LABIS na nasasaktan si Armando sa narinig mula mismo kay Samantha! Pagkatapos niyang mapaluha ay naupo siyang muli sa kama. He needs to pretend that everything is still okay. Hangga't mahal niya ang asawa. Hangga't ayaw niyang masira ang reputasyon ng kanyang pamilya.Matapos dumuwal si Samantha ay bigla siyang nakaramdam ng ginhawa. Ewan kung may lakas pa ba siya upang harapin ang asawa gayong may posibilidad pang baka si Lyndon ang ama. Kung sana ay lumayo na lamang siya, kung sana ay ginawa na lang niya 'yon baka marahil ay di na ganito ka-kumplikado ang lahat. Pero kinapalan na lamang niya ang mukha na makalabas ng bathroom at para bang ninanais na ng puso niya ang kausapin si Armando ukol dito. Pero kakayanin ba niyang kausapin pa ang asawang ni ayaw nang tumingin sa kanya?
"Buntis ka?" Mahinahong tanong ni Armando sa kanya. Seryoso ang mukha ngunit maaliwalas ang hitsura.
"Oo." Tugon niyang nanginginig dahil baka narinig siya nito.
"Samantha, asawa mo 'ko. Pinilit kong ibigay saiyo ang pagmamahal sa paraan na wala kang masabi sa akin. Sobrang mahal kita at di ko kakayaning mawala ka sa akin. Wala ka bang balak na kausapin ako? Kausapin ako kung bakit ka nagkaganyan?" sabi ni Armando at humarap kay Samantha na nakatayo sa harapan niya. Bigla namang napaluha si Samantha, she's guilty!
"Armando, mapapatawad mo pa kaya ako? Matatanggap mo pa kaya ako nang buong buo?" She asks him and she just wanted to hug him.Labis ang pagluha niya."Nagkasala ako saiyo, lalo na sa Diyos. Pero minsan lang.Di ko alam kung tama bang hanggang ngayon ay naririto pa ako sa poder mo gayong ang kapal ng mukha ko.Minahal naman kita, eh.Minahal kita, kahit di na ako buo nang makuha mo, pero noong inibig na kita, buo ang loob ko at minahal kita nang buong puso. Masaya naman tayo dati di ba? Nirespeto kita, pinagsilbihan at bawat pangangailangan mo'y kusa kong ibinibigay. And you deserved that. Pero ang anak mong si Lyndon? Siya ang lalaking una kong minahal, una kong pinagkalooban ng pagkababae ko. Si Lyndon na noon pa ay pinapangarap ko, mula nang makabalik siya, otomatikong nagbalik ang pagmamahal ko sa kanya. Mahal man kita, Armando, pero di ko na kayang itanggi na mas mahal ko pa rin siya kesa saiyo. Siya pa rin ang nagmamay-ari ng malaking bahagi nito.." turo ni Samantha sa kaliwang bahagi ng dibdib niya.
"Samantha, alam mo ba na ikaw ang naging dahilan kung bakit naiibsan ang pangungulila ko kay Lyndon nang mawala siya? Mula noon, itinanim ko sa utak ko na dapat ingatan kita. Because you were all that I have when I was feeling down. Sobrang laki ng tiwala ko saiyo, Sam. Kasing-laki ng pagmamahal ko para saiyo. And I've started having doubts on you when I felt you were getting aloof with me when Lyndon was back." Luhaan na ring sabi ni Armando. "Kung paano niyo tignan ni Lyndon ang isa't-isa ay naninibugho ako, dahil yung tinginang 'yon ay atin lamang habang wala siya. Masakit Samantha, sobrang sakit.You are my wife, but you're not mine. Pinilit ko na muna ang lumayo, para makahinga ka. Para di ka masaktan. Para makapag-desisyon ka nang tama. Kahit batid ko na ang ginawa kong iyon ay ang posibleng pag-aayos ninyo ng aking anak. And I was right, Sam. Pagkaalis ko pa lang ay may namagitan na sa inyo ni Lyndon! At ang pinakamasakit ay ang gawin niyo 'yon sa mismong silid ko. Malaki ang bahay, pero dito ka pinuntahan ni Lyndon.Well, I cannot blame you both dahil nagmahal lamang kayo. Pero may karapatan naman akong masaktan di ba? Bilang asawa at bilang ama and after all those thing, kung tatanungin mo 'ko kung mapapatawad pa ba kita? Isa lamang ang magiging sagot ko.Oo dahil mahal kita! Kahit di ka pa humingi ng tawad, kahit paulit-ulit mo man akong saktan mapapatawad pa rin kita at paulit-ulit kong tatanggapin."
Lalong na-guilty si Samantha, lalo siyang napahagulgol ng iyak.
"Armando, bakit napakabuti mo? Pwede mo akong saktan ng physical, pwede mo akong kaladkarin palabas ng pamamahay mo at itapon sa putikan! Nahihirapan na ako Armando at diring-diri sa sarili ko! Nandidiri ako sa sarili ko dahil tinuhog ko kayong mag-ama.Wala na akong dangal, wala na akong moralidad. Nahihiya na ako saiyo maging sa sarili ko. Saktan mo ako, please saktan mo na lang ako!" ani Samantha at dinala sa pisngi niya ang mga palad ng asawa. Ngunit imbes na saktan siya ng asawa ay niyakap na lamang siya nito.
BINABASA MO ANG
KUNG BAWAL MAN
RomanceSa wakas ba ay sino nga kaya ang pipiliin ni Samantha? Ang landas ba na magtutuwid sa bawat pagkakamali? O ang pag-ibig na maaari ding sumira sa kanyang moralidad? Pag-ibig pa rin nga kaya ang mas matimbang kahit umabot na ito sa "KUNG BAWAL MAN?"