Seven

205 9 1
                                    

Mahirap yung gantong sitwasyon. Yung sobra sobra ang nararamdaman mong pangungulila sa taong mahal mo.

OA but true. Kahit na gustong gusto ko na siyang makausap ng personal, gusto kong mapakita sa kanya yung side ko na napaka kulit, yung side ko na abnormal, Gusto ko siyang awayin para lambingin ako..

Pero wala siya sa tabi ko. Ang hirap hirap ung hindi kayo nagkikita ng personal, Napaka hirap. Kaya eto ako ngayon hindi nakatulog, Kaya Hello Alden, Meet Maine eyebugs ang peg ko.

"Hoy Menggay! Tara na!" Tawag sa kin ni Kuya Paolo.

Isang oras nalang mayayakap na kita Alden. Gosh! Excited na excited na ako, Sobra.

Habang nagdri-drive si Kuya ay nanlalamig na yung mga kamay ko. Ewan ko ba, tuwing magkikita kami ni Alden nararamdaman ko to. Yung tipong ang lamig na ng kamay ko tapos feeling ko pa matatae ako at masusuka pa ako. Hindi ko maexplain, At ang hirap iexplain

"Harujeske, Nicomaine! Pitong taon na kayong magkakilala ni Alden, Nahalikan ka na nung tao! Parang matatae ka na dyan sa itsura mo! Ano ba, mapapangitan si Alden sayo. Para ka na ngang sinapak sa itsura mo!"

"Kuya! Eh kasi naman-"

"Nandito na tayo, Bumaba kana at ayun si Alden oh! Ngumingiti magisa habang nakatingin sa phone" Tinuro nya kung nasan nandon si Alden at tama nga si Kuya, Ngiting ngiti pa si Alden, Halos lumubog na dimples nya!

"Alden!" Sigaw ni Kuya Paolo kaya napatingin na samin si Alden. Agad agad itong tumakbo papunta samin at iniwan ang gamit doon.

"Maine!!" Agad din nya akong niyakap ng sobrang higpit.

"Wow, Ako yung tumawag pero si Maine agad ang niyakap!"
Pagmamaktol ni Kuya Paolo.

"Sorry Kuya, Miss na miss ko na po talaga si Maine" Sabay halik sa noo ko, Ako naman ay niyakap siya ng mahigpit.

Iniwan kami ni Kuya Paolo at pinuntahan ang mga gamit ni Alden dahil mukha daw ayaw ng humiwalay si Alden sakin kaya siya na daw ang kukuha.

"I miss you" Bulong nya sakin habang nakayakap parin. Ano ba ito? Kinikilig ako!

"I miss you, so much.." Hinalikan ko ang pisngi nya na may dimples.

"Maine..." Ramdam ko ang lalong paghigpit ng yakap niya sa akin at hinalikan din nya ang buhok ko.

"Hmmm?" Ako naman ay nandito sa dibdib nya amoy na amoy ang bango nitong lalaking to! Miss na miss ko na talaga siya at parang ayaw ko na din magkahiwlay kami..

"Hindi ko na kaya Maine.." Sabi niya at humalik na naman siya sa noo ko..

"Huh?"

"Hindi ko na kayang mawala ka pa sakin...."

Humigpit pa ang yakap niya at pinagdikit niya ang noo at ilong namin

"Pakasal na tayo Maine..."

No Limits (ALDUB FANFICT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon