GAB'S POV
"Hindi man lang kasi ako sinabahan agad nung nasa school pa ko eh! Badtrip talaga yung pandak na yon." hindi tuloy maayos yung paglilinis ko sa kama ko.
"Eh pano nga pala ako masasabihan eh hindi niya alam number ko. Hay!! Ang tanga mo talaga gabi!" kanina ko lang nakita yung message niya i mean messages niya. Ang ingay ingay nung phone ko yun pala tinadtad na ko ng pandak na yon.
Eto yung mga messages niya kagabi. Hindi ko nakita kasi hindi naman ako nagfacebook.
"Baby tomorrow we will have our practice ha? 11 am sa school. Ingat ka :*"
At eto naman iyong nambulabog na siya sa beauty sleep ko. Psh
"Baby goodmorning!!"
"Baby u wake up?"
"Baby later we will practice hehe."
"Baby ha don't forget mamayang 11am hehe."
"Baby 10:30am na why aren't u replying yet?"
"Baby!!!!!"
Me: TANGINA MO! AGA AGA NANGBUBULABOG KA NG TULOG! MAG-ISA KA MAGPRACTICE! ./.
"Love you more hehe. "
(Author: Eh bakit mo inaayos yang kama mo?) Kasi kawawa naman si pandak. (Author: Ayie concern HAHAHAHAHAH) Psh. Asa.
"Hindi! May mali pa rin siya!"
"Edi nagmamadali ako ngayon?! Hay bwiset!!"
Nagshower na ko at nagbihis na. Nagpaalam na rin ako kay papa na may lakad ako. Palabas na ko ng subdivision namin ng may sumisitsit sakin. Nilingon ko pero wala naman.
"Hmmm hmm hmm-"
"PST!" nilibot ko yung tingin ko at napansin kong nakatago si Jimin pero hindi ko pinahalata na nakita ko siya. Hah! Bahala siya akala niya papansinin ko siya aba hoy! May atraso pa siya sakin dahil binulabog niya ko. Psh. Bakit nandito nga pala yan?!
"Pst!"
"Hay!! Ang init naman!"
"Pst!!"
"Sige. Mangsitsit ka lang ng mangsitsit natutuwa ako." bulong kong sabi habang pinikit yung mata ko.
"Psssst!!!!" habang naghihintay ako ng masasakyang jeep hindi niya pa rin ako tinitigilan kakasitsit niya. Nang may nakita na ko ng sasakyang jeep papunta ng school pinara ko kaagad nagulat ako ng sumabay siya sa pagsakay ko.
"Baby I'm sorry. Please give me another chance." tumabi siya kung saan ako naupo. Aba! Galing umacting huh parang totoo.
"Tss acting pa! Tigilan mo ko ah bismowd ako!" inirapan ko lang siya. At aba hindi tumigil ang loko. Badtrip tumingin na samin yung dalawang matanda.
"Baby please." nagulat ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinalikan habang may tumutulong luha sa mata niya. Nanlaki mata ko. Putek na yan!
"H-hoy a-anong gi-ginagawa mo ha?! Umayos ka nga!!"
"Iha mukhang sincere naman iyang boyfriend mo, aba'y bigyan mo na lang siya ng pangalawang pagkakataon." sabi nung matandang babae.
"H-ha?! Hindi ko po ito boyfriend umaacting lang po siya!" winawagayway ko iyong kamay ko para bitawan niya na.
"Nakakaawa naman, talagang dito pa siya humingi ng tawad sa iyo oh. Aba! Ganyan din ang asawa ko noon! Pakipot parang ikaw. Hay." biglang sabi naman nung matandang lalaki. Aba ako pakipot?! Aba talaga aba!
Nang natanaw ko na iyong school pinara ko na iyong jeep. Pagbaba naming dalawa bigla siyang nagsalita.
"Hey Gab! Qualified na ba iyong acting skills ko kanina?" umaalon iyong kilay niya na nagtanong sa akin.
"Oo. Galing nga eh! Nasira mo rin iyong araw ko." sarcastic na ngiti ko sa kanya.
"Sorry na Gab. I have a crush kasi sa president noong theater club hehe. So I'm still thinking if I'll join."
"Asa ka namang makakapasok ka pft-" sabi ko sa kanya. Taas kasi ng pangarap eh. Natahimik tuloy siya.
Tinuturuan niya na ko sa sasayawin namin. Since nagdadance class ako nadalian lang ako sa tinuro niyang steps. Although karamihan doon eh puro skinship ang naganap hindi naman kami naawkward sa isa't isa.
"Hey. Are you close to Cherry?" Si Cherry siya yung type ni Jimin. Iyong tinutukoy niya kanina na president ng theater club.
"Hindi eh." kumain muna kami bago ulit magpractice. Aba kanina pa to Cherry ng Cherry ah! Psh
"Do you think she will like me?" ngising tanong niya. Iyong tipong hindi na kita iyong mga mata niya. Pft ang cute niya ha infairness.
"Aba malay ko! Hahaha! Tsaka bakit ba ako tinatanong mo kay Cherry eh hindi nga kami close non?" sabay kagat ko ulit don sa burger ko. Ngumiti na lang siya sakin.
Nagpaalam muna ko sa kanya na magwawashroom lang ako pero iyong totoo tatakutin ko talaga siya BWAHAHAHAHAHAH!!
"Pst..." napalingon agad siya sa kung saan. Shet namutla agad siya.
"Uy..." may napansin akong wig sa may upuan dito sa labas. Taray mukhang alam ng school na to natatakutin ko si pandak. Inayos ko iyong wig para magmukha akong sadako.
"Awooo~" bigla akong lumabas sa pintuan ng studio.
"H-HEY! STOP!! HEEEY!!" pangalaban niya lang sakin iyong earphones niya pft. Palapit na ko sa kanya. BWAHAHAHAHAHA! Sisiguraduhin kong bibilis pa lalo yang puso mo sa takot BWAHAHA--
"Gab?" nadapa ako dahil hindi ko napansin iyong electric wire sa dinadaanan ko. Nadapa ako sa kanya..... sa kanya, kay Jimin. Shit.
Comment and vote tayo mga bh3. ^^ pati mga silent readers dyan. Kung meron HAHAHAHAHA -H

BINABASA MO ANG
Yoongi's Yaya Dub
FanfictionMasayahin. Kalog. Sabog. Moody nga lang minsan. Eh paano kung nakilala niya ang isang gatas na lalaki. Pinagpala sa gilagid. Walang kwenta kausap. Nakakaurat. Corny. Mababadtrip ka talaga kapag nakasama mo siya. Pogi kaso kapag iniinis ka nagiging p...