CHAPTER 4: SAMANTHA SAYS I DO

3.1K 71 0
                                    

KUNG BAWAL MAN
by:Yeshameen Brejente



Pinilit ni Samantha ang makabangon ngunit dahil sa sakit ng ulo ay namimilipit pa siya. Di niya kayang ibangon ang sarili. Ang mga kaganapan sa nagdaang trahedya ang sumasagi sa utak niya na siyang dahilan kung bakit landas nila ni Lyndon ay nagkalayo.

"Lyndon, di ko alam kung nakaligtas ka rin ba. Pero sana, oo." Aniya sa sarili saka binuhay niya ang gripo ng tubig upang buong katawan niya'y mabasa at nang mahimasmasan na rin. And she feels relieved as the water touches her skin.

Nag-aalala naman ang mga wedding planner dahil natagalan si Samantha.

"Ano nga kaya ang nangyari sa kanya? It was about half an hour that she left to the bathroom. " Sabi ni Miss Obregon.

"Oo nga ano?"sabi ng isa pa.

"Let's just wait for an hour. Kapag di pa siya nakalabas, baka sumama ang pakiramdam. Tawagan na lang natin si Mr.Lim." Sabi ni Miss Obregon. Saka tumango ang team niya.

Di alam ni Samantha kung bakit narito siya sa bahay na di siya pamilyar. Kung ano man ang dahilan at naririto siya ay saka na lamang niya aalamin. Mahalagang mapuntahan niya ang ahensya ng France Airlines at nang malaman kung tulad ba niya'y nakaligtas ba si Lyndon.
Pumasok siya sa silid kung saan siya dinala ng mga paa, ang silid nila ni Armando and find for a dress to wear. And she found a floral mini dress,napasulyap siya sa side table naroon ang larawan nila ni Armando.

"Sino ka? Bakit mukhang may relasyon tayo sa larawang ito?"she asks herself, saka itinuloy na ang pagbibihis. Saka na nga lang niya iyon aalamin. Kailangan niyang unahin si Lyndon. Napasulyap siya sa Kalendaryo. It was late December of 2012 that accident happened. At ngayon nga'y early January 2014 na. She can't believe that it was more than a year ago, since the last time she saw him, naghanap siya ng pera sa drawer ng side table and finds some money there. Kinuha niya 'yon upang makapa-masahe tungo sa ahensya.

"Ma'am Samantha, saan ho kayo pupunta?" tanong ng driver ng mga Lim.

"Magta-taxi ho ako. Dito lang kayo." Aniya saka nagmadaling pumara ng taxi, kaya agad naman siyang nakasakay.

Labis na nag-aalala si Armando nang di mahagilap ng mata si Samantha sa buong bahay.

"Nasaan ang Ma'am niyo?" tanong niyang pawisan.

"Sir, nagmamadali hong umalis kanina." Tugon ni Mang Delfin, ang family driver nila.

"Bakit niyo hinayaang umalis mag-isa?"Nag-aalalang sabi ni Armando na naisuklay ang mga daliri sa sariling buhok."You should have not let her.."

"Pasensya na ho kayo, Sir.." nakayukong sabi ni Mang Delfin. Palakad-lakad siya at nababalisa. Nagtungo siya sa sariling silid saka nag-isip. "Hindi kaya nanumbalik na ang kanyang alaala? Oh my God, Samantha! Paano na ako? Ang ating kasal?"

Labis na umiiyak si Samantha matapos mapag-alamang di na natagpuan ng mga search and rescue teams ang katawan ni Lyndon. Na napabilang na siya sa pasaherong nasawi ngunit di na natagpuan pa. Walang kasing sakit para kay Samantha ang bagay na 'yon.
Parang kahapon lamang kasi na magkasama pa sila ni Lyndon, parang kahapon lang ay puno sila ng bawat pangarap para sa kanilang kinabukasan. Bakit ngayon, paggising niya'y di na pala lahat magkakaroon ng katuparan ang pangarap ng isang magandang kahapon na kasama si Lyndon? She cries hard, pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang puso. Napakasakit. Isang hawak ng kamay sa balikat niya ang nagpalingon sa dalaga.

Isang babaeng pulis na may hawak na isang bote ng mineral water.

"Ma'am you need this." Sabi nito sa kanya."I'm sorry."

KUNG BAWAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon