"Meng? May tawag ka sa telepono. Halika at kausapin mo" Tawag sa akin ni Manang, bukod kay Kuya Paolo isa din siya sa nakakaintindi sa akin, Sa amin ni Alden.Pinusod ko ang buhok ko at naghilamos upang mawala ng kaunti ang mugto ng mata ko dahil sa ilang araw na pag iyak tsaka lumabas na ako ng kwarto.
"Hello, Maine Mendoza speaking, Sino po ito?" magalang na pagtatanong ko.
"Iha, Maine? Si Tito Richard ito." Ang alam ko ay ayos na ako pero bakit noong narinig ko ang boses ng daddy ni Alden ay bigla nalang tumulo luha ko. Pinunasan ko ito at pilit na kinakalma ang boses ko, Agad naman hinagod ni Manang ang likod ko upang mapakalma ako.
"Yes po tito? Ano pong problema?" kaswal na tanong ko kay Tito Richard. I want to ask him kung ano ang ginagawa ni Alden, Bakit hindi niya ako sinusuyo, Bakit hindi siya nangungulit gusto kong itanong kay Tito dahil miss na miss ko na ang anak niya. Hindi ko kaya ang wala siya. Hindi talaga.
"It's been two months since nagkalabuaan na kayo ni Alden, What's wrong anak? Masaya naman kayo diba? What happened?" Ramdam ko sa boses ni Tito ang pagaalala sa akin at paghihinayang sa relasyon namin ni Alden at kahit ako ay nanghihinayang doon.
"Tito, Im so... sorry" Ayun lang ang lumabas sa bibig ko dahil baka humagulgol na naman ako.
"Okay lang Meng, But sana ay hayaan mong ipaglaban ni Alden ang pagmamahal niya sayo. Seven years of happy relationship and two years of friendship ay hindi basta basta makikita ngayon. Since elementary ay magkakilala na kayo at highschool ay naging lagi na kayong magkasama kaya sana ay hayaan mo si Alden na patunayan kung gaano ka nya kamahal Maine. Please Anak?"
"I dont know what to do Tito, Hindi ko kaya na wala si Alden but ayaw kong suwayin ang Lola, I need Alden but ayaw kong magalit si Lola. Hindi ko na po alam ang gagawin ko Tito." And now hindi ko na mapigilan luha ko, yakap yakap na ako ni Manang at sapalagay ko ay kailangan na kailangan ko ito ngayon.
"Anong sabi ba ni Madame? Can you tell me Maine?"
Huminga ako ng malalim bago ako magsalita.
"Wala naman pong gaanong sinabi si Lola but she told me that kailangan ko ng hiwalayan si Alden, Isang buwan akong nagisip isip Tito at alam ko pong mali ang ginawa ko dahil sinarili ko lang ang problema. Sabi ni Lola ang magpapakasal kami ng apo ng kaibigan niya. Tito, ni hindi ko pa po nakikita yung tao at hindi ko din siya kilala tapos ay ikakasal na kami next month! I really dont know what to do Tito, Hindi ko alam kung paano ako lalaban dito"
Wala parin tigil ang pagtulo ng luha ko, hindi ko na talaga kaya. Sana ay kaya kong tumakbo kay Alden at yakapin siya ng mahigpit ngayon dahil iyon lamang ang magpapagaan ng loob ko at mag aalis ng bigat na nararamdaman ko.
"Maine, Anak magtiwala ka kay Alden. He can do it. Kahit na hindi mo kaya ay magagawa niya iyan. Makakaya niyo yan basta manatili ka lang na inlove sa kanya. Don't waste the chance anak. Ikaw lang ang mahal ng anak ko at mahal na din kita dahil sayo sumasaya ang anak ko. I hope you will hold into him until the end"
Isa ito sa pinaka gusto kong ugali ng tatay ni Alden. Mahal niya ang anak niya at mahal niya ang mga nagpapasaya kay Alden. Kung lalaban ang anak niya hindi niya ito iiwanan bagkus sasamahan pa niya ito hanggang sa umayos na ang sitwasyon.
"Ye-Yes po Tito. Kakausapin ko na po ulit si Alden. Mag uusap na po kami. Kamusta na ho ba siya Tito? Okay lang po ba siya? Kumakain ba siya Tito? Lalaban na po ako ngayon this time. Sasamahan ko si Alden sa laban. We will fight until the end Tito. Im so sorry sa mga nagawa ko. Pinatagal ko pa ito ng gantong katagal, Mag dadalawang buwan na kaming hindi nag uusap. I hope hindi galit sa akin si Alden"
"Ikaw lang ang mahal ng anak ko, Ikaw lang Maine. Kausapin mo na siya. Magplano kayo. Ayusin niyo yan please anak? Sa loob ng dalawang buwan ay wala siyang ginawa kundi maghintay sa phone, laptop at sa sala hoping that may Maine na lalabas bigla doon. Akala ko baliw na ang anak ko. Please Maine? Ayusin nyo ito. Hindi ko kaya na nagkakaganyan kayo. Next week ipapadala ko ang mga sulat na gusto niyang ipadala sayo dyan pero lumipat ka na daw sa mansyon ni Madame at hindi namin alam ang address nyan. Condo mo lang alam namin."
"Ibibigay ko nalang po ang address namin sa email Tito, I want to talk to Alden. I miss him so much. Hindi ko na kayang tiisin pa ito Tito. Thank you so much po. I love you po Tito! Thank you talaga!"
Nakarinig ako ng buntong hininga sa kabilang linya na parang sinasabi na mission done ang ibig sabihin nun.
"Thank you din Iha at pinakinggan mo ako. Kausapin mo na siya puro alak nalang ang inaatupag noon! I love you too anak. Keep safe. Godbless always"
"Thanks po Tito. Ingat din po. Godbless po. Paki hug nalang ako ng mahigpit kay Alden! Miss na miss ko na siya!"
Naging masaya ako sa paguusap namin ni Tito Richards. Agad kong hinalikan si Manang at tumakbo agad ako sa kwarto ni Kuya Paolo.
This time I will fight for our love, My love.
BINABASA MO ANG
No Limits (ALDUB FANFICT)
FanfictionWalang limitasyon pagdating sa pag ibig, Kahit na napakalayo niyo sa isa't isa ay pareho parin kayong nagmamahalan ngunit paano kung mapaglaruaan kayo ng tadhana habang kayo ay magkalayo parin? Makakaya niyo pa rin kayang ipaglaban ang pagmamahalan...