CHAPTER 2: The Plane Crashed

3.8K 76 0
                                    

KUNG BAWAL MAN
by:Yeshameen Brejente

Nasaktan ang daliri ni Armando dahil sa pagdulas ng baso sa kanyang kamay. Bigla siyang kinabahan. At agad na pumasok sa utak niya ang anak na si Lyndon! Patakbo niyang tinungo ang kanyang silid. Saka hinanap sa drawer ng side table ang kanyang reading glass at dinampot ang mobile niya saka tinawagan si Lyndon, but his number is not in use. Isa lang ang alam niyang numero ng anak!

"Oh God, hoping that my son's alright." Piping dasal niya. At nagmadaling nagbihis saka tinawagan ang Lim's Aviation na pag-aari niya.
"Ihanda niyo ang aking private plane. Lilipad ako tungong Maynila ngayon,mismo!" aniya saka tinungo ang sariling garahe at inilabas ang kanyang Nissan Frontier. He drove fast as he could to their Aviation company.

Biglaan ang pagsama ng panahon sa isang tagong Isla ng Pilipinas! Ang Isla na kapag mataas ang tubig ay naglalaho. Ang Islang di na yata napabilang sa 7,100 kapuluan ng Pilipinas!

Tumama ang malakas na tornado sa France Airlines na sinakyan nina Samantha at Lyndon. Kaya nagkapira-piraso ang eroplano bago ito sumadsad! Maraming buhay ang nasawi! May ilang sugatang pasahero.

Si Samantha ay nahulog sa dagat magkawak ang kamay nila ni Lyndon kanina pero nagkahiwalay din sila matapos ang trahedyang yaon. Nabagok ang ulo ni Samantha sa malaking bato sa dagat malapit lamang sa dalampasigan ng tagong Isla! kaya nawalan siya agad ng malay-tao. Duguan ang ulo at di sinasadya'y nakunan pala itong di man lang niya nalamang siya'y nagdadalantao pala.

Naglalayag namang mag-isa sa karagatan si Francine. Kapag kasi off-work siya ay nag-a-unwind siya. May nakita siyang tao na palutang-lutang sa dagat dahil sa lumobong leather jacket na sobrang kapal. Pinabilisan pa ni Francine sa operator ng yate niya ang makina para matignan kung buhay o patay na ba ang taong yon.

Nang sila'y makalapit, si Francine mismo ang tumalon sa dagat matapos magsuot ng life jacket at nagdala ng isa pa. Agad niyang pinulsuhan ang lalaki. At napag-alaman niyang buhay pa ito. May sugat din sa ulo na hanggang ngayon ay duguan.

"My God! he's severely bleeding! "aniya at nagpatulong sa staff ng yacht niyang iahon sa dagat ang binata.She's a Surgeon. Isang napakagaling na doktorang malungkot ang nakaraan, mabuti na lang at may dala siyang first-aid kit. Kaya medyo na-control niya ang bleeding.

Mabilis na niyang iniutos sa kanyang operator na bilisan ang makina upang madala sa bahay niya ang lalaking nakita sa dagat. Nakatira siya sa isang karatig-Isla na pribado at pag-aari niya. She was the only person that's living there. Kasama ng pamilya ng mga katulong niya at mga operator na pinapasahuran niya.
Dahil marami ng dugo ang nawawala sa binata ay agad na niya itong sinabitan ng dextrose. Tinahi niya ang sugat sa ulo niyon matapos turukan ng anesthesia. Ang ikinakatakot niya ay di magising sa loob ng 24 oras ang lalaki at magka-comatose ito.

"Ma'am, di ho ba natin siya dadalhin sa Manila? Baka hinahanap na yan ng pamilya niya." Sabi ng assistant niya.

"No, he's unable to travel yet. Lalo pa kapag unconscious siya. In time ay makakauwi din siya. Kapag tuluyan na siyang gumaling." Sabi ni Francine. Ang totoo ay takot siyang muli ay manggamot. Dalubhasa man siya sa mga operasyon ay di pa rin niya makalimutan ang nakaraan. Ang pagka-palya ng operasyon niya sa batang babae na inoperahan niya sa puso. Imbes na madugtungan ang buhay ng bata ay namatay pala ito. Dahil sa reklamo ng pamilya ng bata ay tinanggalan na siya ng lisensya ng Gobyerno. Dinusta siya, tingin ng bawat tao sa kanya ay kriminal! But this man needs her. And she cannot refuse it lalo pa at walang malay ang tao.


Napag-alaman ni Armando na umalis tungo sanang France si Lyndon. At napag-alaman niyang naaksidente ang eroplanong sinakyan nito sa Weird Island kung tawagin.

When he's in that island ay sumagi sa utak niya ang islang ito na napapanaginipan niya sa magkasunod na tatlong gabi.

"Lyndon!" sigaw niya. "Wag naman sanang ito ang ibig sabihin ng bawat panaginip ko."
Sa dalawandaang passengers ay 180 ang natagpuan ng search and rescue teams. Higit sa kalahati ang patay at ang ilan ay sugatan at naputulan pa ng kamay man o paa pa.

May nakikitang tao si Armando sa dalampasigang malayo sa kinalagyan ng mga patay! He thought it was Lyndon, but it wasn't!
Isang babae, napakagandang babae na sa panaginip ay kanya nang nakita.

"I can't be wrong.." He says, agad niyang pinulsuhan ang dalaga at nalaman niyang buhay pa ito. Her severe bleeding is still going. Maging ang ulo nito. Sobrang duguan si Samantha kaya walang sabi-sabing binuhat na ito ni Armando at ibinilin na muna ang pagpapahanap sa anak na si Lyndon sa mga teams.

Dahil ilang oras na ang bleeding ni Samantha ay ni-refer na ng mga doctor ang blood transmission sa dalaga. Labis ang pag-aalala ni Armando sa babaeng iniligtas at sa anak na hanggang ngayon ay di pa natatagpuan..

Di na natagpuan ang anim na pasaherong nawawala kabilang na si Lyndon, ayon sa mga eksperto maaaring natangay sila ng dagat sa malalim na bahagi at pinag-pyestahan na ng mga pating lalo pa at may natagpuang mga piraso ng tuhod, ulo, kamay maging braso pa.
Labis na nasaktan si Armando, inisip niyang napakabata pa ni Lyndon upang pumanaw.
In-coma si Samantha, kaya pansamantalang umuwi sa Cebu si Armando. Nakita niya ang mga gamit ng anak sa silid nito at labis siyang nagluksa.

Three days later, nagsagawa ng prayer mass sa weird Island si Armando at mga relihiyosong tao na kinuha niya. Nag-alay sila ng mga puting lobo at mga bulaklak na kulay puti saka ipinaanod na sa karagatan.

"Goodbye son, ikaw na ang bahala sa iyong mama dyan. Mahal na mahal ko kayo.." Armando says in tears as he threw the petals of the white roses in the ocean as his private plane went up high!

Dahil walang pamilya ang nagke-claim kay Samantha ay minabuti ni Armando na alagaan na muna ito sa ospital. Ganon din si Francine kay Lyndon.

Months turned to a year and Samantha has slowly opened her eyes. As the beam of light of the sunset touched her face, she's concious now and sees Armando lying on his arms beside the bed. Walang maalala si Samantha. Para bang nabura lahat ng alaala ng nakaraan sa utak niya. Medyo sumakit ang ulo niya.

"Ang s-sakit!" sigaw ni Samantha. Kaya nagising si Armando. Nagulat.

"Gising ka na.." he says smilingly and pressed the emergency button to call a doctor. Ilang minuto ding sinuri ng mga doctor ang dalaga at napag-alaman ng mga itong may amnesia si Samantha, nalungkot naman si Armando.
Dahil okay na ang mga tests results ni Samantha ay minabuti ni Armando na iuwi sa bagong bahay sa Manila si Samantha.
And as the days passed by, he cannot evade himself from falling inlove with her.

Pinipilit man ni Samantha ang makaalala ay wala pa rin siyang maalala. Hanggang sa masanay na siya sa presenya ni Armando na laging nariyan upang mapasaya siya at mapangiti.

"Samantha!" tawag ni Armando pagkarating mula sa opisina. May dala itong bulaklak..

"Armando, ang tagal mo."she says and puts her arms around his nape. "Ipinagluto kita.."

"Marunong ka?"

"Buhatin mo muna ako sa kusina at nang matikman mo.." malambing niyang sabi. Kaya binuhat siya ni Armando at sa kauna-unahang pagkakataon ay naglapat ang mga labi nila.


TBC

KUNG BAWAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon