Nips Ruiner

168 17 8
                                    

"Shit malelate na ko" pabulong kong sabi habang hinahanap yung ribbon at I.D. ko. Napatingin ako sa orasan


"7:40 na takteng yan!" Dalawang kutsara na lang ang nilamon ko


"Ma alish na ko!" Humalik agad ako sa pisngi niya at tumakbo palabas


"Ingat nak!" Kumuha na rin ako ng medyas


"Bye bb naruto" nanggigigil na haplos ko sa ulo ng aso namin


Habang tumatakbo sinusuot ko yung medyas ko. Wow naman magkaiba pa kulay netong medyas ko -_-


"Si Yoongi ba yon?!" Turo ko sa kanto


"Shet siya nga!" Runner na ko sa mga oras na to. Siya na lang ang pag-asa ko ngayon


"HOY YOONGI!!! PAANGKAS AKO!!" paalis na siya takte. Nakabisekleta kasi kaya makikiangkas ako hehe fc


(Author: fc? Feeling chix? HAHAHAHA)


Feeling close kasi yon otor. Pauso ka na naman eh. -_-


"HOOOOOY!!!" Puta lumingon na sakin sa wakas!


"BLEEEH!! HAHHAHAHA" binilisan niya yung pagpedal.


"HOY DALI NA YOO---- ARAY TAENANG YAN SAKIT! WOOH!" Galing ko umacting potek. Kunwari natapilok ako hehehehehe


Taena napalingon si blonde hehehe epektib to. Nagbisekleta siya papunta sakin


"SAKIT NATAPILOK AKO YOONGI HUHUHUHU"


"Tatanga tanga kasi. Dali umangkas ka na." Pogi pa rin kahit nakapoker face na


"Hehehe salamat!!" Patalon akong tumayo at sumakay sa likod ng bisekleta niya. Napataas ang kilay niya nang bumaling siya sakin.


"Akala ko ba natapilok ka?"


"Ha? Ah oo! Huhuhu ang sakit!" pacute effect pa Hannah sige tangina ka mandiri ka sa sarili mo nyeta. Taena first time to ah


Iniabot niya sakin yung bike helmet.


"Anong gagawin ko dito?"


"Lagay mo sa tuhod mo."


"Corny." Napairap ako at isinuot na yung binigay niya sakin.


"HOY TEKA LANG NAMAN!" nabigla kasi ako nung bigla syang umandar ng mabilis buti na lang napahawak ako sa bewang nya


"Wag kang humawak sakin!" Sigaw nya


"Ang arte mo naman!" Bigla nyang tinigil yung bisekleta niya. Kumekembot siya kasi inaalis niya yung kamay ko. Mukha syang tanga kumembot! HAHAHAHAHAHAHAHA EKSDI


"Pag di mo inalis di na kita iaangkas!"


Agad akong bumitaw sa kanya.


"Psh. Kakairita naman tong lalaking to akala mo mamamatay kapag hinawakan ko"


"Anong binubulong bulong mo dyan? Ha?"


"Wala po." Humawak na lang ako sa likod ng inuupuan ko



SCHOOL



"Salamat ulit! Hehe" pupunta muna ko saglit sa canteen hehehe. Ang bilis na ng lakad ko kaso bigla niyang hinila yung bag ko paatras


"Ano ba! H-Hoy! San mo ba ko dadalhin ha?!"


Hinarap niya ko sa kanya at walang ganang sinabi


"Mamaya pa yung break diba? Pumasok na tayo."


"PINANGANAK KA BANG MANGIALAM NG BUHAY NG IBANG TAO?!" inis na titig ko sa kanya. Panira bwiset! Hinila niya na lang ako


Ano ba yan eh! Gusto ko ng nips eh! Napanguso na lang ako habang iniimagine yung nips. Hayy


Umupo ako sa upuan ko ng nakabusangot at napansin kong inaasar si Yoongi ng barkada niya. Yung anim na kasama niyang magpakilala kahapon ayon yun.


"Gskabsvau Anna" pangisi ngising sabi ni Hoseok at agad nagbago ang mood ni Yoongi. Ano yon? Anna lang naintindihan ko eh. Aish bahala na


At eto na may papalapit sakin, yung mga itlog. -_-


"Ayieee. Bat sabay kayong pumasok? Hihi"


"Oo nga. Hihihi"


"Kayo na ba?"


Jusko ano bang klaseng pag-iisip ang meron sila at naisip nila na kami nung ugok na yon?! Hayy


"Aish! Mamaya nyo na ko kausapin hashtag parang awa" tumungo na lang ako sa upuan ko at inangat din yung ulo ko.


"Kung hindi niya ko hinila hila kanina edi sana kumakain na ko ng nips ngayon? Hindi niya ba nararamdaman ang sobrang pagkecrave ko sa nips? Grabe siya!!" Inis kong bulong


"Hindi ko nararamdaman eh. Ako ba ikaw? Psh" katabi ko na ang nips ruiner -_-


"Hindi ko alam kung bat ang corny ng mga pinagsasabi ng taong to."


Pagtapos ng klase. Dumiretso agad kami sa arcade ng mga itlog. Ikalawang linggo pa lang naman ng klase kay mageenjoy muna kami hehehehe.

















Ano kayang magaganap sa arcade? :D Comment your answers mga bh3! Wag din kalimutang magvote. :D -H

Yoongi's Yaya DubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon