XII (Part 2)

21 2 0
                                    

Claud's POV

"Pre!" pabulong kong sigaw kay Rj.

Lumabas siya sa tinataguan niya sa isang halaman. "Bakit pre?"

"Naka-set na ba yung camera?"

"Oo, kanina pa. Relax ka nga lang." tumawa ng mahina si Arjay bumalik na uli sa pinagtataguan niya.

Nasa comfort room pa din si Mich. Sana sakto lang yung dress na pinagawa ko sa stylist ni Mommy.

Kumuha ako ng isang basong tubig para uminom. Kanina pa kasi ako kinakabahan. Grabe epekto sa'kin ni Mich. Dati akala ko isa siya sa mga babaeng easy to get at madaling paglaruan pero mali pala ako. Habang tumatagal yung pagsasama namin, nahuhulog ako sakanya. Hindi ko din alam kung pano at bakit pero ang alam ko lang, ito sinasabi ng puso ko. Gusto ko si Mich.

"Claud?"

Napatingin ako sa naglalakad na si Mich papunta sa'kin. Tiningnan ko siya simula ulo hanggang paa at ibinalik ang atensyon sa mukha niya. Grabe ang ganda niya.

"You look beautiful, Mich."

Napangiti ako sa naging reaksyon niya dahil namumula na naman ang pisngi niya.

"Ano na naman bang trip 'to Claud?"

Tiningnan ko yung kamay niya na pinaglalaruan yung gilid na tela ng suot niya.

"Hindi 'to trip, date natin 'to." hinatak ko yung kamay niya at dinala siya sa tapat ng upuan. Hinila ko papalayo yung upuan sa lamesa para makaupo siya.

Hindi siya umupo. Binigyan niya lamang ako ng nagtatakang mga tingin.

"Are you going to sit or not?"

Hindi na siya sumagot kaya umupo na lang siya. Nakita kong tiningnan niya ko pati na rin ang suot ko na tux at ngumiti. "Well, you're not bad."

"So, may plus pogi points na ba 'ko sa'yo?"

Pumunta na 'ko sa upuan ko para makaupo at pinagmasdan mabuti ang mukha ni Mich. Ngumingisi ngisi siya at tumingin sa'kin. Napalunok ako dahil nailang ako sa pagkakatingin niya sa'kin.

"Claud, may nakain ka ba na kakaiba ngayon at naisipan mo 'tong-" huminto siya at tinaas yung dalawa niyang kamay para gawin ang quotation mark sa mga daliri niya sa susunod niyang sasabihin. "Date."

Napatigil ako sa pag-kain ko ng aking pagkain para makasagot. "Ayaw mo ba?"

"You want to hear the truth?"

Binaba ko yung utensils na hawak ko at tumango sa tanong niya.

"Ayaw ko." matamlay niyang sabi. Ba't naman ayaw niya? Ano bang problema neto ni Mich?

"Huh? Bakit naman?" pagtataka kong tanong sakanya. Hindi niya ba nagustuhan yung setting ng date namin? May nagawa ba kong mali?

"Ba't naman magiging date 'to kung alam naman natin na wala tayong gusto sa isa't isa."

"Pano mo naman nasabi?" ayokong pangunahan ang sarili ko ng inis. Hindi ba niya nahahalata na gusto ko siya?

"Marami ka na kasing nilalarong babae, Claud. Nasa nature mo na nga ata yun. Alam ko naman na trip mo lang 'to kasi ganun naman parati ginagawa mo."

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Hindi ako naiinis kay Mich, naiinis ako sa sarili ko. Kasalanan ko kung bakit ganun yung tingin sa'kanya ni Mich.

Hinawakan ko yung kanan niyang kamay na nakapatong sa table. "Mich, this is not a joke. Hindi kita pinagtitripan."

Tinanggal niya yung kamay niya sa pagkapatong ng kamay ko sakanya.

A Little AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon