X

27 3 0
                                    

Mich's POV

"Napapansin ko kanina ka pa lutang." sabi ni Michael habang papalapit siya sa inuupuan ko.

"H-ha?" napatingin ako sakanya at tinaasan ng kilay.

"Ano'ng ha? Kanina ka pa kaya tulala dyan tapos parang wala ka sa mundo." tiningnan niya ko ng masama at umupo sa tabi ko. "Ano ba iniisip mo?"

Nakatingin lang ako sakanya at umiwas ako bigla ng tingin. Ano naman isasagot ko sakanya? Na nawiwindang ako sa sinabi sa'kin ni Claud, na gusto ko na si Claud? Alam ko na hindi 'to titigil sa kakatanong sa'kin pag nalaman niya yung tungkol kay Claud kasi lalake ang pag-uusapan namin.

"W-wala. Hindi lang ako makapaniwala na andito ka na." palusot kong sabi. Awkward na smile lang binigay ko sakanya pero alam ko na alam niya na may ibang gumu-gulo sa isip ko.

"Alam mo, hindi bagay sa'yo magsinungaling." tiningnan niya ko ng masama at mas lumalim yung mga tingin niya sa'kin at agad naman ako napalunok.

"Oo na, sasabihin ko na sa'yo."

Bumuntong hininga muna ako ng malalim at agad ikinwento sakanya lahat-lahat. Sa bawat detalye na sinasabi ko, halatang todo kinig siya. Kulang na lang idikit niya tenga niya sa bibig ko sa todo kinig. After ko ikinwento sakanya tungkol kay Claud, nakita ko lang yung pag-pikit ng mata niya na para bang iniisip niya lahat ng mga sinabi ko sakanya.

"Claud Villanueva is my friend." bigla niyang sinabi sa'kin.

Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya. Paano sila naging mag-kaibigan nung lalake na yun?

"Nagkakilala kami sa isang event sa Canada." singit niya.

"Matagal na kayo magkaibigan ni Claud?"

Tumungo lang siya sa tinanong ko at hindi na nagsalita. Ba't di ko alam yung tungkol dito? Baliw ka ba, Mich? Ba't kailangan mo malaman lahat tungkol sa kakambal mo?

"Ang alam ko may girlfriend yan nung nagkakilala kami." sabi niya habang nakatingin lang ako sa tv.

"Sino?"

"Jane or Jamie ata? Basta J start ng name." nagkibikit balikat lang siya sa sinabi niya.

Hindi na ko uli nagtanong dahil baka may malaman pa ako na ikaiinis or ikaka.. selos ko? Argh! Basta ayoko na magtanong.

"Matutulog muna ako ha? Wala pa kasi akong tulog ngayon."

Agad naman ako tumayo at umunat at naglakad na papunta sa kwarto pero bago ako makapasok sa kwarto, tinawag ako ni Michael para itanong kung gusto ko sumama sakanya mamaya sa mall para kumain.

"Sige! Gisingin mo na lang ako mamaya!" sagot ko sakanya nung papasok na 'ko sa kwarto.

Binagsak ko sarili ko sa kama at agad naman ipinatong yung unan sa mukha ko.

Miss na kita..

Ano ba, Mich!? Para kang ewan. Kanina mo pa iniisip yung sinabi sa'yo ni Claud. Wala ka ng pake dun. Wag mo na siya isipin. Alam mo naman na malandi yung lalake na yun kaya baka isa sa mga galawan niya yung mga yan.

Beep.. Beep..

Agad ko naman kinuha yung phone ko na nakapatong sa table sa gilid ng kama. Tinanggal ko yung unan sa mukha ko para makita kung sino nagtext sa'kin.

1 message from Claud
1 message from Richard

Ano ba naman 'tong buhay ko. Kung kelan hindi mo na siya iisipin, bigla bigla naman 'to nagpaparamdam sa'yo. Sadyang mapag-laro nga talaga ang tadhana.

A Little AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon