"Just a Dream"

3.1K 79 0
                                    

HINDI naman makahuma si Armando nang siya ang lapitan ni Anikah Gabrielle. Lalo na nang yumakap ito sa kanyang mga paa at si Samantha ay nakangiting pinagmasdan niya ang kanyang mag-ama. Habang si Lyndon ay naging masaya na rin sa resulta.

"Papa.." muling tawag ni Anikah Gabrielle, kaya si Armando ay biglang naging emosyonal.Di niya inaasahang siya ang ama ng bata. Wala nang sabi-sabing binuhat ni Armando ang munting prinsesita na alam niyang muli ay magbubuklod para sa kanila ni Samantha bilang mag-asawa at bilang isang pamilya.

"My baby.." halos ay pabulong na sabi ni Armando habang yapos ang bata sa likuran.

"Papa, my name is Anikah Gabrielle. And mommy has told me many things about you." Sabi nito at pinaghahagkan sa mukha ang ama.

"Talaga?" ani Armando."Did mommy tell you that she loves, Papa?"

"Of course, Papa. Mahal na mahal na mahal ka po niya." Sabi ni Anikah Gabrielle. At iniabot ang mga kamay kay Lyndon. "Kuya.."

Buong puso namang kinuha ni Lyndon si Anikah Gabrielle, mula sa kanyang Papa.

"Ang bigat naman ng baby sister ko!"sabi ni Lyndon at saka dinala tungo sa loob ng bahay ang bata upang magkasarilinan ang mag-asawa.

Si Samantha ay nakasandal sa kotse niya at si Armando ay parang tuod na nakatingin lamang sa kanya.

"Salamat, Samantha.." sabi ni Armando.

"Kumusta ka na, Armando?" tanong ni Samantha sa asawa.

"Sinubukan kong mabuhay nang wala ka. Akala ko kaya ko." Ani Armando saka marahang lumapit sa asawa.He wanted to touch her. He wanted to hug her. But he wanted to respect her.

"Alam kong di mo kailanman kakayaning mabuhay nang wala ako, Armando. Katulad kong di na rin kinakayang mabuhay nang wala ka." Sabi ni Samantha."Ngunit bago ang lahat, gusto kong tanungin ka."

"Anything.."ani Armando na ngayon ay inilapit na ang mukha dito. Nagkatitigan sila, bawat isa ay seryoso. Bawat tingin ay nangungusap.

"Ako pa rin ba ang laman niyan?"sabi ni Samantha at itinuro ang dibdib nito. And so Armando touch her hand and puts it on the left side of his chest.

"Feel the beating of my heart. Kung nakakapagsalita lamang 'yan, isa lamang ang tanging isinisigaw. Tanging ikaw lamang, Samantha." Sabi ni Armando saka niyakap nang mahigpit ang asawa kaytagal din ng panahong pinanabikan.Yumakap na din siya dito, mahigpit rin. Kasabay ng isang pagluha. Pagluha sapagkat di na niya inaasahang mayayakap pa niya ang asawa nang ganito.Na kaya pa pala niyang humarap dito na di na nakayuko ang noo.

"Sobrang mahal kita, Armando.I really miss you, kung noon naguluhan man ako sa pagpili saiyo, atleast ngayon, wala na akong worries at wala nang fears. Kaya ko nang ipagsigawan sa buong mundo na labis kitang mahal. Armando,hayaan mo sana akong punan ang bawat pagkukulang ko saiyo, kasama ng ating anak. Kasama ni Anikah. Bilang isang masayang pamilya. Pamilyang buo na di ako nakaranas nang matagal." Aniya. Tumango naman si Armando.

"Palagi kang malaya na mahalin ako. At kung hindi man, handa pa rin akong tanggapin ang aking kasawian, basta't lumigaya ka lamang." Ani Armando saka tinitigan ang mukha ng asawang walang kupas ang taglay na kagandahan.

"Wala na akong maihihiling pa sa Diyos, Armando.Wala nang kulang. Because you love me more than just what I deserved." Sabi ni Samantha. At ngayon nga'y unti-unti nang naglalapat ang kanilang mga labi. Pumikit si Samantha upang buong pusong tanggapin ang bawat init ng halik ni Armando sa kanya. At si Armando ay di na nakapagpigil na maging emosyonal. Naging matagal ang naging halikan nila at nang matapos ay muli silang nagyakap.


Sa pagpasok nila sa loob ng bahay ay bahagyang nagulat si Samantha nang makitang nakahiga ang ulo ni Lyndon sa kandungan ng isang magandang babae at si Anikah Gabrielle ay may kalaro na isang batang babae rin. Na medyo bata lamang kesa dito. May kung anong kumurot sa puso ni Samantha. Nasanay lamang ba siya na mula noon ay siya lang ang mahal ni Lyndon? O hanggang sa mga panahon kayang ito ay may puwang pa ito sa puso niya?

"Anikah.." tawag ni Samantha sa anak upang maiwasan ang titig ni Francine at Lyndon sa kanya.

"Mommy, can I play some more? I wanna play with her pa po.." tugon ni Anikah Gabrielle matapos lumapit sa kanya. "Papa, can I po?"
Nagkatinginan naman ang mag-asawa, saka parehong tumango. At napabangon naman si Lyndon.

"Sam, I'd like you to meet my wonderful partner and the mother of my child. Si Francine." Sabi ni Lyndon bilang pagpapakilala dito. "Babe, she's Samantha. Papa's wife."

Naunang ngumiti si Samantha. At batid niyang mabait din si Francine. And Lyndon deserved that woman.

"I'm pleased to meet you, Francine.Welcome to the family." Sabi ni Samantha at siya mismo ang lumapit rito. Napangiti naman si Francine.

"You're so beautiful, Sam.Thank you so much, for choosing what was right." Sabi ni Francine. "And that's Suzanne, our child."

"Ang sweet ng mag-tita di ba? Talagang magkadugo sila, madaling nagkapanatagan ng loob." Sabi ni Samantha. At napatango naman si Francine. And Armando smiled just as Lyndon did. Napasulyap si Samantha sa kinaroroonan ni Armando at lihim siyang napangiti.

Habang natutulog si Armando ay di na naiwasang isipin ni Samantha ang tungkol sa nakaraan.

"Paano nga kaya kung di kami nagkahiwalay ni Lyndon? Paano nga kaya kung si Armando ay biyenan ko na lang? May Anikah na nga kaya kami ngayon o may Suzanne?"tanong niya sa utak niya. Himbing na sa pagtulog ang kanyang mag-ama."Tama nga kaya ang pinili kong landas? Ang pagtutuwid sa bawat pagkakamali? Ang layunin bang mabigyan lamang ng buong pamilya si Anikah wag lamang matulad sa akin ang nagtulak sa akin upang piliin ang kapalaran kong ito at isantabi na lamang ang sigaw ng aking damdamin? O mas kailangan at mahal ko nga lang kaya talaga si Armando upang hanggang sa huli ay siya pa rin ang pinili kong balikan?" Dumukwang siya upang hagkan si Anikah Gabrielle sa noo. Saka si Armando. At kinumutan niya ang himbing na niyang mag-ama. Saka siya nahiga na rin, hawak ang kamay ni Armando'ng nakayakap sa anak. And she begins closing her eyes.

Inaayos ni Samantha ang silid na para kay Anikah Gabrielle. Kulay pink ang buong silid, na ang paintings ay Hello Kitty. Paborito kasi 'yon ni Anikah Gabrielle. The bed, the wall, the pillow sets and the comforters were of hello kitty stuffs. Marami ring hello kitty stuffed toy collections ang naka display sa toy storage cabinet ng bata. It was perfect! Someone automatically came in, and locks the door before she knew it. It was Lyndon! He quickly comes beside her and imprisoned her in his arms.

"I've missed you, Sam." Sabi nitong pabulong saka siya mabilis na hinagkan sa punong tenga tungo sa leeg niya.

"Lyndon, please. Gusto ko na ng tahimik na buhay. Masaya na ako sa piling ng iyong Papa. May pamilya ka na rin at sila na lang sana ang pagtuunan mo ng pansin. Sila na lang at kalimutan na natin ang nilalaman ng ating damdamin. Di ko na kayang magkasala pa.." she said closing her eyes.

"Mas masarap pa ring ipagpatuloy ang isa nang bawal na pag-ibig, kahit yung ganito lang. Kahit patago lamang.."

"Kahit masarap pa ang bawal, gusto ko pa ring piliin ang pag-ibig na marangal, dahil doon lang ako liligaya nang tunay. Sana gano'n ka din." Sabi ni Samantha at pinilit niyang manulak.

Pero nang maghubad na sa harapan niya si Lyndon ay bigla siyang napasinghap. Katawan niya ay tila bagang naningasan ng naglalagablab na apoy! Biglang nagising si Samantha sa tawanan ng mag-amang Armando at Anikah Gabrielle.

"Oh, thanks God for it was just a dream!" pawisang sabi ni Samantha at biglang yumakap kay Armando.

KUNG BAWAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon