"A Love Story To Tell"

4.9K 134 16
                                    

LUMIPAS ang isang taon na tumira sa isang bubong ang dating magkasintahang ipinaglayo ng kahapon kasama ng kanilang mga asawang naging kapalaran nila sa kasalukuyan. At sa mahabang panahon na 'yon ay naging tahimik naman na silang pareho. Pinilit nilang maging masaya kahit di man sila ang siyang nagkatuluyan hanggang sa huli.

Naglalaro sina Anikah Gabrielle at Armando at kinukunan naman sila ni Samantha ng video. Parehong masaya ang mag-ama. At sapat na 'yon para kay Samantha.

When Lyndon saw them ay di nito naiwasang isipin na paano nga kaya kung siya ang naging ama ni Anikah Gabrielle? Siya nga kaya ang pipiliin ni Samantha? Sila nga kaya ang magsasama ng ganito kasaya?

"Lyndon, mahal na mahal mo talaga si Sam, 'no?" sabi ni Francine. Bagamat nakangiti ay nasasaktan naman. Gusto na niyang manibugho. Gusto na niyang sumigaw at nang mailabas ang lahat ng hinanakit na meron siya sa puso niya para sa asawa.

"To be honest with you, I've tried hard to forget her. Pero kahit anong gawin ko di na siya maalis dito." Sabi ni Lyndon. "Asawa kita Francine. Ina ka ng anak ko. At si Samantha, ina siya ng kapatid ko at asawa ng Papa. The truth is here in my mind. Pero magsisinungaling ako kapag itinanggi ko na siya pa rin ang laman ng malaking bahagi nito" Ani Lyndon saka itinuro ang dibdib niya.Bigla namang napaluha si Francine.Labis siyang nasasaktan.

"Napakasakit isipin na asawa mo nga ako, pero di pa rin pala kita pag-aari. Mahirap ang maging pangalawa sa puso mo. Lyndon, di naman siguro kasalanang hilingin ko saiyo na hayaan mo na muna sana akong lumayo." Sabi ni Francine at pilit na nagpapakatatag.

"No, Francine.Kailangan kita.I need you and please stay with me till I finally realize that all I love is you." Sumamo ni Lyndon.

"Hayaan mo na muna ako, Lyndon. At kahit aalis man ako nang pansamantala, pangako iiwan ko si Suzanne saiyo. Sa atin, mas malapit ang bata saiyo. Kasi pag nagtagal pa ako dito sa piling mo dalawa lamang ang magiging kapalaran ko. Kundi ako mababaliw sa sementeryo na ako pupulutin." Sabi ni Francine. At sa pagsabi niya ay agad na niyang tinalikuran si Lyndon.

"Armando, pwede bang lumayo na lang na muna tayo ni Anikah?" Sabi ni Samantha nang mapag-isa sila sa silid.

"Sam, maaaring magaling kang magtago ng iyong nadarama. Pero kahit magaling ka, nahahalata pa rin kita. Alam kong di ka na masaya sa piling ko. Alam kong ang anak ko pa rin ang nais mong makasama habambuhay. Siguro nga, ang matinding parusa sa pagsira ko sa bawat katuparan ng inyong mga pangarap ay ito na. Akin nga ang bawat oras mo't katawan, pero ang puso mo, mukhang di na yata magiging akin pa." Sabi ni Armando sa mahinahong boses.

Naumid si Samantha, dahil iyon ang katotohanan. Biglang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

"Armando, pinilit kong piliin ang tama.Pinilit kong suklian ang bawat pagmamahal mo para sa akin.Pinipilit kong mahalin ka sa paraang alam kong deserved mo. At kung nagagawa lamang nating turuan ang pusong pumili ng mamahalin, gusto ko, ikaw 'yon." Sabi ni Samantha. Luhaan. Kaya di na rin nakaya ni Armando ang mapaluha.Inaasahan na niya itong maramdaman, pero kapag pala narinig na niya ito mula sa asawa ay wala nang mas sasakit pa.

"Sam, I don't wanna make it hard for you.Kung si Anikah man ang tanging pumipigil saiyo upang sundin ang sigaw ng puso mo laban sa dikta ng isip mo, wag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa kanya. Malaya ka na. Malaya na kayong magmahalan ni Lyndon sa ikalawang pagkakataon. I've signed the annulment paper. Ayoko nang hadlangan ang kaligayahan mo. Because I love you so much that I want nothing but your happiness. " Luhaang sabi ni Armando. At iniabot ang brown envelope kay Samantha. Ngunit mabilis namang yumakap si Samantha sa asawa sa Iikuran nito.

"Armando, please don't be so feeble of making a decision. Ngayon kita higit na kailangan upang piliin ko ang tamang landas. Don't let go of me that easily. Pinili kita kasi kung minsan man ay natutunan kitang mahalin, magagawa at magagawa ko pa rin 'yon.Just give me time.Tayo ni Anikah ang pamilya. Di ko na babalikan pa si Lyndon dahil kung bawal ko man siyang mahalin, mas bawal naman kitang saktan. Ayokong kamuhian ni Anikah habang lumalaki siya. Ayaw kong maging masamang halimbawa sa bata dahil babae din siya tulad ko, kailangan niya tayo Armando. Kailangan niya tayo upang kahit kelan ay di siya matutulad sa akin." Ani Samantha. At sa pagmamakaawang iyon ni Samantha ay naging dahilan upang wag nang pakawalan pa ni Armando ang babaeng pinakamamahal.Na nag-udyok sa kanila upang muli ay ipadama sa isa't-isa ang init ng isang wagas na pag-ibig.
Nakatulog si Samantha nang matapos nilang pagsaluhan ni Armando ang marubdubang pagpapadama sa isa't-isa ng di matatawarang pagmamahal na ang kaakibat ay ang pagpaparaya, pagtanggap, pag-amin, at pagpapatawad. Kaya naman ay malayang nakaalis si Armando na dala si Anikah Gabrielle.



KUNG BAWAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon