"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na may masamang nangyari sa kanya!"saad ni Armando.
"Sana ay di na lang ako nagising! Sana ay di na lang bumalik, Papa! Di ko na sana kayo nagulo ni Samantha. Di na sana siya malalagay sa sitwasyong kailangang timbangin tayo. Patawarin niyo sana ako." Luhaang sabi ni Lyndon. "Please do find her, Pa."
"Mag-uusap tayo, anak. Kailangang mahanap ko na muna si Samantha at masigurong ligtas sila ng kanyang dinadala." Sabi ni Armando saka nagmadali nang bumaba ng bahay.
Naiwang napahinuhod sa baitang ng hagdan si Lyndon. Napaluha't napahagulgol. Napakasakit man ang sakripisyong kanyang gagawin ay nakahanda na siyang gawin iyon sa ngalan ng pag-ibig!"Mag-asawa na sila ni Papa at di ko sila pwedeng paghiwalayin. All these years, ako na lang lagi ang inuuna ni Papa.It's about time for me to return the favor. Pakakawalan na kita, Sam alang-alang sa iyong kalayaan at katiwasayan." Sabi ni Lyndon sa sarili. At pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya, but he has to let go!
Muntikan nang maaksidente si Samantha, nandidilim kasi ang paningin niya dahil na rin sa bawat luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. Mabuti at nakapag-brake ang ten-wheelers truck. Pawisan siya nang makapag-brake din.
"Thank's God that we're safe! I've almost regret about my decision. Salamat ho sa pagliligtas sa amin ng aking anak." She said after signing a cross. Ipinagdaop pa niya ang mga palad na animo'y nananalangin pa. Napaluha na naman siya. But this time, she has to be strong. Not for her but for the fetus inside her womb.
Nang masiguro niyang maayos na siya ay nagpatuloy na siyang magmaneho na puno nang pag-iingat.Armando searched for her everywhere. Pero di na niya natagpuan pa si Samantha. Di na niya makita ang asawa. Di na niya alam kung ano ang ibig sabihin ng pagkakabasag by portrait ni Samantha kanina. Ibinuhos niya sa paghahanap sa asawa ang halos ay beinte kwatrong oras niya. Ni hindi na niya nagawang kumain. Ang pagluha niya'y di na rin mapigilan.
"Samantha, nasaan ka na ba?" aniya habang isinandal ang ulo sa manibela ng kotse niya. "I hope you'll take care of yourself and the baby. Mahal na mahal kita. Di mo lang alam na nadudurog na ang aking puso dahil di na ako sanay kung wala ka." Sabi pa niya.
Dumiretso na si Samantha sa rest house na pag-aari ng mga abuelo niyang ipinamana sa kanya bago lumisan sa mundo, isang malaking white house na sobrang tahimik ng kapaligiran. Malayo na iyon sa Maynila. Napagod tuloy siya dahil sa long distance driving. Di naman napapabayaan ang buong kabahayan dahil may mga tenants na nakatira sa likod bahay. Ang mga obrerong malaki ang utang na loob kina Señor Heredias, na abuelo ni Samantha. Naupo siya sa mahabang sofa at di pa rin niya maiwasang isipin ang mag-amang iniwanan na niya.
"Baby, dahil inilayo kita sa sinumang ama mo sa kanila di ibig sabihin no'n ay ipagkakait ko na saiyo ang pagkakataon na magkaroon ka ng isang amang tatawagin. Di magagawa ni Mommy ang bagay na 'yon saiyo. Babalik tayo balang araw sa bahay na 'yon. Alam kong isa sa kanila ay hihintayin ka." Sabi ni Samantha habang himas ang kanyang tiyan. Nahiga si Samantha sa sofa, kinuha niya sa bulsa niya ang kanyang mobile na naka-flight mode kaya walang connection. Ayaw niyang I-activate 'yon upang di siya ma-trace ng mag-ama. Ang tanging ginawa niya ay i-on ang kanyang music player at makinig na lamang sa musikang alam niya ay magpapa-relax sa kanya. And the music has started to play.
Nag-iisa at hindi mapakali
Ibang-iba pala pag wala ka sa aking tabi
Pinipilit kong limutin ka
Ngunit di magawa
Sa bawat kong galaw
Ay laging hanap ka
Nag-iisa ang isang kagaya mo
Na nagmahal at nagtiyaga
Sa isang katulad ko
Bakit nga ba di ko man lang nabigyan ng halaga
Nagsisisi ngayong wala ka na
Refrain:
Kulang ako kung wala ka
Di ako mabubuo kung di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
Di ko kayang mag-isa
Puso ay pagbigyan
Kulang ako, kulang ako kung wala ka
Nag-iisa sa bawat sandali
At tila ba biglang nahati ang aking daigdig
Umaasa na sana'y maging tayong dalawa muli
Sa puso ko'y wala kang kapalit
Kulang ako, kulang ako kung wala ka..Biglang na-touched sa liriko ng kanta si Samantha, oo sa mag-ama ay may namumukod tanging di niya makakalimutan at kahit ngayong nasa malayo na siya ay nahihirapan na siyang mabuhay nang wala 'ito. Ang taong mahal siya, ang taong bawat segundo ng buhay niyang maligaya siya. Ang taong malaki ang pagtanggap sa kanya. Ang taong di alam kung paano isumbat ang bawat pagkakamali niya. Si Armando! Si Armando na siyang taong wala ka nang hahanapin pa.
"Armando, mag-iingat ka sana palagi habang wala ako. Habang magkalayo tayo. Habang di ko pa natatagpuan ang sarili ko. Alam ko na marami akong pagkukulang saiyo at sa hinaharap ay inihahanda ko na ang sarili ko anuman ang magiging kapalaran ko." Aniya sa sariling napapaluha. Hindi naging madali para kay Samantha ang pagbubuntis. Nahihirapan siya sa paglilihi. Naroon ang mga oras na ang tanging hanap niya ay ang haplos ng isang lalaking magpaparamdam sa kanyang mahalaga siya ang taong aakay sa kanya hangga't manganak siya. But nobody was there. Malaki na ang kanyang tiyan, lalo pa siyang pumayat dahil sa matinding pangungulila ngunit pinipilit niyang maging matatag alang-alang sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan.
Ilang buwan ang nagdaan, halos ay natatagpuan na ni Lyndon ang kapayapaan. Kapayapaan sa piling ng babaeng nagligtas ng buhay niya. Ang babaeng nag-alaga sa kanya gayong wala namang kasiguraduhang magigising pa siya noon, Si Francine.
"Naaalala mo pa rin ba siya? Nangungulila ka pa rin ba sa kanya?"tanong ni Francine habang naglalakad sila sa dalampasigan ng Isla.
"Panatag akong di papabayaan ni Samantha ang kanyang sarili, Francine.Panatag ako na ligtas sila ng sanggol na ipinagbubuntis niya. She's a wonderful woman that deserves happiness. Kung nasaan man si Samantha ngayon, I'm sure panatag na rin ang loob niya. At ako, tanggap ko nang baka marahil hanggang doon na lamang kami." Tugon ni Lyndon.
"True love can wait.." anang dalaga.
"Katulad ba ng paghihintay mo sa akin? Na kahit batid mo na kung gaano ko kamahal si Sam?" Namula ang pisngi ni Francine.
"Gusto kong makilala si Samantha. Gusto ko siyang pasalamatan, dahil sa naging kapalaran niya ay ibinigay ka ng Diyos sa akin." Ani Francine. Kaya mabilis na siyang nilapitan ni Lyndon saka pinatikim ng isang halik na di na si Samantha ang laman ng agam-agam niya, kundi ang dalaga na. Ang dalagang handang nagpagamit sa kanya matulungan lamang siyang mailayo sa obsession at depression, si Francine.
"Malapit mo nang isilang ang ating anak, salamat sa lahat lahat, Francine."Sabi ni Lyndon saka binuhat ang dalaga tungo sa maputing buhangin at hinayaang mabasa ng salpok ng alon ang kanilang mga paa and they kiss each other.
Kaybilis ng panahon, pero ang bawat sugat, maghilom man ay nag-iiwan pa rin ito ng pilat na siyang magpapaalala kung gaano ka naging marupok o matapang sa isang kahapong nagdaan at sa bawat pagkakadapa, mahirap mang bumangon, kung may determinasyon ka ay walang imposible. Alang-alang sa isang taong napakahalaga saiyo.
It was Five years ago! At sa pagbabalik ni Samantha sa Maynila ay napansin niyang marami na ang nagbago. Lalo na ngayong kasama na niya ang napakagandang Anghel na siyang naging lakas niya noong mga panahong nais na niyang bumitiw sa mga pinagdadaanan. Si Anikah Gabrielle. Ang napakaganda niyang anak na pinuno niya ng pagmamahal. Ang tanging pagmamahal na batid niyang kailangan ng sinuman.
Anikah Gabrielle is sleeping at the front seat beside her. And she's driving. Sa kanilang pagbabalik ay may matutuwa. Ngunit inaasahan at ipinagdarasal naman niyang sana ay may taong makatanggap naman ng kasawian.Bago niya nilisan ang tahanan ng mga Lim, ay kumuha na siya ng buhok nina Armando at Lyndon. And that was for a DNA test purpose! Mula nang isilang ni Samantha si Anikah Gabrielle ay ipinakilala na niya sa bata kung sino ang nalaman na niyang ama nit, .sa pamamagitan ng larawan alam na ng anak niya ang amang tatawagin!
Samantha blow the horn of her car at agad naman siyang pinagbuksan ng mga guard upang makapasok ang sasakyan niya.
Nasa hardin noon ang mag-amang Armando at Lyndon, mukhang masayang nag-uusap. Saktong nagising naman si Anikah Gabrielle. She opens her cute and adorable eyes saka kinuso ng munti niyang kamay and she yawns.
At napasulyap siya sa kinaroroonan ng mag-amang Lyndon at Armando.Naunang bumaba si Samantha na lalo pang gumanda ngayon, just as young, beautiful and as sexy as she was before!
"Samantha.." magkapanabay na wika ng mag-ama. And she gave them a smile. Saka ipinagbukas ng pinto ng kotse ang kanyang prinsesita saka inalalayang makababa!
Patakbong lumapit si Anikah Gabrielle sa mag-ama at tumingin sa isa sa mga ito, sabay sambit."Papa!" masayang sabi ng bata saka yumakap sa paa ng ama niya.
BINABASA MO ANG
KUNG BAWAL MAN
RomanceSa wakas ba ay sino nga kaya ang pipiliin ni Samantha? Ang landas ba na magtutuwid sa bawat pagkakamali? O ang pag-ibig na maaari ding sumira sa kanyang moralidad? Pag-ibig pa rin nga kaya ang mas matimbang kahit umabot na ito sa "KUNG BAWAL MAN?"