Eight

112 5 0
                                    

Dati kapag nagdadaydream ako tungkol sa proposal ni Alden ang lagi kong naiimagine ay nasa susyalin na lugar kami. Yung mga pangmayaman. May mga fireworks. Pero eto kasasabi lang nya na gusto nya ng magpakasal kami.

"Maine, Magpakasal na tayo.." Paguulit niya.

"Alden.." Tiningnan ko siya sa mata at

"Meng, Ayaw ko ng mawala ka" Seryoson sabi niya.

"Ayaw ko rin naman mawala ka sakin. Pero may mga bagay na dapat unahin diba?"

"Meng, Ikaw ang pinaka mahalaga sakin, Ikaw ang dapat unahin ko"

"Haynako etong dalawang to pumasok na nga kayo at ako na ang mag mamaneho para makapaglabing labing kayo!" Singit ni Kuya Paolo

"Kuya baka mapagod ka po" Sagot naman ni Alden

"Sus, Kunwari pa ito! Sige na ako na magmamaneho ng makapagusap kayo ni Maine. Alam ko naman namiss nyo ang isa't isa"

Naging tahimik ang byahe namin pauwi sa condo unit ko. Doon mananatili si Alden at Ako kasama si Kuya Paolo kaya't pumayag si Lola.

Habang abala sila Alden sa pag akyat ng gamit nila dito ako naman ay naging abala sa pagluluto ng kakainin namin ngayong lunch at patapos na ako sa pagluluto kaya't ako na din ang nag ayos ng mesa. Sakto lang ang pagtapos ng kanilang ginawa dahil tapos na din ako sa paghahain.

Pumunta akong kwarto at binigyan ko sila ng tig isang tuwalya dahil pinagpawisan sila sa ginawa nilang pagbubuhat ng anim na malalaking kahon at apat na malalaking maleta. Ewan ko kung ano ang bitbit ni Alden at ganyan kadami ang gamit niya!

"Alden! Bitbit mo ba ang buong bahay niyo?! Ang bibigat ng mga iyon e! Aba kundi tayo tinulungan for sure lawit na dila ko!" Sabi ni Kuya Paolo na feeling ko lumabas ang pag ka maton side niya dahil sa pagbubuhat!

"Pasalubong ko po iyan kay Maine, Kuya. Alam mo naman matagal kaming hindi nagkasama." Sagot ni Alden tapos ay inakbayan ako at naglakad na kami patungo sa kusina.

Pinaghila muna niya ako ng upuaan at pinaupo bago siya umupo sa tabi ko. Si Kuya Paolo ay doon sa pwesto niya sa gitna.

"Kumain ka ng madami ha? Ang payat mo na. Nagpagpakabusog ka ba? Vitamins meron ka?" Aligagang tanong ni Alden sa akin habang nilalagyan ng madaming kanin ang pinggan ko.

"Alden, Hindi namin iyan ginugutom dito no!" Komento ni Kuya Paolo habang abala sa paglalagay din ng kanin sa pinggan niya.

I cooked sinigang na baboy, and of course! Kare kare and Bopis!

"Ang payat mo kasi Maine, Kumain kana oh." Sabay subo sakin ng kanin na may sinigay. Naginit ang mukha ko dahil sa ginawa niya.

Nakita kong napangisi si Kuya Paolo habang inosenteng kumakain naman si Alden mula doon sa pinggan ko at sa kutsarang ginamit ko. Ibigsabihin share kami sa isang plato! At susubuan nya ako na parang bata!

"Alden, Anu ka ba! Huwag mo na akong subuaan, Binababy mo naman ako!" Pagrereklamo ko.

Busy'ng busy siya sa pagkain ng Kare Kare at tila ba ay wala siya pakielam sa sinabi ko.

Muli niya akong sinubuan ng kain at ng ulam kayat inulit ko ang reklamo ko.

"Alden! Stop it! Ako na ang kakain mag isa. Huwag mo na akong babyhin!"

Ngunit ngumiti lang siya, tinitigan ako sa mata at hinaplos ang buhok ko.

"Why Maine? You're my baby boo, and I'm you're baby love. What's wrong with that? Gusto lang kitang subuaan habang kumakain because I miss you so much."

No Limits (ALDUB FANFICT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon