Prolouge

329 6 0
                                    


"Hey Miss, I love you" Lumapit sya sa screen upang halikan ito, ngumiti lang ako ng kaunti dahil hindi ko na kayang makita ang pagiging sweet niya.

"Pagod na ko Alden, Gusto ko na magpahinga" Ipinakita ko sa kanya na wala akong ganang makipagusap sa kanya.

"Madami ba kayo masyadong ginawa para hindi mo masagot ang simpleng I love you ko Maine?" Naging malungkot ang tono ng pananalita niya, Ayokong nakikita siyang nagkakaganto. Ayoko. Nasasaktan ako at hindi ko kayang makita siya nag kakaganyan dahil sa akin.

"Im sorry Alden, Im so sorry" Pagkasabi ko nun ay bigla nalang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Umiiyak ako sa harapan niya dahil hindi ko na kaya.

"Maine, Bakit ka umiiyak? Namimiss mo na ba ako? Gusto mo sundan kita dyan sa New York? Tell me what's wrong baby, Gagawa ako ng paraan"
Lalo akong naiyak sa mga sinabi niya. Buti pa siya kaya niyang lumaban para sa kung anong meron kami bakit ako hindi ko malabanan tong pagsubok na ito?

"Alden, Im so sorry" Patuloy na pagsasalita ko. Natutuluaan na ang laptop ko ng mga luha ko dahil hindi ko na talaga mapigilan ang mga ito.

"Maine, Baby what's wrong? Tell me please? Ayokong nakikita kang umiiyak baka pumunta ako dyan sa New York"
Huminga ako ng malalim at tiningnan siyang mabuti

"Alden, Itigil na natin to. Walang pahahantungan itong meron tayo. Im so sorry, Alden maghiwalay na tayo" Pinunasan ko ang mga luha ko at pinipilit na huwag na silang tumulo ngayon dahil kilala ko si Alden at kilalang kilala niya ako. Siguro ngayon ay alam niyang may problema ako kaya ko nagawa ito.

"What? Maine, Nagkaroon yata ng problem ang connection. Pakiulit naman please baby?"
Tiningnan ko siya sa mata, at kahit na sa skype lang kami naguusap ngayon ay alam kong nasasaktan ko siya.

"Ayoko na Alden, Maghiwalay na tayo" Pagkasabi ko ng mga salitang ayaw kong sabihin ay nakarinig ako ng mga hikbi, Hikbi ni Alden dahil pinipigilan niya ang pag iyak niya pero kitang kita ko sa screen ng laptop ko na may luha na umaagos sa pisngi niya.

"A-ayaw mo na? May p-problema ba Maine?" Umiling ako bilang sagot

"Kung ganon bakit?"

"Ayaw ko na Alden, Nahihirapan na ako. Hindi ko na kaya"

"Ngayon ka pa susuko Maine? Kung kelan malayo na tayo at madami na tayong napagdaanan na problema ngayon ka pa susuko? Ngayon pa kung kelan hindi ko na kayang mawala ka?"

No Limits (ALDUB FANFICT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon