III (Part 1)

53 4 0
                                    

Mich's POV

"Mich!" tawag ni Meng sa labas ng kwarto ko.

3pm na ng hapon pero hindi pa din ako lumalabas sa kwarto ko after ko'ng sagutin yung mokong na lalake na yun kanina. Kasalanan naman niya eh. Ayy, kasalanan ko pala pero may mali din siya.

"Oh?" sagot ko kay Meng.

"Lumabas ka na dyan! Aalis tayo!" sigaw ni Meng sa labas ng kwarto ko. San naman kami pupunta? Ayokong lumabas kasi makikita ko na naman yung lalake na yun.

"Okay. Wait!" bumangon na ako na nagbihis nang sweat pants and big size na shirt. Kinuha ko yung phone ko sa higaan ko at binuksan yung pinto para makasabay si Meng palabas pero nagtaka ako sa suot niya kasi naka-tank top siya at mukhang magsi-swimming.

"No, no, no. Hindi ka matutulog sa beach. Magpalit ka." tinulak ako ni Meng papasok ng kwarto pero pinigilan ko siya.

"Hindi naman ako magsi-swimming eh. Kaya okay na 'to." kontra ko. Ayaw ko magswimming. Hindi naman sa ayaw ko, wala ako sa mood ngayon.

"Sure?" tanong niya pero sa mga tingin niya sa'kin may halong meaning na 'alam ko'ng maiinggit ka'

"Yup, I'm sure." ngitian ko si Meng para maniwala siya sa'kin at hindi niya ko mapipilit.

Iniintay na kami'ng dalawa ni Meng sa living room. Nung makadating kami sa living room, tiningnan ako ng mga tropa ko na what-are-you-wearing look. Tingnan ba naman ako simula ulo hanggang paa.

"Where are we going?" tinanong ko sila pero nagkibikit balikat lang sina Shai, Angel, El at Loisa sa'kin.

"What?" naiirita ko'ng tanong kasi hanggang ngayon tinitingnan pa rin nila yung suot ko. "May dumi ba sa damit ko na hindi ko nakikita?" tinaas ko yung isang kilay ko sakanila.

"Wala naman. Ba't di ka nakapang-swimming?" tanong ni El.

"Oo nga. Bakit, bebs?" singit naman ni Shai.

"Wala ako sa mood magswimming eh." ngitian ko na lang sila na alam nilang may something fishy sa'kin ngayon.

"Bakit? Dahil ba andun si sparks?" sabi ni Angel na may halong nakakalokong tingin sa'kin.

"Sparks ka dyan. Hindi no! Wala lang talaga ako sa mood ngayon." sumbat ko.

"Okay, sabi mo eh." ngitian lang ako ni Angel na akala mo may plano siya'ng masama sa'kin. Sana naman hindi ako asarin neto. Lord, help me! *cries*

"Tara na mga bebs." sabi ni Bri. Sa sobrang excited niya'ng magswimming, hinatak na niya si Rj palabas ng penthouse.

Pumunta na kami sa "favorite spot" nila Bri at ng boyfriend niya dito sa beach. Nung makarating na kami, agad naman nila inilapag yung gamit nila at naghubad na sila ng pantaas nila at dumiretso na sa tubig.

"Enjoy guys!" sigaw ko. Naghanap ako ng perfect spot na pwede'ng upuan. Nung makahanap ako, pinagpatuloy ko na yung binabasa ko sa phone ko.

"Oh, hello there." tumingala ako para makita ko kung sino yung nang-istorbo sa pagbabasa ko. "Mich, right?" tanong niya pero tiningnan ko lang siya at nginitian ng saglit at binalik ko na yung atensyon ko sa phone ko.

Narinig ko siya'ng tumawa ng mahina. Tiningnan ko uli siya pero umi-iling iling siya na para ba'ng may ginawa ako'ng kalokohan sakanya.

"Ngayon alam ko na kung bakit naiirita sa'yo si Claud." tinaasa ko yung kilay ko sa sinabi niya.

"Sino si Claud?" tanong ko.

"Villanueva." sabi niya. Claud Villanueva? Inisip ko kung sino yun kasi familiar yung last name niya. Ah!! Si Mokong!

A Little AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon