Chapter 7

657 23 0
                                    

CHAPTER 7:

NORIEL’S POV

“Promise me... promise me na kahit anong mangyari hindi mo sasabihin sa kanya ang tungkol sa sakit ko. Promise me kuya... please?”

I just looked at her. She’s crying again. Lagi na lang siyang umiiyak. Hinawakan ko ang kamay niya.

“I promise.”

Hindi ko alam kung tama ba talaga na nangako ako sa kanya noon na hindi sabihin sa gag*ng yun ang tungkol sa tunay niyang kalagayan.

Argh!

Napahilamos na lang ako sa mukha.

Kung pwede ko lang sana akuin ang sakit niya, gagawin ko. Kung pwede lang na ako na lang ang mahirapan, kaso hindi.

It kills me to see her in pain.

Palala nang palala ang sakit niya.

Kailangan niya nang sumailalaim sa heart transplant sa lalong madaling panahon.

Pero, paano? Hindi pa natatapos ang deal nila ng lalaking yun! Argh!!

NICOLO’S POV

Naguguluhan ako.

Dapat galit na lang nararamdaman ko sa kanya di ba?

Pero bakit...

Nag-aalala pa rin ako sa kanya?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Do I still love her?

FLASHBACK

After few minutes dumating na siya. Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako na katabi ang walang malay na si Ariane. Pero hindi lang yun... kitang-kita ko rin sa kanya ang takot.

Takot para saan?

Lumapit agad siya sa amin at hinawakan ang pisngi ni Ariane.

“Ariane... wake up...!” marahan niyang tinapik ang pisngi nito. Sobrang nag-aalala siya.

Anong problema nito?

Kung makareact naman parang may nangyari nang masama sa babaeng to eh nakatulog lang naman!

“Bakit hindi mo siya hinatid?”

“tinatamad ako eh!,” bale-walang sagot ko sa kanya.

:Pag may nangyaring masama sa kanya, malalagot ka sa akin!”

“Ano namang mangyayaring masama sa kanya? Hindi naman siya mamamatay nang dahil lang sa simpleng ulan noh!”

Tiningnan niya ako ng masama.

“Wag na wag mo nang lalapitan ulit si Ariane!”

“Ohh hindi naman ata pwede yun. You see.. we have a deal.”

“Anung deal?”

“deal... na patatawarin ko siya sa pananakit niya sa akin noon if she’ll be my girl AGAIN for two weeks.”

“WHAT??”

Gulat na gulat siya sa sinabi ko at mukhang galit na galit din.

“You heard it right! She’s mine for two weeks.”

Kinwelyuhan niya ako. Ramdam ko ang panginginig niya dahil sa galit.

“Tandaan mo to Nicolo, sa oras na saktan mo siya papatayin kita!”

“SA tingin mo natatakot ako sayo at sa pwede mong gawin? Tss! Gagawin ko kung anong gusto kong gawin sa kanya. Kung gusto ko siyang saktan, sasaktan ko siya... hanggang sa makuntento ako at masiyahan.”

“Walanghiya ka!,” susuntukin niya sana ako kaso nakailag ako’t nakawala sa kanya.

“Iuwi mo na siya. Tapos na ang date namin.”

Masama pa rin ang tingin niya  sa’kin. Binuhat niya si Ariane at dinala sa kotse nito.

Bago siya umalis, sinabi pa niyang

“hindi pa tayo tapos!”

Well, I just smirked at him.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Kamusta na kaya ang babaeng yun?

Hayyy.... napakaweak pa man din ng katawan nun.

Madaling magkasakit. =___=

Teka, bakit ba ko nag-aalala?

Nawala ang iniisip ko nang biglang tumunog ang telepono. Tumayo na ako para sagutin ito.

BreakevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon