Chapter 5

707 25 0
                                    

4:25 pm...

Waaahhhh!!! Late na ko!!!

Tinakbo ko na yung entrance ng EK pero wala na siya dun!

Asan na yun?

Umalis na ata...

(sigh)

“You’re late!”

Nilingon ko siya at nilapitan agad.

“Sorry...”

“Tss! Tara na nga!,” pumasok na kaming dalawa. Napangiti naman ako. Dito kami unag nagdate noon, naaalala pa kaya iya yun?

Nauuna siyang maglakad sa akin. Sumusunod lang ako sa kanya. Dati-rati, kapag nasa likod niya akong naglalakad, hihinto siya at hihilahin ang kamay ko para tavi kaming maglakad.

Pero iba na ngayon... mukhang wala na siyang pakialam sa akin.

(sigh)

“Tara dito!,” tiningnan ko lang siya at yung tinuturo niya.

HAUNTED HOUSE.

U-oh!

“A-Ah h-hihintayin na lang kita dito!”

“Tss, tara sabi ei!,” he grabbed my wrist kaya wala na akong nagawa.

---

“Haunted house hon? Ayoko dyan natatakot ako!”

“Don’t worry! I’m here... hindi kita pababayaan. Just hold my hand, kay?”

I smiled at him at sabay kaming pumasok sa loob.

---

“T-Teka hon madilim...,” binitiwan niya ang wrist ko.

“Dont call me hon!!”

“S-Sorry..,” nakakatakot. Ang dilim...

Maya-maya naramdaman kong may malamig na kamay na humawak sa paa ko.

“AAAAAHHHH!!!!,” napayakap ako kay Nicolo.

*sob sob sniff sniff

“Tumigil ka nga sa pag-iyak mo!,” iritang sabi niya. Nakayakap pa rin ako sa kanya.

“S-Sorry...,” unti-unti naman akong humiwalay sa kanya.

“Wala ka bang alam ibang gawin kundi magsorry? Tss!!,” tumalikod na siya’t naunang maglakad. Sumunod na lang ako sa kanya.

Pareho kaming tahimik nang lumabas doon. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko dahil sa takot. Sumakay rin kami sa ibang rides. Nakasunod lang ako sa kanya. Kahit sobrang natatakot ako, kinaya ko pa rin. Alam ko kasing bahagi ito ng paghihiganti niya.

*Ring... Ring...

Nagkatinginan kami ni Nicolo. Tumalikod naman siya. Sinagot ko yung tawag.

“Hello?”

“Ariane! Nasan ka ha?? Gabi na ah!! Bakit ka tumakas sa ospital??”

“Ah Noriel... sorry, nasa EK ako ngayon.”

“EK?? At ano namang ginagawa mo dyan ha?? Don’t tell me kasama—“

“Pauwi na rin ako, babye!!,” pinutol ko na yung tawag at inioff ang phone ko.

Nilingon ko naman siya at nakita kong papunta siya sa mga food stalls. Sumunod naman ako sa kanya. Bumili kami ng makakain tapos naupo kami sa may bench. Tahimik lang kaming dalawa.

Maya-maya may mga babaeng lumapit sa amin.

“Oh Nicolo dear!,” sabi nung isang babaeng may makapal na make-up. Umupo siya sa gitna naming dalawa. Pinulupot niya yung braso niya sa leeg ni Nicolo. Nag-iwas na ko ng tingin.

“I miss you!! Mwaah!!”

=___=

Kailangan may tunog pa talaga yung kiss?? Tss!! Nandito ako oh! Bastusan talaga? Sarap nilang sigawan...!

Kaso wala akong karapatan... -___-

Tumayo ako sa inuupuan ko. Mukhang yun lang yung hinhintay nung mga babaeng kasama nung malandi, umupo sila dun sa pwesto ko kanina.

At ang lalaki, ni hindi man lang ako pinapansin. Sarap na sarap siya sa pakikipagharutan sa mga babaeng yun!

Nagseselos ako ano ba?

Grrrr!!

(sigh)

“Pwede ka ng umuwi!”

“Hah?,” napalingon ako ng magsalita siya. Hinahalikan siya sa mukha nung mga babae.

“sabi ko umuwi ka na!”

“Oh pinapauwi ka na girl! Shoo!!,” sabi sa’kin nung isa sa mga maaarte.

Tumalikod na ako sa kanila. I looked at my watch.

10:00 pm

(sigh)

Late na... papano ako uuwi ngayon?

At ang malas nga naman, nagsisimula nang umulan! Tumakbo ako sa pinakamalapit na waiting shed.

3 meters din yun ah! Ayan, nabasa pa rin ako.

“Achooo!!”

=___=

Ang ginaw naman... kung di ka naman kasi ubod ng malas di ba?

Kinapa ko yung cellphone ko sa bag at sinubukang buhayin ito.

Nabuhay naman... ng ilang segundo.

LOW BATTERY SHUTDOWN!

Argh!

“Achoooo!!”

Ang sama na ng pakiramdam ko ah! Sumandal ako sa may upuan at unti-unti, lumabo na naman ang paningin ko.

BreakevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon