VI

36 3 2
                                    

Mich's POV

"Mich!"

"Oyyy!"

Sino ba yung tawag ng tawag sa'kin. Dinilat ko yung isa kong mata pero napapikit ako dahil sa sikat ng araw.

"Ang aga pa para gumi--" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko bigla na lang may humatak sa'kin patayo sa higaan ko.

"Late na tayo!" nanlaki mata ko sa sinabi sa'kin ni Shai. Fuck!? Seryoso ba si Shai?

"Bilisan mo na Mich!" sigaw sa'kin ni El nung palabas na siya sa bathroom.

Agad-agad naman ako'ng pumasok ng bathroom para maligo nang mabilisan. Oo, mabilisan talaga. Ligong kalabaw, ligong aso, ligong ewan ko. Basta mabilisan.

Pagkatapos ko maligo, nagmadali rin rin ako sa pagbihis. Para nga'ng may competition na nangyayari dahil sa sobrang bilis ko maligo at magbihis.

"Tapos ka na ba Mich?" tanong ni Angel habang nagmamadaling magsuklay ng buhok.

"Oo, eto na. Aayusin ko muna yung mga dadalhin ko." sabi ko.

Sa sobrang kamamadali namin, nagkakabungguan na kami dahil sa pabalik-balik namin na lakad para kumuha ng gamit tapos ilalagay sa bag.

"Let's go na mga bebs!" sabi ni Shai na dire-diretso nang lumabas sa kwarto namin.

Kinuha na namin mga gamit namin at sumunod na kay Shai. Tumakbo na kami papuntang school kasi 6 mins na lang malalate na kami.

"Putangina! Late na tayo!" sigaw ni Shai habang tumatakbo kami papuntang school.

Pinagtitinginan kami ng mga ibang estudyante na para ba'ng nagtataka sila pero yung iba, alam na nila kung bakit kami natakbo. Siguro ginawa na din nila 'to.

Nakapasok na kami sa school at tumakbo na naman kami para makarating sa room ng saktong 8am kasi 7:59am na. What the fuck diba!?

"Yes!" sigaw ni Shai na halatang hingal na hingal.

Sayang lang yung niligo namin kasi sa itsura namin ngayon, parang dinaig pa namin ang bagong ligo dahil sa sobrang pawis namin. Tagatak nga oh. Bruh.

"Sayang effort niyo sa pagtakbo." sabi ng isa naming kaklase.

"Huh?" hingal na hingal na tanong ni Angel. Napataas na lang ako ng kilay dahil sa sinabi ng kaklase namin.

"Ano'ng sayang?" tanong ni El na hingal na hingal din.

"Absent prof natin." sabi niya. Lahat ng mga tao sa loob ng room nagtawanan dahil siguro sa reaksyon namin.

What the fuck!? Tumakbo-takbo pa kami na kulang na lang madapa kami sa kalsada para lang makapasok kami ng saktong 8am!

"Weh? Tangina naman! Nagmadali pa tayo!" ginulo ko buhok ko sa sobrang inis. Imbis na natutulog pa ko ngayon. Argh!

"Hindi niyo ba nabasa yung post ni Ma'am sa group?" nagtatakang tanong niya.

"Nag-post ba siya?" tanong ni El na halatang nabe-beast mode na.

"Oo." sabi naman nung mayor ng class namin.

Sa sobrang inis ko, lumabas na lang ako ng room. Sumunod naman sila Shai, Angel at El. Pumunta muna kami sa study area para magpahinga.

"Hindi ka ba nag-open kagabi?" iritang tanong sa'kin ni El.

"Hindi. Sabay-sabay kaya tayong natulog kagabi. Malay ko ba na magpo-post pala si Ma'am nun sa group." sabi ko at umiwas na lang ng tingin sakanya. Awkward silence.

A Little AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon