CHAPTER 6: "BAWAL NA PAG-IBIG"

3.7K 67 0
                                    

GUSTUHIN mang buhatin ni Lyndon si Samantha ay inirespeto na muna niya ang pagiging mag-asawa ng mga ito. Oo sobrang sakit sa part niya ang mga bagay na natuklasan. Ngayon pa lang ay ramdam na niya ang matinding galit para sa ama at matinding hinanakit para sa babaeng pinakamamahal. Marami siyang nais itanong at gustong isumbat at di siya aalis sa bahay na 'to na di niya naipapadama ang sakit sa dalawang taong napaka-espesyal sa kanya. Ang dugo at ang tubig. Buhat ni Armando tungo sa silid si Samantha. Nang buhatin niya ito ay biglang sumagi sa utak niya na posible nga kayang nagdadalantao na ito?At si Lyndon ay parang tuod na naiwan sa paanan ng pinto na di na yata makahuma nandahil sa pagkabigla. Kasabay nang pagluha, ang pagluhang sinisisi ang trahedyang naglayo sa kanila ni Samantha sa isa't-isa, ang trahedyang naglapit sa Papa niya at ni Samantha. Napaupo sa kinatatayuan si Lyndon. Luhaan pa rin.

"Diyos ko, sana pinatay Niyo na lamang ako. Sana'y di Niyo na ako ginising kung ganito rin lang kasakit ang lahat, napakasakit ho!" he says to himself.


"Samantha sweetheart, kumusta ang iyong pakiramdam?"tanong ni Armando na labis na nag-aalala.

"I need a bed rest.Bigla lamang akong nahilo, pasensya ka na." she answers,trying hard to hold the tears that's threatening to fall.

"Dadalhin kita sa pagamutan. Kailangan mo ng ma-check up ng mga doctor." Sabi ni Armando.

"Di na kailangan, Armando. I'm fine, sige na, puntahan mo na ang anak mo." Sabi niyang nagpipigil talagang mapaluha.

"Sigurado ka ba na ayos ka lang?"

"Trust me, I'm alright. Maliligo na muna ako dahil para akong naaalimpungatan." Aniya, saka tumango si Armando. He's about to kiss her on the lips,ngunit iniiwas naman ni Samantha ang mukha dito kaya sa pisngi siya nito nahagkan. Nagulat si Armando. It was the first time to see her that way, pero tama ang asawa. Kailangan siya ni Lyndon. Pabagsak na isinara ni Samantha ang pinto ng bathroom nang siya'y makapasok at nilakasan ang pagbukas ng shower.Ngayon nga ay bumuhos na ang kanyang mga luha, tagos na sa laman ang kanyang pagsisisi. Mali ba siya at tumigil agad sa paghahanap kay Lyndon? Mali ba siya na di binanggit ang bagay na yun kay Armando?

"Oh Lyndon, patawarin mo 'ko." Sabi niyang para bang mauubusan na ng hininga. "Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko, napakasakit Lyndon."

Nasa sala ang mag-ama, parehong tahimik. Nakikiramdam sa bawat isa.

"I'm glad you're back, son." Sabi ni Armando na siyang bumasag sa katahimikan. Kuyom ang mga palad ni Lyndon. Gusto niyang saktan ang ama. Gusto niya itong kitilin. Ang puso niya ay puno ng galit, he didn't say a thing. Dahil wala siyang nais sabihin. Gusto lamang niyang mawala na si Armando sa landas niya at ni Samantha.

"I've slept for more than a year. For a year and a half to be exact. I was saved by a stranger. And you did nothing to search for me. At ngayon, kasal ka pa sa babaeng kasing edad ko lamang yata. Sana ay namatay na lamang ako.." aniya.

"Lyndon,hinanap kita. Kung saan-saan. Pero di na kita makita.."

"Kung saan-saan? I was just being stocked in an Island, sobrang lapit lang sa weird island, Papa. But you gave up that easily." Ani Lyndon na napaluha saka tumayo na at tumalikod dito saka padabog na pumasok sa silid na ipinalinis niya sa mga kasambahay.

Armando understood his son. Di na nga siguro niya maialis kay Lyndon ang maghinanakit. Pero pipilitin niyang makabawi sa anak kasama ang asawa niya. Parang wala sa sariling napaupo si Lyndon sa sahig at isinandal ang ulo sa gilid ng kama. Ewan ngunit di na niya ma-control ang sariling umiyak nang umiyak.

"Babawiin kita, Samantha. Gagawin ko ang lahat, maging akin ka lang ulit.Walang kay Papa! Akin ka lang.." tiim-bagang sabi niya.

Nakatayo at nakatanaw si Samantha sa bintana.Wala siyang iniisip ngayon kundi ang nakaraan nila ni Lyndon. Gusto niyang pandirihan ang sarili dahil sa mag-ama!
Pumikit si Samantha habang naglalaro sa utak niya na pareho siyang nagamit ng mag-ama! She feels so down and low, gusto niyang magwala! Gusto niyang sumigaw! Pero kailangan bang biglain na din ang inosenteng si Armando?


KUNG BAWAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon