guise pls read my note at the end :) im gonna miss this :----(
---
Kaycee's POV
Enjoy it, while you can.
Ha?
Just do. You're gonna miss it.
**
Nagising ako, agaw hininga. Para akong pagod na pagod at galing sa pagtakbo.
"One! Two!""Doc, she's awake."
"Nice work, team."
May naaninag akong mga taong nakaputi na may kinamayan, at lumabas na ng pintuan.
"Kaycee? Kaycee, anak! Thank you lord!" sabi ng isang boses.
Matapos ang ilang pagpikit, luminaw na ang aking paningin at nakita ko na ang paligid ko at ang mga tao.
Nakahiga ako sa isang puting kwarto, may mga painting na nakasabit sa pader, at ang liwanag ng araw, pilit na sumisilip sa kurtina.
Si mama, naka upo sa tabi ko, medyo mapula ang mga mata, halatang galing lang sa pag-iyak. Sumunod kong nakita sila papa, at ang dalawa kong kapatid.
"A-anong nangyari? Nasa ospital ba ako? Bakit?""Galing ka sa isang car accident, anak. You were in comatose for 2 months. Sabi ng doctor, stable ka naman daw at kaya mo naman daw ang sunod sunod na information." Sabi ni papa. Parang nawala yung mga puting buhok niya. Siguro nagpakulay lang.
"Oh. May nasabi po ba silang dahilan kung bakit?" tanong ko.
Biglang may pumasok sa kwarto, at nakita ko si JV. Nagkatinginan sila nila mommy, at lumabas ang mga magulang ko. Narinig kong sinabi ni mommy na 'ikaw na bahala kay kaycee' or something.
"Lasing na lasing ka kasi nun, at tumawag ka sakin. Kinuwento mo sakin na kinuha mo lang yung kotseng unang una mong nakita pagkalabas mo ng bar, swerte mo nga na nandun yung susi eh. Tapos nagdrive ka na." sabi niya, habang pinapagpagan yung silya na balak niyang upuan.
"Nagawa ko yun?" tanong ko.
"Ay hindi. Nagjojoke lang ako." sagot niya sabay tawa sa sarili niyang joke.
"Pero gulong-gulo ako nun nung sabi ka nang sabi ng 'Alex' tapos 'virginity' tapos namatay ako. I was like, bro. Buhay pa ako noh." dagdag ni JV.
"Ano? Si Alex, hindi mo siya kilala? As in Alex Watson? Yung transferee sa Rushmore? Yung bestfriend ni Lea?"
"Chill lang. For as long as i know, walang bagong transferee sa school na ganun yung pangalan. Tsaka wala akong kilalang Lea. Ang Lea lang na kilala ko, si Lea Salonga." pagpapaliwanag niya, na naging dahilan para lalo akong maguluhan.
"Ha? Teka nga, Anong araw ngayon?" tanong ko.
"April 13, 2012. Gusto mo kalendaryo nalang iregalo ko sayo for your recovery celebration--"
Hindi ko na naintindihan pa ang sinabi ni Jv, dahil paulit-ulit ko
lang naririnig yung mga bulong kanina.Enjoy it while you can.
Just do it. You're gonna miss it.
"JV, i have to tell you something."
"Ano yun?" tumingin siya sa akin, yung buhok niya halos takpan na yung mga mata niya. Pero ramdam ko ang tingin niya.
Okay Kaycee, kaya mo yan.
"JV, I-i think-- i mean, i feel-- wait mali.""ayUSIN MO NAMAN OH NA CAR ACCIDENT KA LANG GANYAN KA NA MAGSALITA?? ANONG NANGYARI SAYO KAYCEE? ALAM--"
Umayos ako ng upo sa kama, sabay halik kay JV. (A/N: SHET GUYS KINIKILIG AKO HELP)
Nung una akala ko tatanggi siya, but to my surprise, he kissed me back. I felt sparks during the kiss, and his lips were soft, and a bit wet. But it felt perfect.
Then i broke the kiss, trying to catch my breath. He held my cheeks as he pressed his forehead against mine.
His warm breath felt wonderful on my skin, (a/n: chill guys wag kayong masyadong pervish) like the smoke of a hot coffee on a rainy day.
Tumawa siya, sabay pikit ng mata. He had those long eyelashes, perfectly adoring his dark brown eyes. Medyo pink-ish yung cheeks niya, tapos ang chubby pa.
"So," panimula niya. "Ano nga ulit yung sasabihin mo?"
"I love you." hininaan ko yung boses ko.
"Ano kamo?" tanong niya, in a tone.
"I love youuu." nilakasan ko ng konti yung boses ko.
"Sorry ah, medyo mahina kasi pandinig ko eh. Pwede paki lakasan?" sabi niya, habang nakalagay yung kamay niya sa gilid ng tenga niya.
"Teka," inayos ko yung damit ko pati narin yung buhok ko. Sinuot ko yung tsinelas na nasa gilid ng kama ko, na may tatak pa ng pangalan ng ospital.
Kinuha ko yung dextrose na nakatayo sa gilid, at sinumulan kong ipagulong palabas. "Oh, saan ka pupunta? Baka mahilo ka tapos tumama ulo mo sa semento tapos magka amnesia ka tapos--"
"Chill lang bro. Basta sundan mo lang ako at hindi ako madadapa." Sumunod naman siya, naka hawak sa braso ko for support.
Naglakad lang kami nang naglakad hanggang makadating kami sa gitna ng hospital, kung saan nagpapaaraw ang mga may sakit, kung saan tumatambay ang mga nurses pag breaktime na.
"Ayan, sakto. Hintayin mo ko dito. Babalik ako." sabi ko.
"San ka pupunta? Samahan nalang kita." tumingin ako sa kanya, "Kaya ko na to. Diyan ka lang." I assured him with a smile.
Hiniram ko yung megaphone sa janitor, tapos tumakbo ako hila-hila yung dextrose pabalik kay JV.
In-on ko yung megaphone, tapos soundcheck.
"Um, hello? Hello sa inyong lahat! Good morning!" sabi ko sa megaphone, na nag echo sa buong lugar.
"Anong ginagawa mo? Tama na yan! Balik na tayooo!" pilit ni JV, habang sinubukan niya akong hilahin pabalik.
"Gusto ko lang sana iparinig sa inyong lahat,"
"I love you JV Braña!!" sigaw ko sa megaphone.
Bigla akong niyakap ni JV, muntik nang malaglag yung megaphone. Nagpalakpakan ang lahat, yung mga matatanda na naka upo sa bench, yung mga nurse na may sandwich pa sa bibig, at yung mga taong napadaan.
"Bubuhatin sana kita, kaso baka matumba yung dextrose mo at magdugo pa yung kamay mo." sabi ni JV, habang mahigpit na nakayakap sakin.
**
A/N:
pasensya na kung medyo english yung sa may kissing scene, medyo malalim kasi tsaka inappropriate kung tatagalugin ko siya. so ayun guys, epilogue na next. medyo naguluhan ba kayo? refresh niyo library niyo kasi may isang buong page ako para sa mga clarifications.
LABYU ALL,
MABUHAY ANG MGA PATAY!!(sa mga may iphone diyan, bilin niyo naman yung drag me down sa itunes mwa mwa tsup tsup)
![](https://img.wattpad.com/cover/18862068-288-k164150.jpg)