" sabay namin sinabi ni Shai. Natawa naman kaming lahat dahil sa pangangamatis ng mukha ni Bri.

"Okay lang yan. Nakakakilig naman kayo eh." sabi ni Angel.

"Yiiiee! Kiligs naman." sabi naman ni El.

"Eh kasi naman eh! Can you not!?" sagot samin ni Bri na hindi pa din nawawala yung pamumula ng mukha niya. Tawa lang kami ng tawa sakanya.

"Sus, kunwari ka pa bff." kontra naman ni El. Lahat uli kami nagtawanan kasi ang hot seat namin ngayon si Bri.

Halos kalahati nang oras ng byahe namin napunta sa asaran at kwentuhan pero napagod na din kami kaya halos lahat samin natulog na lang uli, at isa ako sa mga natulog na yun. Mehehe.

Nagising na lang ako ng niyugyog ako ni Meng. Grabe kulang pa din tulog ko. Hindi namin alam kung saan kami dinala nina Rj at Bri pero nung nakita namin ang paligid namin, halos lahat samin napa-wow. Saan kayang parte to ng Pilinas?

A Little AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon