HANNAH'S POV
Masakit man sa parte ko pero kailangan ko nang gawin ang nararapat.
Gustong gusto ko mang tanghaling magising at magcomputer lang magdamag ngayong araw pero kailangan ko ng bumangon at maligo para pumunta sa school. Ang aga nga ng call time eh, 9am. Susko asa namang may magsipuntahan sa school ng 9am, nalilimutan na ata ng nagorganize nito na pilipino kami. BWAHAHAHAHAHAHA
Simpleng t shirt at shorts lang ang suot ko, aba mainit! Ang ano niyo eh noh?! /insert lola ni dora's voice/
(Author: WALA KANG BRA'T PANTY?! O____O ABA'T MATAGAL PA ANG HONEYMOON NIYO NI YOONGI OY!!)
Isang fuck este fact muna tayo kay otor. Ang kanyang isip ay punong puno ng mga berdeng halaman.
Husko naghihintay pa lang ako ng jeep neto ha! Humahagulhol na yung kili kili ko. Buti na lang eveready ako (battery ang pegsxcz)
SHING!!
"Hehe" sabay labas sa armas ko. Aaahh!!! Ang sarap bh3! Paypay pa more aketch tudey.
Nang makarating na ko dumiretso muna ko sa rooftop ng school. Bakit don ang padpad ko imbis na sa stage? Papatahanin ko muna yung kili kili ko, leeg, noo at likod ko sa pag hagulgol. Pwede pala sa theater tong parte ng katawan ko? Galing umiyak eh.
Sabi ko sa inyo eveready ako lagi eh pero nalimutan ko naman ang pinakakailangan ng kili kili ko. TISSUE BH3 TISSUE!!!!
"BADTRIP NAMAN DIS! Kayo muna mga tropang papel ang gagawin kong tissue ha?"
Nilagyan ko muna iyong likod at ang harapan ko ng papel. Konting punas lang sa leeg at noo. Sa kili kili naman hehehe.
Matapos kong magpatahan dumiretso na ko stage. Buti na lang talaga lahat ng mga kailangan sa event na to galing sa school. Hindi katulad sa iba na kailangan pang magsiambag ng mga estudyante para lang sa mga kailangan ng event.
Pagdating ko sa stage madami ng nakakalat na mga designs. Mukhang kakarating pa lang nung mga namili ng mga designs. Iyong perang ginamit pamili galing yan sa school. La eh, rits kid sila.
Saktong pagdating nila ate Peach, Namjoon at Jin sinabi na nila iyong planong designs sa stage. Meron din pala kaming mga backgrounds na gagawin para naman sa mga magpeperform like kanila Jungkook at JM dance studio daw ang background nila.
Sila Hoseok at Max naman background nila eh may mga taong kakalabas lang ng mall, more like mall yung background kasi magmumukhang nagpeperform lang sila for fun.
Coffee cafe naman kanila Taehyung at Miami, so far ito yung medyo mahihirapan kaming gawin.
Sila Jimin at Gab naman may hagdan sa kaliwa samantalang sa kanan nila merong window na ang makikita mo sa labas parang seaside.
Una muna naming ginawa yung design sa stage. Infairness lahat kami dito may ginaga-- joke lang pala. Ganda kasi ng tulog nung ugok don oh. Sino pa ba?
"Malas! Walang walis tambo di- aha! Buhok ko na lang!" nangingiti na ko sa naisip ko BWAHAHAHAHAHA
"Hmmmm" kinamot niya yung ilong niya. Yung buhok ko kasi iyong pinangkikiliti ko kaya medyo malapit ako sa mukha ni gilagid. Aba! Swerte niya kaya! Dyosa ang malapit sa mukha niya!
"Ugh" nagsasalubong na iyong kilay ni gilagid habang iyong tenga naman niya iyong kiniliti ko. TAENA BAT ANG CUTE?! (Author: cute pala ha?) Ha? May sinabi ba kong ang cute niya? Ha ha wala ah.
"Bakit ba hindi ka pa magis- ARAY!"
"OUCH!"
"BAKIT KA KASI TUMAYO?! HA?!" sigaw ko sa kanya habang nakaupo pa rin at himas himas iyong noo ko.
"IT'S ANNOYING! HEY! STAND!" lumapit siya sa akin at itinayo ako. Agaran kong binawi iyong braso ko sa kanya.
"Tss. You look ugly pft" aba semi beastmode na ako ah!
"Eh ano ka pa?! Mukha ka ngang pagong eh!" sabay flip hair oha!
"OHHHH" nakita kong sigaw ni Namjoon habang naggugupit ng kung ano. Nilingon ko si gilagid at nakabusangot na siya.
"BLEEEEH!" sabay belat ko sa kanya iyong with matching labas dila sabay may dalawang kamay sa ulo.
"Yoongi dito ka na lang, tulungan mo na lang ako kesa makipagaway ka dyan kay future wifey mo." napangising lumingon sakin si Jin at napaWTF na lang ako sa kanya. Duh!! Asa naman kadiri!
AFTER 2 HOURS
"Burger muna unahin natin." nasa likod ko siya, sumusunod sakin. Head turner si gilagid ha? Makatingin naman tong mga babaeng to, parang ginagahasa na siya. Tsk
"Let's buy the softdrinks first."
"Hindi pwede yon! Mawawala na lamig non kapag yon ang inuna natin. Kaya dito na tayo sa burger." nilingon ko na siya at hinila. Inorder namin iyong tama lang para sa amin na mga nagdedesign don sa school.
Dumiretso na rin kami ng convenient store para bumili ng mga softdrinks.
"Lakarin na lang natin, sayang lang iyong pera eh malapit lang naman tayo." sabi ko sa kanya.
"Tss. Bahala ka, sasakay ako." hayaan na natin si koya blonde dahil rits kid. Basta ako maglalakad ako.
Hindi ko na siya nilingon. Bahala siyang sumakay. Teka nga.
"Bakit nasa akin lahat to?" papalit palit na tingin ko sa mga burger at mga softdrinks. Kaya pala ang bigat eh! Nung nilingon ko ang likod ko di ko na siya makita kung saan.
"Psh bahala na nga."
/not so madaming minutes leyta/
Yehes! Malapit na meee!!!! Oo! Ako na! Ako ang may dala ng lahat! Badtrip kasi iyong blonde na yon. Inaayos ko iyong dala ko dahil nahihirapan na na--
Nanigas at nanlaki ang mga mata ko.
Ano kayang nangyari kay Hannah? VOTE and COMMENT tayo~~~ HAPPY SWEET 19TH BIRTHDAY ULIT BABY MAKNAE JEON JEONGGUK!! Belated hehe. ♡ -H

BINABASA MO ANG
Yoongi's Yaya Dub
FanfictionMasayahin. Kalog. Sabog. Moody nga lang minsan. Eh paano kung nakilala niya ang isang gatas na lalaki. Pinagpala sa gilagid. Walang kwenta kausap. Nakakaurat. Corny. Mababadtrip ka talaga kapag nakasama mo siya. Pogi kaso kapag iniinis ka nagiging p...